Kabanata 15

21.7K 647 31
                                    

Kabanata 15

Halos takpan ko na ang buong pisngi nang makalabas ako ng restroom. Nanginginig pa ang aking mga tuhod habang tinatahak ang daan pabalik sa pwesto ng aking mga magulang.

"Where have you been, Mandy?"

Holy shit! I almost stumble if not for his tight grip on my waist.

"Bakit ang tagal mong bumalik?"

I glared at him. Kumawala ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking beywang.

"Papatayin mo ba ako ha?" Halos nakasigaw kong saad sa kaniya. Gago to! Muntikan na akong atakehin sa puso ng dahil sa kaniya.

"Bakit ang tagal mong bumalik, Mandy?" Pag-uulit niya sa itinanong kanina. His brows are knotted as he stared at my face. Saglit lang din iyon dahil mas nagtagal ang tingin niya sa bandang likuran ko.

No! He couldn't be-

Lumingon ako. Nagtama ang paningin namin ni Brandon na kakalabas lang ng restroom ng mga babae. My heart throbbed painfully. Napaatras ako habang napapalunok nang dumaan siya sa tabi ko. Naiwan ang amoy niya na kumiliti sa bawat himaymay ng aking katawan.

"Sino siya, Mandy?"

"Huh?" Wala sa sariling nilingon ko si Marcus. Madilim ang bukas ng kaniyang mukha habang nakasunod parin ang tingin sa papalayong likod ni Brandon.

"Who's that guy, Miranda?" His voice filled with unfathomable anger. "You're not cheating, are you?"

Bumukas-sara ang aking labi dahil sa pagkabigla. Cheating? Ako?

"What are you talking about, Marcus?" Pagmamaang-maangan ko pa. "Nananaginip ka ata." Dugtong ko bago siya tinalikuran. Dali-dali ang naging paghakbang ko pabalik ng mesa. Nginitian ko ang aking daddy na inalalayan ako sa pag-upo.

Nawalan na talaga ako ng gana sa buong pag-uusap nila. I tried to butt in but my mom won't even let me. Hindi rin ako makatingin sa harapan ko dahil sa binitiwang salita kanina ni Marcus. He's right. Technically, I'm cheating. Dahil engage na talaga ako sa kaniya. At hinayaan ko pa talaga ang sarili kong makipaglandian kay Brandon sa isang pampublikong lugar. In a public restroom. How disgusting! Pero hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang pagsisisi. Maybe because I like him too much? Oh God! Hindi ko na alam. Gulong-gulo ang aking isip.

"Are you okay, hija?"

"Po?"

Ngumiti si Mrs. Valle. Napangiwi ako dahil nahalata niya atang hindi man lang ako nakikinig. At bakit naman ako makikinig? Hindi naman kasi ako interesado sa pinag-uusapan nila.

"You seemed preoccupied. Are you feeling sick?" anang ginang. Mukha siyang mabait. But I can't let my guards down. Looks can be deceiving.

Umiling lang ako at ibinalik ang pansin sa pagkain na nasa aking harapan. I squirmed on my seat upon remembering what happened in the restroom. Parang nararamdaman ko pa sa loob ko ang bawat paggalaw ng kaniyang daliri. Napangiwi ako habang napapahawak sa umiinit na pisngi. I'm starting to feel uncomfortable. Heat started to creep inside my veins.

"Are you really okay, Mandy?"

Nag-angat ako ng tingin. Dad's worried face welcomed my sight. I bit my lower lip. I'm guilty. May ginawa akong kasalanan. I'm no longer my daddy's little girl.

"Can-can I just go home, dad?" My voice quivered. Tears formed in the corner of my eyes. Dad's eyes widened. Umayos siya mula sa kaniyang pagkakaupo at kinausap sa mahinang boses si mommy. Nagbaba lang ako ng tingin nang titigan ako ng masakit ng aking mommy.

I'm In love with a MonsterWhere stories live. Discover now