Chapter 23: Lollipop

758 24 9
                                    


Zane's POV

"Sya si..." Gusto ko nang dukutin ang dila ni bespren at pakinggan o basahin sa dila nya yung sasabihin nito. Ang bagal kasi pa bitin lang parang yung nababasa kong story sa wattpad, pabitin.

Ang dami ko ng iniisip, nakatunganga na ata sya. Siguro mga limang segundo nya sinabi yung 'siya si...'

Curious lang talaga ako!

"Oy mga pre!" Naagaw ang atensyon ni Nicko sa nagsalita na si Lerick pala at naglalakad papunta sa pwesto namin.

Kainis nabitin talaga 'ko! Naupo ito sa tabi ni Nicko at kinuha ang shawarma ng katabi nya. Bago pa maka-react si bespren ay nakagatan na ito ni Lerick. Hindi ko alam kung madidiri ako o ano. Kasi naman lalaki sila? Ay ewan siguro may tinatagong ka-sweet-an din ang mga lalaki sa ka same-sex nila. Para tuloy naging mag-dyowa or mag-bestie as close na close sila na tipong sipilyo hinihiram ng isa. Hindi ko ma-imagine!

Pero shete yung curiousity ko yung mas nangingibabaw dito e.

"Hoy dude!" Binatukan naman ni Nicko ang kumagat sa shawarma nya, dahilan ng pagka-aray ni Lerick. Kaagad na inagaw ni Nicko ang pagmamay-ari nya at mabilis itong inubos. Maunti na lang naman kasi iyon. Ang laki kasi ng nakain ni Lerick at mabilis naman kumain ang mga lalaki diba.

"Nakakainis ka! Kung nagugutom ka bumili ka ng iyo, hindi 'yong mambuburaot ka ng pagkain ng iba." Inis na napanguso si Nicko. "'Yan tuloy hindi na masarap!" Dagdag pa nito.

Gusto kong matawa pero gusto ko ring mainis dahil naudlot ang sasabihin ni Nicko. Ayan tuloy mas nacu-curious ako. Kapag naman inulit ko baka tuksuhin ako nitong si bespren at baka malaman pa ni Lerick ang pinag-uusapan namin. Kaya dahil may matalino akong utak ay ipagpapaliban ko muna ang pangtsitsismis este ang curiousity kong makulit.

"Ang arte mo naman para kang babae. Yung kay Zane na nga lang." Nanlaki naman ang mga mata ko, halos hindi ko pa nga nakakalahati ang large na shawarma na 'to. Akma nyang kukunin ngunit mas mabilis pa sa kidlat ang pagtago ng shawarma sa likod ko. Paborito ko 'to kaya walang pwedeng makaagaw! At isa pa minsan na lang manlibre si Nicko kaya dapat ko ng lubusin, baka mamaya pagbalik nito sa 'kin papel na lang ang natira.

Bigong nakatingin sa akin si Lerick habang nagkakamot ng ulo. Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Dude bumili ka kasi." Saka ako lumipat sa kabilang mesa na katapat lang rin nila. Mahirap na, maganda na yung sigurado. Kinanin yung shawarma at napansing nakatingin doon si Lerick habang si Nicko dumadaldal lang. Hindi nya alam na sa iba nakatuon ang atensyon ng pinagkwe-kwentohan nito.

Halos maubos ko na rin ang shawarma hanggang sa may naisip ako. Sa huling kagat ay dinahan-dahan kong itong inubos para maasar si Lerick. Nakanguso ito habang masamang nakatingin sa akin.

"Teka pre, nakikinig ka ba?" Gusto kong matawa sa sinabi ni Nicko. Tumayo si Lerick at nagpunta sa counter. Tignan mo 'to may pera naman pala. Nagulat na lang ako ng pagbalik nya ay may hawak syang tatlong shawarmang large. Teka mauubos nya ba 'yon. Dahan-dahan syang kumagat sa isa nyang shawarma. Ay takte masama palang asarin 'tong si Lerick.

"Hoy pre sigurado ka bang mauubos mo 'yan?" Takang tanong ni Nicko.

Tango naman ang isinagot ni Lerick na tipong di na makapagsalita dahil sa puno ng laman ang bibig. Napailing na lamang ako.

"Tara na at magbe-bell na." Aya ko kay Nicko.

"Sige pre una na kami." Kumaway lang sa amin si Lerick. Pero parang gusto ko pa ng shawarma.

Nagpatuloy ang buong maghapon na tipong tamad na tamad kami. Dahil ang daming pinagagawa nila. May mga projects katulad ng website, logo sa math, animation gamit ang power point at yung buod ng lahat ng kinwento ni Ma'am Santos. Kala ko nga end of school na. Pero ang mga nabanggit ko ay sa amin lang na manlalaro or kasama sa mga magaganap na kompetisyon.

Ang hindi naman kasama, ang gagawin nila ay speech choir, public speaking, jingle, at reportings. Ang mga 'yon ay may tamang deadline, mahaba-haba pa para gawin nila. Kami naman isang linggo lang. At isang linggo rin kaming shorten time. Three ng hapon kami pinapauwi at umpisa na 'yon ngayon.

At oo nga pala. Hindi pa binibigay ni ma'am Santos yung papel na pina-quiz nya sa amin. Yung pinagpustahan namin ni kupal Jaze. At 'yong kupal na ring 'yon, hindi pumasok. Tanging bag nya lang ang nandito. Yung bag na pala ngayon ang pumapasok. Ang galing.

"Bespren mauna na 'ko ah? Gagawin ko na yung website." Sabi nito. Medyo madali lang naman ang paggawa doon dahil may ibinigay sa amin si ma'am na online at libreng gumawa ng isang website. May mga design na daw iyon at babaguhin na lang namin kung ano ba yung theme at gusto namin. Hindi katulad yung mga code ba 'yon? Ang simula nya html. Basta mahirap 'yon para sa 'kin.

Umalis na rin ako sa room at naglakad-lakad. Uunahin ko na lang siguro yung logo sa math. Mas gusto ko kasing mag-drawing saka mag-digi-art. Pero syempre mamaya na lang.

Nagpalinga-linga lang ako at karamihan ng estudyante ay nagpa-practice na para sa mga gagawin nila. Sumilong ako sa isang puno dahil tirik na tirik ang araw. Nang kumulimlim ay naglakad-lakad akong muli. Napatingin ako sa kalangitan. Ang ganda may mga ulap na maliliit at malalaki naman ang syang nagtatakip kay haring araw. Hanggang sa nagawi ang tingin ko sa isang building. May nakita akong tao na nakatambay doon. Kung hindi ako nagkakamali ay nakatingala rin sya. Hanggang sa bumaba ang tingin nito. Nagulat ako ng napadako sa akin ang kanyang tingin. Pero hindi ko alam kung ako ba yung tinitignan nya o hindi.

Tumalikod na lang ako at naglakad muli. May mga ilan-ilang estudyante rito baka iyon ang tinitignan nya. Saka pake ko ba? Sino ba 'yon?

Kumuha ako ng candy sa bulsa ko. Nagtaka ako kung bakit may lollipop dito. Hinayaan ko na dahil 'yon lang ang laman ng bulsa ko at dahil naubos ko na pala ang mga candy kanina nung nagka-klase pa.

Gusto kong pumunta sa garden pero sa ibang lugar ako dinala ng aking mga paa. Nakita ko yung guard na may kinakausap. Lumapit ako.

"Magandang hapon Mang Tomas." Bati ko sa guard namin. Sya palagi ang gwardya namin umaga hanggang four ng hapon. Tapos papalit sa kanya si Mang Domeng na gwardya namin hanggang madaling araw.

"Ay sir magandang hapon din po." Sabi nya sa 'kin. Kilala nya ako at kung sino talaga 'ko.

Tinignan ko kung sino ang kinakausap nito. Nagtaka naman akong isang batang lalaki na may dalang maleta?

"Sino sya Mang Tomas?" Tanong 'ko.

"Ayaw nyang sabihin ang pangalan nya. Pero kinukulit nya akong pumasok raw sya dahil nasa loob yung kuya nya."

Napatango na lamang ako. Sino kaya kuya nito? At pinagdala pa sya ng maleta.

Nanlaki naman ang mata ko ng may maalala.

Teka sya ba 'yong batang kala mo matanda kung magsalita? Yung nakita ko sa park?

'Yong batang nagbigay sa akin ng lollipop?




The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon