Chapter 16: Flashback

833 32 3
                                    


Zane's PO

"Teka ano ba pag-uusapan natin?"

Nandito kami sa dining room at dito ko na papakainin 'tong si bespren. At kanina pa sya tanong ng tanong kung ano yung pag-uusapan namin. Ang kulit talaga nito.

"Dito ka na pala kumain bespren."

"Bakit? Namiss mo ba ko?" Sambit nito habang nataas ang dalawa nyang kilay.

"Hindi."

"Aray naman! Bakit deretsahan?" Pag-kukunwaring nasasaktan nito.

"Paano kita mamimiss kung araw-araw ko nakikita yang pagmumukha mo?" Sabay irap ko sa kanya.

Naglapag si manang Cesilya ng mga pagkain at kanin sa harapan namin.

"Manang kumain na po ba kayo?" Tanong ni Nicko kay manang.

"Oo anak, kumain na kayo dyan at pagusapan ang dapat pag-usapan. Kapag kailangan nyo ako ay tawagin nyo lang ako sa kwarto." Nakangiting sambit ni manang.

"Opo manang." Nakangiti ko ding sambit sa kanya bago sya umalis.

Lahat ng pumupunta dito sa bahay na kaibigan ko ay tinatawag nyang anak. Pero si Nicko pa lang naman ang tinawag nyang ganon dahil sya pa lang ang pinapapunta ko sa mansion.

"Oh kumain na muna tayo."

"Iiih V naman! Hindi ako mapapakali kapag di mo pa sinabi."

Sabi nito habang kumukuha ng sandamakmak na kanin.

"Wow huh. Hindi ka na mapakali sa ano? Sa itatanong ko o sa pagkain?" Iba din kasi itong si bespren eh, magaling din 'to kapag sa kainan na ang usapan.

"Parehas hehe." Babatukan ko sana sya kaso wag na lang. Magsasayang lang ako ng lakas.

"Ito seryoso na.. Anong nangyaring issue dati? Yung sinasabi nyong natalo kayo?"

Napatigil naman sya sa pagkuha ng ulam at napangiti ng mapait.

Ano ba talagang nangyari dati? Bakit sa tingin ko'y higit pa sa pagkatalo ang dinaramdam nila?


Jaze POV

"Jaze Nathan Colix! Bakit ginabi ka na naman ng uwi?!"

Pambungad na sambit ni Dad pagkapasok ko pa lang sa pinto. Ito na naman sya.

"Inaatupag mo na naman ba yang Sports na yan? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mas mahalaga ang pag-aaral mo kesa dyan!"

Ito na naman sya, sinesermonan na naman ako na akala mo may pake talaga sa buhay ko. Tsk, wala naman syang ibang ginawa kung hindi sisihin ang sports na 'to. At magbigay ng pera pero wala naman pag-kailangan ko. Hindi ko nga alam kung Dad ko ba talaga 'to.

"Tsk."

"Ayan na naman yang pa-tsk-tsk na yan! Ito tandaan mo Jaze, kapag nangyari sayo ang nangyari sa ka-teammate mo! Hinding-hindi kita ipapagamot! At kapag bumaba yang mga grades mo! Grounded ka ng mansion for one month!"

At nagdabog si tanda papasok ng office nya. Oo may office sya dito. Nagpapakalunod sa trabaho! Kaya sya iniwan ni mom eh!

Umakyat na ko sa room ko at kumuha ng drinks. Hindi ako mag-iinom dahil sa mga sinabi nya. Tsk sanay naman na ang tainga ko sa boses nya.

Ang dahilan ay yung naalala ko na naman ang nangyari noon. Napakapabaya ko at pinayagan ko bilang vice captain na maglaro sya.

-Flashback-

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon