Chapter 17: Treat

797 36 5
                                    


Zane's POV


"Ganun pala ang nangyari.. Sorry at naitanong ko pa." At napakamot ako sa ulo ko. Ang shunga kasi ng utak ko, masyadong na-cu-curious.

"Haha ok lang V." Mapait pa rin ang ngiti nya at hindi ako sanay!

"Pero nung pinag-usapan nyo yun ay parang wala lang kay Jaze?" Tanong ko kay Nick, para kasing normal lang sa kanya.

"Dahil ayaw nyang ipakita sa amin na naaapektuhan pa rin sya. Muntik na nga syang mag-quit sa Volleyball dahil doon." Nalungkot naman ako sa mga nalaman ko.

May puso parin naman 'tong si Jaze. Siguro baka dahil doon naging cold sya?

"Dahil ba doon kaya sya naging cold o masungit?" Curious na naman ako eh.

"Hindi. Family problem pero dahil na rin doon mga limang buwan namin syang hindi nakausap ng matino." Napatango naman ako sa mga sinabi nya. Ang dami din naman pala nyang problema tapos heto ako't jina-judge sya.

Pero pasalamat sya at may mga magulang pa sya.

Bigla naman ako yung naging emo dito. Naaalala ko na naman kasi.

Napabuga na lang akong hangin.

"Osige na bespren. Salamat sa pagkain ah? Matulog ka na at uuwi na ko." Nakangiting sambit nito.

Bumalik na ulit sya sa dati nyang sigla.

"Sige ingat ka! Magpahatid ka na kay manong."

"Sige salamat ulit." Sambit nito habang kumakaway papalabas ng pinto.

Muli akong napabuga ng makaalis na sya.

"Hays, makatulog na nga."

Umakyat na ako sa kwarto ko at nag-shower muna saka nahiga. Hanggang sa dinapuan na ako ng antok.


Dumating ang sabado at 8 am ako nagising dahil manlilibre daw ako.

Ang araw na ililibre ko silang lahat. Nagdala ako ng credit card para mabilis magbayad at baka magka-emergency na maubusan ako ng pera.

Nag-text ako kay coach kung saan ang tagpuan. Oo may number ko sya, actually lahat ng teammate ko may number ako. Yun kasi sabi samin ni coach. Kaya kahit mabigat sa loob ko ay sinave ko pa rin ang mga number nung mga ulupong lalo na kay kupal na Jaze.

Tumunog ang cellphone ko at binasa ang text ni coach.

From: Coach Reika
Sa mall malapit sa school

To: Coach Reika
Sige coach, on the way na ko!

From: Coach Reika
Dalian mo at di nag-almusal ang mga ugok. Susulitin na daw nila 'to

Napakamot naman ako sa ulo ko. Grabe talaga 'tong mga ulupong na 'to!

At may isa pa pala akong problema. Wala akong sasakyan! Alangan namang gamitin ko yung kotse na may tatak ng Aurelia diba? Edi nabuking naman ako.

Napa-face palm ako. At magta-taxi na lang.

Nang makarating ako sa mall na tinutukoy ni coach at ang mall na pinagpa-park-ingan ko.

Nag-text ulit ako.

To: Coach Reika
San na kayo? Dito na ko.

From: Coach Reika
Dito sa Aurelia's Restaurant!

Ay pucha, mahal pa ang piniling kainan! Pero teka?..

Bakit magiging mahal kung pagmamay-ari ko naman pala? Bobo ko naman! Buti na lang at maganda pumili 'tong si Coach, mukhang mapapalibre ako.

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon