Chapter 6: Practice Game

1.1K 56 3
                                    


Zane's POV

Tatanggapin ko ba ang offer ng mokong na toh?

No.

"Sorry dude pero hindi ako nagsasayang ng oras sa mga walang kwentang bagay." Bored kong sagot sa kanya. Nakita ko namang nainis sya kaya napangisi na lang ako.

"Ganun ba? So ganyan pala ang paraan mo para makatakas. Ok, di kita pipilitin kung naduduwag ka na. Sabagay sino bang maglalakas ng loob para kalabanin ako?" Tila nag-iba ang ekpresyon namin.

Ako naman ang nainis at sya ang nakangisi. Psh paki ko ba?

Nagseryoso na ako ng may biglang nagbukas ng napakalakas-lakas ng pintuan.

Pansin ko lang na ang mga tao dito ay parang laging galit, o kaya galit sila sa pinto?

At bumungad sa akin ang dalawang tao, yung isa may kinakaladkad dahil hawak nya ang damit ng nakatalikod na lalaki. But I think alam ko na kung sino yun.

"Waah! Saglit lang! Hahanapin ko pa si V eh!" Pagmamaktol nya na parang bata.


Yung nanghihila sa kanya ay yung kasama kanina ng mayabang na Jaze na 'to nung nakabunggo ko sya. Yung isa naman hindi ko kilala.

At may iilan ring lalaking pumasok. I think mga first and second or third year sila.

"Waah! Naman eh!" Nakangusong sabi ni Nick. Mukhang di nya ako napansin ah.

"Tss, as always.. Childish!" Singhal ko.

Ngayon ay napatingin na sya sa akin. Nanlalaki naman ang mga mata nyang singkit. Tss.

"Wahh V!" At akma nya akong yayakapin ng mabilis akong umilag. Muntik pa syang masubsob sa upuan.

Nakatingin lang ang mga tao sa amin. Bale nine kami dito,apat na bago na sigurong magta-try-out sa Vb (Volleyball). At apat ding miyembro I think. Yung mayabang, si bespren at yung dalawa. Plus ako equals Nine ^__^

"V naman eh! Sigurado akong magta-try-out ka din kaya ka nandito no?" Sinamaan ko sya ng tingin at nginusuan naman nya ako. Eh kung iumpog ko kaya ang nguso nya sa pader? Psh.

"Nandito ako para bayaran ang damit nung asungot." Seryoso kong sabi.

"Anong sabi mo?!" Sabi ni mr. Yabang.

"Ay akala ko t*nga ka lang, yun pala bingi din." Iirap sana ko pero buti napigilan ko. Nakita ko namang umuusok na ang kanyang mga ilong at tainga. Tsk tsk kawawang captain nila.

Tumingin ako sa iba na halatang pinagpapawisan na. Yung miyembro na talaga ng Vb ay nakikita kong nagpapanic. At bakit naman?

May narinig akong malakas na buntong hininga.

"Fine! Bayaran mo na lang at umalis ka na." Inis na sabi nito.

"No! Hindi pwede dahil papanuodin pa ako ni V maglaro!" Pagmamaktol nito.

"Magkano ba ng makaalis na?" Boring na tanong ko.

"V naman!" Isa pa at masusuntok ko na 'tong si Nicko.

"*smirk* 10k lang naman." I just rolled my eyes. Hindi ko na napigilan eh. Kinuha ko yung maliit na envelop sa loob ng bag ko at kumuha ng limang libo mula doon sabay hagis sa upuan kung saan malapit sa kanya. 15k kasi ang laman non.

"10,000 na yan, bilangin mo pa kung gusto mo." Kita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

Tss. Akmang tatalikod na ako ng hilahin ako ni Nick. Mukhang sya ang unang nakarecover dahil ang iba ay nakanganga pa din.

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon