Chapter 5: Mr. Yabang

1.1K 55 2
                                    


Zane's POV

Maayos naman ang naging first day ko sa University. At ngayon ang second day.

Hindi ko pinapansin yung mga titig nila na akala mo kung sinong magagaling.

Mapanglait kasi eh, kung titignan mo para bang sinasabi nilang 'may dagdag na namang loser sa school' o kaya naman 'napakahina naman ng isang 'to, hindi sya nababagay dito sa school'. O diba? Kaya mas mabuting wag na lang silang pansinin.

May nagsabi pa ngang 'sino ba tong bagong salta dito? Kala mo kung sinong mayabang', kung makapagsabi sila ng 'salta' ah, ano sila tambay? At mayabang? Siguro oo mayabang akong maglakad at tumingin.

"Ouch!" Sabi ko ng pinitik ni Nick ang noo ko.

"Ano ka ba, mahahalata ka nyan eh." Tumingin ako sa kanya ng mukhang nagtatanong.

"Dapat 'aray' para panlalaki."

"Eh bakit mo kasi ako pinitik?!" Kunot-noong tanong ko.

"Kasi palagi ka na lang nakakunot noo. Alam mo bang lalo kang pumapanget kapag ganyan? At parang lagi kang may kaaway. Mamaya isipin pa ng iba sayo dyan ay naghahamon ka ng away." Tss daming sinabi. I just rolled my eyes.

"Isa pa yan!" Akmang pipitikin na naman nya ako pero nakalayo agad ako sa kanya sa gilid. Yun nga lang ay may nabangga ako.

Tinignan ko yung nabangga ko. Shaks! Natapunan ng iniinom nyang chocolate flavor na shake.

Tinignan nya ako ng super cold! Syempre papahuli ba ako? Tinignan ko lang sya. Nakatingin lang sya sa akin ng nakakunot ang noo. At ngayon tinignan ko sya ng bored. Tss he just wasting my time.

Akmang aalis na ako ng magsalita sya.

"Titingin ka lang ba dyan?!" Mahina pero may pagkainis na sabi nya.

"Kaya nga aalis na ako diba?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa harap at hindi sa kanya. Pakiramdam ko namang lalo syang nainis.

"Hindi ka man lang magsosorry sa ginawa mo?" Mahina pa rin pero may inis sa boses nya. May kasama syang lalaki din. Malamang eh puro naman lalaki ang mga nandito eh.

Humarap ako sa kanya. "Edi sorry." Akmang aalis na ako ng bigla na namang magsalita ang kupal na 'to.

"Bakit sa tingin mo ba mababalik ng sorry mo ang malinis na damit ko?" Kalmado pero may pagkainis pa rin. Kinunotan ko sya ng noo at tumingin.

"Tang* ka ba o bobo? Matapos mong paghingin ako ng sorry sasabihin mo yan?! Eh manong deretsahin mo na!" Naiinis na 'ko huh!

"Teka V! Tama na yan pre." Awat ni Nick. Abat ako pa nga ang inawat.

"Jaze ikaw pala." Sabi nya sa lalaking natapunan ko ng inumin.

"Kasama mo ba yan?" Kunot-noong tanong ni mr. Yabang.

"Oo haha."

"Alam mo pre huwag kang magsasama sa mga katulad nya, baka bad influence lang yan." Tinignan ko naman sya ng galit na expression. Sya naman ay pa-cool lang ang dating.

"Haha huwag kang mag-alala mabait tong batang 'to. Actually magaling nga tong maglaro ng Volleyball eh." Tumayo naman ang balahibo ko sa sinabi nya. Ako magaling? Hindi din. Pero nakakairita talaga kapag nababanggit yung sport na yun.

"Saan banda?" Iniinsulto ba ako ng mayabang na 'to?!

"Baka nga wala pa sya sa kalingkingan ko." Mayabang na sabi nya. Abat!

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon