Chapter 4: Hello Aurelia University!

1.1K 61 1
                                    

Zane's POV

*Kriiiiinnnngggg*

Pinatay ko kaagad ang alarm clock at mabilis na bumangon. Haiys.

Ginawa ko na ang morning rituals ko at bumaba na kaagad.

Nakita ko si Manang naghahanda pa ng almusal.

"Oh andyan ka na pala V, halika na at kumain. Hindi ka daw maihahatid ni Shawn at may inaasikaso." Bungad ni Manang.

Tss, di na ako bata para magpahatid sa senior citizen na yun noh. Tumango na lang ako kay manang at umupo na. Sinimulan ko ng kumain. Buti na lang at 8:00 am ang start ng klase. Kadalasan kasi 7:30 -_-

Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa Cr.

Buhos dito, buhos dyan.

Shampoo dito, shampoo dyan.

Sabon dito, sabon dyan.

Kuskos all around.

Buhos ulit. At Tadahh!!

Matapos kong maligo at makapagbihis ay tumakbo na ako pababa. Oo takbo. 7:45 na kasi, napatanghali ata yung alarm ko.

Pumasok na ako sa kotse at nag-drive na ang butler ko. Huwag nyang sabihin na susundan nya ako pati sa school!

Ay teka, kotse na may tatak Aurelia ang gamit ko. Patay, isang Aurelia lang ang gumagamit nito! Oo Aurelia ako pero di ba nga tago-tago din ng identity?

"Butler George sa Mall na lang po kayo mag-park malapit sa University. Alam nyo naman pong panggap-panggap din yah know?" Haha tumango na lang sya.

Ng makababa ako ay tumakbo kaagad ako papuntang gate. 7:55 na noh!!

Nang nasa gate na ako ay napatunganga lang ako sa laki ng gate. At teka tunay bang gold 'to?!

Pumasok na ako at talagang kalaglag panga ang lawak at ganda ng school. May mga puno sa gilid at may.. Pond?!

Pumunta ako sa may pond. Aba may mga isda pa! Sana naman walang palaka dito noh?

*KKKRRRRIIIINNNNNGGGGG*

Nataranta naman ako ng biglang nag-bell, hudyat ng pag-uumpisa ng klase. Paktay kang bata ka!

Tumakbo ako sa may bulletin board. Huh wag kayo may mapa ako. Tumakbo na ako papuntang room pagkatapos kong tignan kung anong schedule at room ko sa bulletin board.

Habang tumatakbo ay nakatingin ako sa paligid. Wala ng tao, malamang at nasa classroom na yung mga yun.

Nag-elevator ako papuntang fifth floor. Nandun kasi ang room ko. Pagkalabas ko ay napanganga ako sa ganda. Wow. As in wow! Kita mo dito yung malawak na garden, halos wala pa sa kalahati ng Aurelia ang nakikita ko dito sa Fifth floor.

So ito pala ang Aurelia University. Hindi ako nagdadalawang isip na gawa 'to ni Grandpa at Papa.

Well Hello Aurelia University!

Pero wait, yung room ko nga pala! Dali dali akong tumakbo at hinanap ang room 4-A.

Buti naman at kaagad ko itong nahanap at walang pasabing pumasok. Uh-oh dapat pala kumatok muna ako.

Bumungad sa akin ang isang gwapong teacher na magtuturo na sana. Napatingin sya sa akin, hindi lang sa akin pati lahat ng nandito sa room ay napatingin.

"Oh your 10 minutes late." Napalunok naman ako sa gwapong teacher na 'to. Hindi halata sa isip ko na cold ako, pero sa panlabas ay walang ekspresyon ko lang syang tinitingnan.

"By the way please introduce yourself." With matching hand gesture pa nyang saad.

Pumunta ako sa ginta at tiningnan sila ng walang emosyon.

"I'm Zane, 16 years old." At dumiretso ako sa likod kung saan nakaupo si Nicko. Pansin kong nagulat ang ekspresyon ni gwapong teacher kaya alam ko ng kilala nya ako. Sinabi din kasi ni Mr. Shawn na ang mga nakakakilala lang sa akin dito ay si bespren at ang mga faculty members or staff.

"O-ok, so again my name is Jerome Albuente and I'm your English teacher and adviser." At nagsimula na syang magturo.

Yung ibang mga lalaki dito ay napapatingin sa akin. Yung iba ay nagtataka pa. Bakit naman kaya?

"Bakit ka na late?" Bulong ng katabi ko.

"Na-late ng gising yung alarm clock ko." Napangiti naman sya.

"Alam mo bang may parusa ang mga nale-late dito?" Napalingon ako sa kanya.

"Pasalamat ka anak ka ng may-ari dahil hindi ka pinarusahan ni Sir. Jerome." Napatango na lang ako. Ang higpit din pala dito.

Siguro kaya sila nagtatakang nakatingin ay hindi ako pinarusahan o sermunan man lang.

Matapos ang dalawang subject ay nakapag break-time na kami.

"Break na tayo." Aya ni Nick, habang inaayos ko ang mga gamit ko.

Tumingin ako sa kanya, sakto naman at wala ng tao.

"Bakit? Kailan ba naging tayo?" Napa-pout na lang sya.

"Ang ibig kong sabihin mag-recess na tayo dahil nagugutom na ako!" Nakapout nyang sabi.

"Tss, parang di ka naman mabiro." At tumawa ako ng mahina.

Pagpasok namin sa Cafeteria ay napanganga na naman ako. Ang lawak at ang ganda ng design! Talagang hindi ako tatangging manahin 'to no. Isa pa pinaghirapan 'to ni Grandpa at Papa pati na rin ni Grandma at Mama.

Kumuha ako ng tray at biruin nyong libre ang pagkain? Sa bagay malaki naman ang bayad dito buwan-buwan.

Naupo na kami sa isang bakanteng upuan. Susubo pa lang ako ay napansin kong ang bilis kumain ng mga tao dito.

Kakasubo pa lang nila ay susubo ulit. Really? Hindi ba sila nabubulunan?

"Haha ganyan talaga kapag lalaki." Napatingin ako kay Nick. Ganun? So dapat kailangan ko ding gayahin sila dahil nagpapanggap nga ako?

"Kumain ka na at may klase pa." Tumango na lang ako.

Kinain ko ang spaghetti at nestea na binili ko. Nang maubos ko ay halos wala ng tao dito sa Cafeteria. Really?!

"Hay salamat natapos din." Tumayo na si Nick kaya tumayo na rin ako.

Lumabas kami ng Cafeteria at may 10 minutes pa kami para maglibot.

Hinila nya ako kung saan.

"Teka saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi sya sumagot at hinila lang ako.

Binuksan nya ang pinto ng isang gym. Pano ko nalaman? Mukhang pinto ng gym eh.

Pero mukhang hindi maganda ang kutob ko sa gym na 'to. Wala naman syang hilig sa sports na yun eh kaya malamang basketball court to.

Nang makapasok kami ay tumambad sa akin ang malinis at makintab na sahig ng dalawang Volleyball court.

Ang ganda. Pero anong pake ko?

Akmang aalis na ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

"Nick alam mo namang--"

"Vice captain ako ng Volleyball club." Napatingin ako sa kanya, so naglalaro pala sya ng Volleyball.

"Pwede kitang isali kung gusto--" pinutol ko ang kanyang sasabihin.

"Alam mo naman kung anong sagot dyan sa mga tanong na ganyan diba?" Walang emosyon kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako at nag-simulang maglakad.

Tss. Wala akong panahon para sa mga bagay na yan.

~•~•~•~•~•~•~

QueenV

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon