Chapter 18: Stress Day (Part 1)

781 34 15
                                    

Dedicated to Kwinn_Ley

~•~•~•~•~•~


Zane's POV

Hala anong gagawin ko?!

Kinuha ko yung cellphone ko at nagkunwaring naiihi.

"Ahh coach sige wait lang, nasi-cr ako eh." Pagkukunwari ko saka mabilis na naglakad papuntang CR.

"Basta sa bahay nyo na ah!" Pahabol na sigaw ni coach. Nakakainis naman si Bespren!

Kung Minamalas ka nga naman may nabangga pa ako.

"Ay sorry po." Paghingi ko ng pasensya. Isang may babaeng mukhang may asawa na at mga anak.

"Ano ba yan, tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Sambit nung ali saka umalis.

Nagtungo na ako sa pupuntahan ko ngunit bigla akong napalabas dahil sa tilian ng mga babae. Oo nga pala, lalaki ako ngayon. Napahampas na lang ako sa ulo.

Ayoko namang pumasok sa Cr ng mga lalaki at baka kung ano pa makita ko doon noh. Kaya pumunta na lang ako sa fire exit kung saan walang makakarinig sa akin.

Tinawagan ko si manang at ilang ring lang ay sinagot na nya ang tawag.

"Oh anak napatawag ka ata?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Manang pede nyo po bang ayusin ang mansyon? I mean yung walang makikitang ibedensya na isa akong Aurelia." Pangungusap ko kay manang.

"Bakit? May pupunta ba dito?" Pang-uusisa nito.

"Opo manang. Yung mga ka-teammate ko po sa volleyball."

"Oh sya sige. Iaakyat ko na 'tong mga litrato at kung ano-ano pa. Ipapatago ko na rin yung kotse sa garahe."

"Sige po manang ilock nyo po ah?" Paninigurado ko, mahirap na kasing mabuko.

"Oo, ikaw talagang bata ka. Kung ano-ano pinaggagagawa mo, baka mabuking ka na nyan."

"Si bespren po kasi eh. Sige po manang ibababa ko na, saka ko na lang po sasabihin. Love you po."

"Osige love you din, mag-ingat kayo."

At ibinaba ko na ang tawag. Ang sweet namin noh? Pero di iyan ang problema ko!

Kaagad akong pumunta sa kanila. Nakita ko naman si ugok kon bespren na sinisimot pa yung pagkain nya. Napailing na lang ako.

"Oh ano na? Nailabas mo na ba? Napatagal ka eh." Bungad nitong si Jaze.

Hindi ko sya pinansin sa halip ay tinignan si coach.

"Coach mamasyal muna tayo, magulo pa kasi sa bahay eh. Inaayos pa kasi nakakahiya naman sa INYO." Talagang pinagdiinan ko ang salitang 'inyo'.

Ang iba naman ang tumawa lang at sumang-ayon.

"Oh ano pang hinihintay natin dito? Lets goooo!!" Energetic na sambit nitong si Dylan.

Tumayo na kami at lumabas sa restaurant. Unang pinuntahan namin ay ang mga damit.

"Tsk bat ba tayo nandito?!" Iritang tanong ni coach.

"Para bumili ng damit?" Takang tanong ni John.

Napabuntong hininga na lang si coach. "Salamat huh. Makakabili nga ako dito ng damit." Mataray nitong saad.

Napatawa ang iba sa sinabi nya.

"Magpasama ka na lang dyan kay Zane. Mukha namang hindi sya bibili eh at mukha syang hindi lalaki!" Sambit ng bwisit na si Jaze.

"Ohhh hindi ka daw lalaki oh?" Sigaw ng iba.

"Pakitaan kita dyan eh!" Pagmamayabang ko at hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.

"Sige nga oh!" Naka-ngisi nitong saad.

At napag-isip-isip kong wala ako non kaya humanap ako ng palusot.

"Huwag na. Baka maging bakla ka lang at manliit."

"Oooohhh! Hahaha." Reaksyon ng iba. Nainis naman itong si Jaze. Pikunin talaga.

"Oh tama na yan! Ang lalaswa nyo, halika na nga Zane at samahan mo ko." At hinila ako papalabas ni coach.

Hindi ko alam kung saan ako dadalin nitong si coach. Hanggang sa nakita ko na lang ang pamilyar na boutique. Bakit dito pa?

"Ah coach may nakita akong magagandang damit dun. Tara dun na lang tayo." Pag-aaya ko sa kanya pero hindi sya natinag hanggang sa nakapasok na kami.

"Ano ka ba. Mas gaganda ang damit dito noh."

Binati kami ng isang girl na siguro'y nagtatrabaho dito.

Naglibot-libot kami ni coach at napapamangha pa rin ako dahil sa taglay na galing ni ate Dian. Oo nandito kami sa Dian's Boutique at sana naman ay hindi namin sya makita dito at baka mabuko pa ko.

"Oh Zane nandito ka pala." Nagulat naman ako sa nagsabi nun. Patay!

"Huy Zane kinakausap ka!" Saad ni coach.

Humarap ako kay ate Dian na nakangiti.

"May hinahanap ka ba ulit? Marami pa kong design na mas babagay--."

"A-ay ate hindi! Si ano... Si coach po ang may hinahanap na damit hehe." Boses lalaki ako ngayon kaya siguro'y na-gets na ni ate ang mga sinabi ko.

"Ah.. Sige ano bang hanap mo? Dress? Gusto nyo ipakita ko ang iba ko pang designs?"

"Woah syempre naman po!" Agad na sagot ni coach.

Sinundan naman namin sya ni coach ng mag-umpisa syang maglakad.

"Uy, hindi mo naman sinasabi na may ate ka palang designer." Bulong sakin ni coach Reika.

"A-ah kaibigan kasi sya ng parents ko na parang kadugo ko na rin." Saad ko.

"Ganun ba.. Pero nagtataka lang ako. Nagpunta ka na dati dito at naghahanap din ng mga damit pambabae?" Takang tanong nito. Eto na nga ba sinasabi ko eh.

"Ah oo. Para kasi yon sa kaibigan kong babae." Buti na lang at nakaisip ako kaagad ng magandang dahilan. Napatango na lamang ito at di na kumibo.

Masayang namimili si coach Reika sa mga design ni ate Dian. Habang ako ay nakapangalumbabang naghihintay sa kanila. Paano ba naman kasi ang tagal tagal pumili. At mukhang ita-try pa nya lahat ng dress dito.

Sabagay ayoko pa naman ding umuwi at baka hindi pa tapos si manang.

Halos dalawang-oras din ang ginugol namin sa mall. Isang oras sa pagpili ng damit ni coach at isang oras sa paglalaro at paglilibot.

Papunta na kami ngayon sa sari-sarili nilang sasakyan. Ako makikisakay lang ako kay bespren. Ang mga ugok may kanya-kanyang kotse at motor pero mga wala pang lesensiya! Ni hindi pa nga sila 18 eh.

Si coach at manager naman ay sumabay na samin ni bespren. Pinaandar na ni Nicko ang sasakyan at nauna na habang ang mga ugok ay nakasunod. Iligaw kaya namin 'to noh? Haha ang sama ko ba?

Habang nasa byahe ay taimtim akong nagdadasal.

Ang iniisip ko nga ay kung sa bahay na lang kaya nila Nicko kami pumunta? Kaso naman paniguradong malalaman nila tita na nagpapanggap ako! Baka lalong mabuko lang ako dun.

Napabuntong hininga na lamang ako ng makita ko ang malaking mansion kung saan ako nakatira.

This is it! Wala ng atrasan 'to!

~•~•~•~•~

Sorry sa late late late late update!!
But I hope na maunawaan nyo pa rin ako at patuloy na magbasa. :)

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon