Chapter 22: Letter

657 20 7
                                    

Zane's POV

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at maaga akong nagising. Kaya heto ako nakaupo mag-isa sa room. Akalain mo 'yon? 6:25 am nandito ako't nakatungangang nakatingin sa blackboard. Tae kasi hindi ko din alam kung bakit nandito ako agad. Tumayo ako at nalakad-lakad. Pare-parehas lang ang itsura ng lamesa dito pero napukaw ng atensyon ko ang mesa ni Jaze, ang dakilang kupal na mayabang. Lumapit ako dito at may naisip. Masama man pero binuksan ko yung drawer ng mesa nya. Oo may drawer lahat ng mesa dito, bakit? Titser lang ba pwede magkaroon?! So ine-expect ko nang wala itong laman. Pero nagulat ako dahil halos mapuno ito ng mga papel. Hindi lang basta papel. Mga envelop na maliit ang iba. Hindi ko pa nababasa ang mga nakasulat subalit alam ko nang love letter 'to. Taenang 'yan ang tinik sa mga sisiw nitong kupal na 'to.

Karamihan kulay pink ang mga papel. May pa heart-heart with nguso pa, ang laki pa ng nguso huh. Napaisip tuloy ako kung mga lalaki ang nagbibigay nito sa kanya. E kasi naman all boys school 'to diba? Maliban na lang kung yung mga outsider ang nagbibigay sa kanya tapos inilalagay pa nya sa drawer na 'to. Ang yabang talaga! Buti hindi 'to nababasa ng mga teacher o tagalinis dito.

Biglang may pumasok kaya bigla ko ding isinara ang drawer ni Jaze. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kung sino ang pumasok.

"Oh bespren ba't ang aga mo ata?"

"Wala lang, masama?"

Inilapag nya ang kanyang gamit saka tumingin sa akin. Minsan maaga din 'tong pumasok e. Napalunok ako nang dumako ang tingin nya sa drawer.

"Nabuksan mo?" Amaze nitong tanong. Akala mo nakakita siya ng ice cream na paborito nya.

"H-huh?"

"Huwag ka na magmaang-maangan! Nakita kaya kita." Saka sya lumapit at binuksan din ang drawer. Napatakip sya ng bibig at may pasigaw pa ng mahina.

"Bespren aminin mo nga sa akin? Bakla ka ba?" Taas kilay kong tanong.

"Gagi hindi no! Kapag nangyari 'yon maraming iiyak na kababaihan. Kailangan ko pang ikalat ang lahi ko no. Lahing napakagwapo, na tipong hihimatayin-- blah blah blah." Di ko sya pinakinggan sa speech nya at kinuha ko yung isang love letter.

May nakasulat na:

To: Tan-tan ng buhay ko.

From: Kithie ng buhay mo. <3

10/23/16

Tapos may sticker na heart na tatanggalin para mabuksan yung envelop.

"At dahil napakagwapo at napakabait na napakamagalang at-- hoy 'wag mong basahin 'yan!" Pigil sa'kin ni Nicko nang tangka kong bubuklatin ang papel. Inagaw nya 'to sa'kin at inilagay sa lalagyan saka ibinalik sa drawer at isinara ito. Oha detalyeng detalye 'yan.

Sabay kaming napatingin ng magbukas muli ang pinto. Iniluwa nito ang gwapo este kupal na mayabang na mukhang bagong gising lang. Napatingin sya sa amin. Gulo pa ang buhok nya at basa pa ang mga 'to. Napalunok ako kasi ang cute lang tignan. Este ang kupal niya!

Nagtataka siyang nakatingin sa amin at sa upuan nya. Bigla akong inakbayan ni Nicko.

"Oo nga V! Tiyak na masarap ang shawarma sa canteen! Tara na kain tayo." Akma kaming lalakad nang mapahinto si Nicko.

"Uy Jaze ang aga ah! Mangchi-chix ka na naman?" Taas babang kilay nito. Aba patay malisya 'to ah, best actor ata. Inirapan lang siya ni Jaze. Tignan mo di lang kupal at mayabang, nababakla na rin ata.

"Ay oo nga pala, nag-iisa nga lang pala si buhay mo-- WOAH!" Napaiwas si Nick ng may lumipad na libro sa gawi nya pati tuloy ako napasama sa pag-iwas nya, kasi nga nakaakbay pa din sya sa akin.

"Biro lang bro! Pag ako namatay dahil sa'yo maraming mambabash sa'yong mga babae. Sa gwapo kong 'to? Malamang maraming maiinis sa'yo kahit pa yang mga fan mo oo 'fan' lang walang 's' blah blah blah..."

Napamewang ako sa napakahaba na namang speech ni Nicko, take note hindi yung pambabaeng pamewang ha? Ang sarap lang batukan.

"Tapos siyempre baka subalit datapwat-- Oy pre sa'n ka pupunta? Sama ka sa'min?"

"Nope, may gagawin ako." Saka nya isinarado ang pinto.

"Tapos ka na ba? Gusto ko nang kumain."

"Joke lang naman yung-- sabi ko nga e kakain na, libre pa kita." Sinamaan ko lang naman sya ng tingin para pumayag sya.

Nagpunta kami sa canteen at sya ang nag-order. Bumili sya ng dalawang shawarma na large. Ibinigay nya sa akin ang isa saka umupo.

"Dapat pinadamihan mo ng sauce yung akin." Reklamo ko.

"Edi sana ikaw na bumili. Dapat nga magpasalamat ka pa at nilibre kita."

"Aba e ikaw ang nag-aya e." Uupakan ko na 'to e. Pero dahil dakilang mabaiy ako ay huwag na lang.

"Oy may itatanong ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Yung lettersss."

"Hala V! Tsismosa ka na ah?!"

"Ang ingay mo! Tumigil ka nga. Masama bang magtanong?" Depensa ko. Nagtatanong lang naman e.

"Naku wag nga ako bespren. Kailan ka pa naging ganyan ha? At paano mo nabuksan yung drawer ni Jaze?" Bulong nya sa'kin.

"Sus dali-dali lang. Hawakan mo lang yung hawakan ng drawer, tapos hilahin mo."

"Gagi hindi ba 'yon naka-lock?"

"Sa tingin mo ba mabubuksan ko 'yon ng naka-lock? Hindi naman ako magnanakaw na kayang buksan ang mga naka-lock na drawer, kabinet, pinto, baul---"

"Oo na, oo na. Dami mong sinabi."

"Shunga mo kasi e." Inirapan naman nya ako. Aba, kaya na nya akong irapan ngayon?! At dahil mabait nga ako, hindi ko na lang pinansin.

"So sino ba si Kithie? Alaga nyang pusa?" Napatawa ako sa naisip ko. Mukha kasing name ng pusa. Ooopss sorry.

"Haha hindi! Patay ka kapag narinig nya yan sa'yo." Pagbabanta sa'kin ni Nick. Pakialam ko naman?

"Wala akong pakialam."

"Kung wala kang pakialam bakit mo tinatanong?"

"I mean wala ang pakialam sa kanya! Ang may pake ako ay dun sa Kithie. So sino na nga?"

"E para kay Jaze yun so parang may pake ka na rin sa kanya."

"Takte bespren, bahala ka sa buhay mo mag-isip. Sagutin mo na lang tanong ko. Sino yung Kithie? Nacu-curious lang ako kasi parang lahat ng letters na nandodoon ay galing sa kanya. Oh wag ka mag-isip ng kung ano baka masapak kita. Curious lang talaga ako kung sino 'yon. Malay ko bang lalaki 'yon na pambabae ang pangalan? Kasi alam mo naman all boys ang university na 'to. So baka nga dito lang nag-aaral yung Kithie? O kaya taga labas ng campus? Fan girl ganon?---"

"Oo na, tama na. Dami mong sinabi. Huwag defensive."

"Hoy---"

"Tatahimik ka o tatahimik ka?" Kumain na lang ako ng shawarma at pinakinggan ang sasabihin nya.

"Nag-aral na rin sya dito." Napatitig ako kay bespren. So lalaki nga 'yon?


"Siya si..."

~•~•~•~•~•~•~
A/N:
2017 ang date o ang araw na 'to.

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon