Chapter 10: Visit II

918 44 7
                                    


Zane's POV

Nakayuko akong naglalakad habang papunta sa faculty. Eh kasi naman feeling ko lahat na ng estudyanteng nag-aaral dito ay nandito na't tinitignan ako.

At syempre nahihiya pa rin ako kay Yves no! Siguro nagtataka kayo kung bakit alam ko yung full name nya.

Syempre kapag may crush ka naman diba alam kong ini-stalk nyo yon no! Di ba?!

At oo crush ko sya! Bakit? Aangal ka?

Syempre Charot lang!

Isa din ang dahilan kaya ako nakayuko ay baka ma-mukhaan nila ako. Mahirap na noh.

Mahaba-haba din ang nilakad namin at sa wakas ay nakarating na rin kami. Pero kahit sa hallway na ito ay maraming tao!

Pumasok na ako sa faculty room at bumuga ng hangin.

"Good Morning Lady Violet." Masayang bati ng mga faculty members. Nagtataka ba kayo kung bakit LADY? Sinabi ko na 'to pero para matandaan nyo lang na kilala ako ng mga teachers, principals, janitors at lahat ng namamahala sa paaralang ito.

Maliban lang sa mga student council.

"Goodmorning din po." Nahihiya kong sabi. Alam ko namang alam na nila na babe ako pero iba kasi kapag-harapan. Tapos si sir Pogi este adviser namin ang lawak ng ngiti.

Tapos amputs! Si ma'am Ratatat todo ngiti! Akala nya bang nakalimutan ko na yung mga pagpapahiya nya sakin?!

Syempre hindi no!

Walang expression ko lang syang tinignan. Hindi lang naman sya, kundi lahat.

Alam nyo kung bakit? Kasi dahil sa kanila naka-absent ako sa klase! Ayoko pa naman uma-absent.

Isang oras din kamin nag-meeting. Wow meeting!

Para ngang hindi meeting yun dahil puro tanong sila sa akin tapos mga papuri pa!

Ano pa nga bang ine-expect ko?

Nang matapos yun ay lumabas na kaagad ako sa faculty room after na magpaalam kay Mr. Shawn na nakiki-chika pa.

Paglabas ko ay marami-rami pa rin ang mga estudyante pero hindi na sya tulad kanina.

Napag-isip-isip ng napakatalino kong isip na nasa loob ang mga teacher.

So malamang walang klase ang mga ulupong na 'to!

And base on my observation (Wow Big Word) dalawang oras sila walang klase plus yung recess.

Dederetso na lang ako sa cafeteria at nagugutom na din naman ako.

Mabilis akong naglakad at tinungo ang target ko. Lalo kong binilisan kasi feeling ko lahat sila ay nakatingin na sa akin.

Pumasok na ako sa Cafeteria na pinagsisisihan kong pumasok pa ko dito.

Dapat pala nanatili na lang ako sa faculty room!

Halos lahat kasi ng estudyante ay nandito sa loob ng malawak na cafeteria na ito na may malawak ding second floor.

At ang mas malala ay nakatingin silang lahat sa akin. At isa pa ay may mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa cafeteria at bumababa mula sa second floor!

Ang lakas naman ng sagap nila!

Katahimikan ang namalagi sa buong cafeteria at syempre ang ka-awkward-an.

Laking pasasalamat ko naman ng may bumasag sa katahimikan. Kasi baka maihi na ko dito sa sobrang kaba!

"Violet!" Patakbong lumapit sa akin si Nicko.

The Great Queen of VolleyballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon