Habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa kaniya. Na para bang kaming dalawa lang ang nasa lugar na ito.

Nang makalapit kami sa pwesto ng aking mahal ay kita ko ang malapad na ngiti sa kaniyang labi at inilahad ang kaniyang kamay.

"Bro.." napatawa ako ng makita kong sumimangot si King ng tawagin siya ni Kuya Clyde pero agad din namang tumingin kay Kuya.

"Huwag mo akong simangutan. I'm giving my baby sister to you now. Please take care and love her until the end. Kasi kung hindi, Kukunin ko ulit siya sa'yo ng patayan." ani ni Kuya Clyde. Naantig naman ako sa sinabi niya. Napakaswerte ko naman at ganitong kuya ang napunta sakin.

" No need to remind me Clyde. Kilala mo'ko." ani ni King. Napailing nalang ako sa kaniya. Sa akin lang talaga siya nagsasalita ng mahaba.

'And if a daughter is what our future holds

I hope she has your eyes

Finds love like you and I did

And when she falls in love we’ll let her go

And I’ll walk her down the aisle

She’ll look so beautiful in white'

"Antagal naman niyan! Wala bang ibabagal iyan?!" ani ng isang boses sa likuran ko. Si Akisha pala na nakasimangot na. Agad naman akong binitawan ni Kuya Clyde at binigay kay King pagkakuwan ay si Akisha naman ang hinapit sa bewang.

"Baby naman. Hindi ka naman makapaghintay o naiinggit ka sa kapatid ko? Hayaan mo, tayo na susunod" ani ni Kuya. Natatawa ang lahat ng tao rito sa usapan nang dalawang ito. Pero mas lalo kaming natawa ng batukan ni Akisha si Kuya.

"Kung wala lang tayo sa simbahan baka kanina pa kita masakal. At saka hindi ako naiinggit no--"

"Aba! Huy! Naghihintay na si Father. Pangiti ngiti lang yang si Father pero sa loob niyan!!" putol ni Arvi sa sinasabi ni Akisha. Buong simbahan ngayon ay tawa ng tawa ng dahil sa kanila. Napakaswerte ko at nakilala at naging kaibigan ko sila.

Natapos ang tawanan at iginaya na ako ni King papunta sa Altar habang hawak ang kaniyang mga kamay.

'So as long as I live I’ll love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now til my very last breath

This day I’ll cherish

You look so beautiful in white tonight

You look so beautiful in white tonight'

"This is it My Queen, You'll be living with the demon forever" ani ni King. Napangiti ako sa sinabi. Tama, ito na ang simula nang buhay ko kasama ang isang demonyong minamahal at mamahalin ko habangbuhay.

1 Year After...

Naalipungatan ako ng makarinig ako ng ingay, bago pa ako makatayo ay nakaramdam ako ng pag-alis ng tao sa aking tabi. Maya maya ay tumahimik na muli at nawala na ang ingay na aking naririnig.

Pagmulat ng aking mata ay napangiti ako ng makita ko ang asawa kong si King na karga karga ang unang anak namin sa kaniyang kanlungan at hinehele.

"Staring is rude, Wife" napabalik ako sa diwa ko ng tawagin ako ni King. Hala! Tinititigan ko na pala siya. Nakakahiya.

Lumapit ako sa Asawa ko at hinawakan ang munting kamay ng aming anghel.

"Ang daya naman, Bakit kaya kamukha mo si Baby Eryk eh, ako nagdala sa kaniya ng siyam na buwan?" nakasimangot kong tanong habang nakatitig sa munting prinsipe namin. Rinig ko ang tawa ng aking asawa.

" Wife, I think your forgetting something.." ani niya. Napakunot naman ang aking noo at tiningnan siya.

"Ano naman yun, aber?" mataray na ani ko.

"I'm always doing the pleasure to you, Wife. You always finding me and requesting to me to make love to you. Everyday and every night. I'll gonna miss that wicked side of yours." ani ni King at kinindatan ako. K-kailangan pa bang ipaalala yun? Pakiramdam ko ay sobrang init na ng pisngi ko. Nakakainis ka King!

"Hindi ko kasalanan 'yon! At hindi na mauulit yun!" ani ko at tinalikuran ko siya. Nakakainis. Paalala daw ba yun? Eh totoo naman na hindi ko kasalanan yon. Sadyang yun lang ang nagustuhan ng katawan ko ng pinagbubuntis ko si Baby Eryk.

Nakasimangot akong bumalik sa kama namin at nagtalukbong. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglubog ng higaan senyales na napatulog niya na ang anak namin. At ngayo'y nandito na siya sa aking tabi.

"Wife?.."

Imbis na sumagot ay pinikit ko ang aking mata at nagkunwaring natutulog. Naiinis parin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang braso niyang dumagan sa bewang ko.

"Wife?.." ulit niya na nagparindi sakin. Hindi naman ako ganito dati, pero simula ng magkaanak kami nagkaroon ng negatibong ugali ako.

"Ano?! Matulog ka na nga!" inis kong bulyaw sa kaniya. Ilang sandali pa ay natahimik na ang paligid, hindi ko na narinig ang boses niya. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto ko kung anong ginawa ko.

"King.." tawag ko sa kaniya. Ngunit hindi gumagalaw ang katabi ko. Mas lalo tuloy akong nakokonsensya. Ngayo'y hinarap ko ang aking asawa at laking gulat ko nang magkaharapan ang aming mga mukha. Halos magkadikit na ang tungki ng aming mga ilong.

"S-Sorry.." ani ko sa mababang boses at pumikit. Baka masigawan niya ako. Ngunit kabaligtaran iyon ng aking iniisip. Naramdaman ko ang paglapat ng malambot at mainit niyang labi sa akin at ang marahan nitong paggalaw na nagbigay ng kakaibang daloy ng kuryente sa aking sistema. Aking minulat ang aking mga mata at nakita ko ang masaya at kuntentong mukha ng aking asawa.

"Don't say sorry, My Wife. You don't need to be feeling guilt every time you shout or raise your voice to me. It won't change my feelings for you. I understand you and what ever change in you. I love all of you. I love your imperfections and that's make them perfect. Your not the perfect wife like the others, but for me, in my eyes, in my heart.. Your the perfect wife.. Perfect mother... Perfect Woman for a Demon like me..."

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now