TD'SP 27

28.4K 467 9
                                    

Chapter 27

"H-Harrison.."

Sambit ni Lizelyn na napatigil sa pagkalas sa tali ng kaibigan. Lalong nakaramdam ng matinding takot si Allysha sa kaharap na lalaki. Nasa may kalayuan ang binata ngunit kita ang matigas na tindig at tikas nang katawan, at ang nakakakakilabot nitong ngiti.

Nang mas lumapit ito ay isang hindi makapaniwalang reyalisasyon ang nangyari kay Allysha. Naalala niya ang lalaking nasa silid aklatan na'yon. Hinding hindi niya makakalimutan ang ngiti nito, hindi man makita ang buong itsura nang estrangherong iyon. Ang nakakapagpahindik balahibo nitong ngiti ang rumehistro sa isip ng munting dalaga.

"I-Ikaw? Ikaw yung nasa library. Ikaw yung nagpakita sakin" hindi makapaniwalang untag ng dalagang si Allysha. Gulat at lito namang napatingin sa kaniya nang kaibigang si Lizelyn. Halatang walang kaalam alam sa sinasabi ng kaibigan.

"Nice to meet you again. Mrs. Wurzel" ani ng binatang si Harrison. Napalunok si Allysha nang titigan siya ng binata na animo'y tagos sa kaniyang kaluluwa ang mga tingin nito sa kaniya. Nagpapahiwatig ng kakakibang ibig sabihin.

Ilang saglit silang nagkakatitigan at nauna na ang binatang bumitaw. Binalingan naman nito ang kaibigan niya na nakatayo parin sa kaniyang tabi

"What are you doing Lizelyn? Why are you helping her?" malamig na untag ng lalaki sa kaniyang kaibigan. Lihim na napalunok si Lizelyn sa tanong ng binata. Ngunit alam niya ang nais niya ngayon at iyon ay ang makabalik ang kaibigan sa taong sinisinta nito. Ano man ang mangyari.

"Wala kang pake. Ibabalik ko na siya kung saan nararapat ang kaibigan ko. At yun ay kay King." matapang na sambit ni Lizelyn. Ngunit agad na napangiwi ng maramdaman ang kirot ng kanang bahagi ng braso. Kita niya ang malayang pagdaloy ng kaniyang sariwang dugo sa kaniya pababa. Nang hagipin ang binata at nakatutok pala kay Lizelyn ang isang baril na hawak ni Harrison at walang ekspresyong nakatingin lamang dito.

"Why? I thought, mahal mo ang Hari mo? Bakit ngayon ay gusto mo nang pakawalan ang babaeng iyan?" sambit ni Harrison. Nakaramdam ng kirot sa puso si Allysha dahil sa sinabi ni Harrison.

"Hindi! Hindi na ako magpapaloko sa gusto mo! Aalis kami ni Allsyha dito" matatag na sambit ni Lizelyn at tumingin sa kaibigan.

Ngunit nang lingunin muli ni Lizelyn ang kinatatayuan ni Harisson ay ganun nalang ang gulat niya ng makaramdam ng pagkirot ng tiyan niya dahil sa hindi inaasahang suntok ni Harrison sa kaniya na ngayon ay nakalapit na pala sa kaniya.

Napaupo si Lizelyn sa sahig habang sapo sapo ang nananakit na kalamnan. Laking gulat naman ni Allysha sa hindi inaasahang gagawin ni Harrison sa kaniyang kaibigan.

"Lizelyn! Walang hiya ka! Pakawalan mo na kami! Bakit mo ito ginagawa samin? Wala kaming kasalan sa'yo" mangiyak ngiyak na untag ni Allysha.

Naalerto si Allysha ng makitang may mga lumapit na tauhan ni Harrison sa kaibigang nakahiga sa sahig at iniinda ang sakit.

"Tie her too. That pathetic bitch. Tsk!" sambit ni Harrison sa sarili niya. Kailangan narin mamatay ng babaeng iyon. Baka siya pa ang maging dahilan ng hindi pagkatupad ng kaniyang plano. Pero sa ngayon, ay gagamitin niya muna muli ito. Sa huling pagkakataon.

" Ano ba talagang kailangan mo sakin, samin?" mahinang tanong ni Allysha sa binata.

Nilapitan ni Harrison ang dalagang si Allysha at masuyong hinaplos ang makinis nitong pisngi. Kita ang takot sa mukha nito at ang pag-iyak dahil namumula pa ang mga mata ng dalaga.

"Nothing. You did nothing to me. But your husband, Kailangan kong pagbayarin ang asawa mo. Kailangan kong kunin ang tunay na akin."ani ni Harrison at laking gulat ni Allysha nang masuyong halikan siya nito sa noo.

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now