TD'SP 13

30.6K 642 4
                                    

Chapter 13 :

Third Person POV

Paulit ulit na bumabalik sa isip ng dalaga ang nabasang liham.

Ang liham na galing sa demonyong kumuha sa kaniyang pinakamamahal na ina inahan.

Gulong gulo. Takot. At Hindi maipaliwanag na mga dadamin ang nadarama ng dalaga.

Wala mang pangalan kung saan nanggaling ang liham, ngunit alam niya kung sino ang nagbigay noon.

King Wurzel...

Ang binatang pumapatay ng mga inosenteng tao, ngunit hindi na lang basta kung sino ang papatayin nito.

Ang Tita Mommy na nya ang papatayin!

Ang taong nag alaga sa kanya, nagmahal sa kanya at nagpakamagulang sa kanya, mamatay lamang dahil sa lalaking kanyang tinakasan.

Tumakas siya sa puder ng walang pusong demonyo upang bumalik sa piling ng kanyang Tita Mommy.

Ngunit ang pagbalik naman nya ang naglagay sa pahamak at posibleng kamatayan sa ina inahan.

Ayaw nya na bumalik pa roon muli, ngunit ang nag-iisang taong natitira sa kanya ngayo'y hawak ng isang demonyo na anumang oras ay mamatay sa oras na hindi sya makapagdesisyon.

Wala sa sariling tumayo ang dalaga't lumabas sa silid niya at dali daling bumaba palabas ng bahay.

Ngunit, napatigil ng makitang may mga lalaki sa harapan ng gate ng kanilang bahay ang nakatayo doon at pawang may hinihintay.

Isa sa mga nakaitim na lalaki ay lumapit sa kanya at agad na inakay sya papasok sa isang magarang sasakyan.

Hindi umimik ang dalagang si Allysha bagkus ay nagdasal na lamang at ipinaubaya ang magiging kakahantungan ng kanyang desisyon.

MAS lalong lumakas ang kabog ng kanyang puso ng tumigil na ang sasakyang kanilang sinasakyan sa lugar kung saan siya kinulong ng demonyong binata.

Nagdadalawang isip ang dalagang bumaba sa sasakyan, ngunit sumagi sa kanyang isip ang maaaring mangyari sa kanyang Tita Mommy.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ng dalaga habang papasok sa mansion ng binata.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob nito ng makapasok sila roon.

'Wala paring pagbabago.. '

Napatigil ang dalaga sa paglilibot ng paningin niya sa loob nito ng tumigil sila sa isang pintuang itim.

Pagbukas noo'y isang makisig na lalaki ang nakatayo sa loob ng opisina.

Bumalot muli ang takot at kaba na naramdaman ng dalagang si allysha ng makita ang lalaking nakatayo sa harap niya ngayon, taimtim at blangko ang ekspresyon na nakatingin ang binata sa dalaga.

Ang mga lalaking naka itim na nasa likod lamang niya kanina ay tumungo sa likod ng binata.

Lihim na napalunok ang dalaga dahil sa nerbiyos at takot. Pawang may isang makapangyarihang demonyo ang nasa harapan niya kasama ang mga alagad nito at siya ang isang kaawa awang dalagang nais na angkinin ng demonyo.

"N.. Nasaan ang Tita Ko?!" lakas loob na tanong ng dalaga sa kaharap na binata. Nanindig ang kaniyang balahibo ng ngumise ang binata sa kaniya.

"Don't you miss me, My Queen?"

Allysha's POV

"Don't you miss me, My Queen?"

Tumaas ang mga balahibo ko sa aking narinig.

Agad akong napahakbang paatras ng siya ay humakbang pausad sa akin.

"Why are you keeping your distance to me, My Queen? Scared aren't you?" may ngiseng nakapaskil sa sa kanyang mga labi ng magsalita siya ngunit nanatili akong tahimik kahit na ang mga tuhod ko ay malapit ng bumigay dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Napabuga ako ng hangin ng tumigil siya sa paglalakad.

Tumungo siya sa upuang nakatalikod sa akin at kaniya itong inikot...

Na nagpalabas sa mga emosyong kinikimkim ko sa harap ni King..

Napatakip ako ng bibig at ang mga luha ko'y unti unting lumabas.

"T... Tita Mommy..." tawag ko sa isang babaeng nakayuko..

Umangat ang tingin niya sa akin..

Si Tita Mommy.. Puno ng sugat.. Nang Pasa ang katawan niya..

Napahagulgol na lamang ako sa itsura niya. Gusto ko siyang lapitan ngunit natulos na ako sa aking kinatatayuan at pawang dumikit na ang aking mga paa sa lugar ng kinatatayuan ko.

'Napakasama mo King!'

Gusto kong sugurin si King at saktan siya, ngunit ano ba ang laban ko? Isang hamak na babae lamang ako. Isang mahinang babaeng walang magawa...

"Do you miss your beloved auntie?" napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang kaniyang sinaad.

Galit na tumingin ako sa kanya.

"Hayop ka! A.. Anong Ginawa mo sa kanya?!" galit kong bulyaw ko sa kaniya.

Napakawalang puso niya!

Paano niya nagawa sa Tita Mommy ko ito? Bakit pati siya kailangan niyang madamay?

"Please King.. P.. Parang Awa mo na. P...pakawalan mo na ang Tita Mommy ko"

Napaluhod na lamang ako sa sahig na ito.

"Please K.... King. Pakawalan mo na ang Tita k.. Ko" mahinang sambit ko sa kaniya habang nakatungo.

Lumapit siya sa akin at bumaba upang pantayan ako, na nakaluhod na.
Inangat niya ang aking baba dahilan ng pagtagpo ng aking paningin sa abuhin niyang mata.

"I will set your Auntie's free. In one condition"

Agad na nabuhayan ako ng loob sa aking narinig mula sa kaniya, ngunit agad din iyong nawala dahil sa sumunod niyang sinambit...

"Marry me, My Queen..."

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now