TD'SP 15

32K 607 30
                                    

Chapter 15:

Third Person POV

Isang malaking katanungan ay ngayon'y bumabagabag sa dalaga.

Pinagmasdan niya ang lalaking nakapulupot ang mga braso sa kaniya at marahang inaakay siya palabas ng opisinang iyon.

Totoo ba ang sinasabi ng Tita Mommy niya?

Kung ganoo'y bakit at paano?

Bakit ni King pinatay ang mga magulang niya?

Kilala niya ba ang pamilya ni Allysha?

Naguguluhan siya. May parte ng kaniyang pagkatao ang hindi naniniwala sa sinabi ng kaniyang tiya.

Para sa kaniya ay may mali. Ngunit, hindi niya alam kung paano iyon itatama lalo na't hindi tugma ang kaniyang kongklusyon at ang nalaman niya sa Tita Mommy niya.

Naputol ang iniisip ng biglang sumagi sa kaniyang isip ang kaniyang Tita Mommy.

Nanlaki ang mata ng dalaga at napahinto na ikinanuot ng noo ng binata at mataman siyang tiningnan.

"S.. Si T.... Tita Mommy? P.. Paano siya? Anong m.. Mangyayari sa kaniya?" nilukob ng takot ang dalaga dahil sa naaalala.

Malubha ang Tita Mommy niya.

Naalala niya ang itsura ng kaniyang tiya kanina.

Bugbog sarado't puro sugat ang katawan. Namumutla narin ito't nanghihina.

At dahil iyon sa binatang kasama niya ngayon.

Agad siyang tumalikod at handa ng bumalik sa opisina kung saan sila galing, ng hindi pa man siya nakakahakbang ay nagbanta na agad ang binata.

"Try to back there. And I will surely tell you that you won't able to see your auntie, again "

Nanindig ang balahibo ng dalaga ng marinig ang baritonong boses ng binata.

Gusto niyang makita ang kaniyang tiya ngayon ngunit kung gagawin niya iyon ay siguradong mawawalan ng saysay ang pagpapatali niya sa demonyong binata para sa kalayaan ng kaniyang tiya.

Nanginginig siyang pumihit paharap sa binata at dahan dahang lumapit muli dito.

Natatakot siya ngayon lalo na't naging madilim ang itsura ng binata.

Para na itong papatay ngunit halatang pinipigilan nito.

Wala sa sariling pinag salikop ng dalaga ang kanilang mga kamay na ikinabago ng aura ng binata.

Muli ay hinapit siya ng binata palapit sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Muli niyang tiningnan ang lugar kung saan naroon ang kaniyang Tita mommy.

"Don't worry about your Auntie. They will be taking care of her." malamyos na ani ng binata.

Mukhang nabasa ng binata ang nais niyang itanong rito. Tumango na lamang ang dalaga sa sinambit nito.

Nagtatakang tiningnan niya ang binata ng tumigil sila sa isang malaking pintuang itim.

"A... Anong gagawin natin dito?" tanong niya sa binata.

Imbis na sagutin ay dinala na lamang siya ng binata sa loob.

Namangha siya sa disenyo ng loob ng silid ngunit agad ding napatigil sa paglilibot ng paningin ng walang pakundangan ihagis siya ng binata sa malaking itim na kama.

Napadaing siya sa hindi inaasahang ginawa ng binata sa kaniya ngunit bago pa man makaayos ay kinubabawan na ng binata ang maliit niyang katawan at walang pasabing inatake ang kaniyang labi.

The Demon's Possession (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora