TD'SP 17

30.4K 569 3
                                    

Chapter 17:

Napatingin ang batang babaeng naglalaro sa pintuan ng kaniiyang makita ang inang humahangos papasok sa kaniyang silid.

"Mommy po anong nangyayari?" naguguluhang tanong ng isang labindalawang taong gulang na batang babae.

Nanginginig na nilapitan ng babae ang batang may kalituhan sa mukha.

"Maglalaro tayo baby. Hide and seek. That's your favorite game, right?" tanong ng babae sa bata.

Agad na nagliwanag ang mukha ng batang babae at tumango sa ina nito.

"Yes mommy! That's my favorite. Let's play hide and seek, mommy! Please Mommy!" masayang pakiusap ng inosenteng bata sa ina.

Pilit na ngumiti ang babae sa bata at hinalikan ito sa noo. Ngunit nagtatakang tumingin ito sa ina niya.

"Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong nito sa ina. Ayaw niya maglaro lalo na't hindi sila kumpleto.

Bago pa makasagot ang ina ng batang babae ay humahangos na pumasok doon ang isang lalaki.
Agad na lumapit ito sa babae at sa batang babae.

Pawisan at takot ang makikita sa mukha ng lalaki kaya ang batang babae ay nagtataka sa itsura nito.

"Daddy, bakit ganyan itsura mo? Is something wrong?" inosenteng tanong ng batang babae.

Hinarap sya ng kaniyang ama at masuyong hinawakan ang matambok na pisngi ng batang babae.

"No baby.. N.. Nothing is w..wrong. It's just ahmmm.. Excited ako k..kasi maglalaro t..tayo ng f..favorite game mo" nakangiting ani ng ama ng bata. Agad na nagliwanag ang mukha ng batang babae at pumalakpak.

"Yes Daddy! Let's play hide and seek! Yey!" masayang untag ng batang babae.

"G... Ganun ba baby? Lika n...na. Tago na t..tayo" nakangiting sambit ng kaniyang ina at inalalayan siya.

Pumaroon sila sa isa pang silid kung saan naroon ang mga damit ng batang babae. Binuksan ng Ama ang isang wardrobe roon at pinaupo ang bata roon.

Hinarap ng dalawa ang kanilang nag-iisang anak nilang babae na ngayo'y nakangiti sa kanila. Hindi mapigilan ng ina ng bata ang maiyak at niyakap ang anak sa huling pagkakataon.  Ang ama naman nito ay hinalikan ito sa noo at may inabot na manika.

"Happy birthday baby" sabay nilang sabi sa anak na tuwang tuwa sa binigay ng kaniyang magulang.

Kinuha nila ang atensyon ng batang nahuhumaling na sa paglalaro ng bago niyang manika.

"Baby.. G.. Ganto. M.. Magtatago ka diyan. Huwag na huwag kang l..lalabas anomang mangyari. Hanggang hindi kami bumabalik ni Daddy wag kang lalabas. Wag karing mag-iingay. N.. Naiintindihan mo ba baby?" usap ng ina sa batang babae. Agad naman tumango ang batang babae at tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang mga kamay niya.

Ngumiti ang ina at ama nito bago nila isara ang pintuan ng wardrobe kung saan nila itinago ang batang babae at----

BANG!
.

" MY QUEEN! ALLYSHA! ALLYSHA WAKE UP!"

Humahangos na napabangon ang dalagang si Allysha. Nakita niya ang lalaking ngayo'y nasa harap niya na sinusubukan siyang gisingin.

Wala sa sariling inakap niya ang binata at sumubsob sa malapad na dibdib nito at doo'y iniyak ang nararamdamang pangungulila.

Masuyong hinaplos ng binata ang buhok niya habang umiiyak sa dibdib nito.

"Hush now My Queen. It's just a dream. Hush now" ani ng binata at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo.

'No. It's not a Dream. It's a Nightmare'

Hindi iyon paniginip. Isa iyong bangungot na kaniyang naalala. Ang masamang alaala na kaniyang ibinaon sa loob ng maraming taon.

Ang mga alaalang ayaw na niya maalaala.
Dahil ang alaalang iyon ang sumira sa pamilya niya.

Pilit na kinalma ng dalagang si Allysha ang sarili. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya tumigil sa pag-iyak at agad na kumalas sa yakap ng binata..

"Are you okay, My Queen?" tanong ng binata sa kaniya. Tumango lamang siya rito at pinawi ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Would you mind telling me what happen in your dream?" tanong nito sa kaniya. Hindi siya umimik at yumuko na lamang.

Napabuga ng hangin ang binata at muling niyakap ang dalaga.

"Fine. I won't force you to tell about what happen but I'm here if you need to tell something"

Napangiti ang dalaga sa sinambit ng binata. Hindi niya akalaing may ganitong side ito.

'May bait karin palang taglay, King'

Agad silang nag-ayos at pumunta ng hapag kainan upang makapag-agahan dahil sabi ng binata ay aalis sila ngayon papunta malapit sa isang mall.

Matapos silang kumain ay agad na lumabas sila at pumasok sa isang magarang sasakyang nakahanda na sa labas ng gate ng mansion ng binata.

Halos magtatalon sa tuwa ang dalaga pagkaapak palang niya ng lupa.

Hindi niya aakalaing makakalabas siya ng mansion. Akala niya ay ikukulong lamang sya roon ng binata.

'Akala ko hindi ako muli makakalabas'

Habang naglalakad sila ay hindi maiwasang maraming kababaihan ang mapatingin sa lalaking kasama niya ngayon. Kahit na napakasimple ng ayos nito ay hindi maiiwasang makaattract ito kahit sa simpleng gawin nito.

Pasimple nyang inalis ang kamay nitong nakapulupot sa kaniyang bewang dahil marami rami ring kababaihan ang masama ang nakapukol na tingin sa kaniya na animo'y pinapatay nila ito sa kanilang isip.

Kahit anong gawing pagalis niya rito ay hindi niya maalis ang braso nito bagkus ay mas lalong humihigpit ang hawak nito sa kaniya. Kaya't tinigilan napang niya ito at baka magalit pa ang binata. Kaniya itong binalingan at tinawag.

"King?"

Agad naman itong tumingin sa kaniya.

"A.. Ano bang gagawin natin dito?" tanong niya sa binata.

Pumasok sila sa isang boutique at doo'y hinarap siya ng binata.

"We will buy a dress"

"bakit?"

"You will be my date in the party"

Sumikdo ang kaniyang puso sa narinig mula sa binata.

'Isasama niya ako? Sa isang party?'

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now