TD'SP 3

46.7K 982 39
                                    

Chapter 3:

Allysha's POV.

Sa buong oras na sumasayaw ako sa entablado ay nakatingin lamang ako sa estrangherong aking nakita. Nakakapanindig balahibo ang kanyang Malamig na mata. Ang walang ekspreyong mukha niya. Pero kahit na ganun ay hindi ko maiwasang mamahanga. Hindi ko mawari ngunit nais ko lamang matitigan ang mga abong mata ng estranghero. Nais ko lamang syang tingnan ng matagal at wala ng iba pa.

Ngunit ng matapos ang musika ng aking sinayaw ay bumalik na ako sa aking pwesto kung nasaan ako kanina bago magsimula ang presentasyon ko. Malakas na hiyawan at masigabong palakpakan ang aking natanggap. Dahil tapos narin ako sa aking palabas ay dahan dahan ring gumalaw ang nga pulang tabing upang magsara. Huling sulyap na lamang ang nagawa ko sa estranghero.

Sa pagsara ng tabing ay doon bumuhos ang tanong ko sa aking sarili. Sino ang estrangherong iyon? Bakit ako kinabahan? Bakit napakabilis ng pintig ng aking puso ng magtagpo ang aming mga paningin?

Bago para sakin ang pakiramdam na ito. Kaya't kahit ako'y hindi ko masagot ang sarili kong katanungan.

Nang mapansin kong palapit na sa aking pwesto si Tita-Mommy ay umiling iling ako at iniwaski ang mga katanungan sa aking isip. Nang makalapit si Tita Mommy sakin ay nginitian nya ako. Binigyan nya naman ako ng isang malaking jacket upang takpan ang aking katawan na natatakpan lamag ng kapirasong tela.

Nabg ako'y makapagbihis ay may pumasok sa silid kung nasaan kami ni Tita-Mommy. May pumasok na isang waitress. Ayon narin sa kanyang kasuotan.

"Magandang Gabi po Ms. Ellena" magalang nitong bati kay Tita Mommy.

"Magandang gabi rin sa iyo. Anong kailangan mo? Diba ipinagbabawal kong pumasok sa silid na ito. Lalo na't nandito ang anak ko." Litanya ni Tita-mommy. Yumuko naman ang waitress.

"Sorry Miss Ellena. Pero may gusto po kasing magtable kay Allysha. Si Mr. Louiasó po"

Sakin? Ako?

"No! Hindi pwede ang unica ija ko! Bigyan mo ng iba. hindi maaring magpatable si Allysha!"

Table? Kilala ko si Mr. Louisó. Isa siya sa mga mayayamang costumer namin. Balita ko'y malalaki ang tip na binibigay nya sa mga babaeng nate-table nya dito sa bar namin. Baka maaari kong subukan iyon.

"Tita Mommy okay lang naman po ako. Pwede po bang ako nalang ang i-table ni Mr. Louiasó?" Tanong ko kay Tita Mommy. Nanlalaki ang mga matang tumingin si Tita Mommy sakin. Parang hindi sya makapaniwala sa akinb sinabi.

"No Ija. Hindi kita papayagan. Pinagbigyan nakita sa pagsasayaw mo dito. Hindi na kita papayagan ngayon" matigas na sagot nya.

"Please Tita Mommy. Nais ko lang masubukan. Pangako ngayon lang po ito." Nakangiting sambit ko. Sana ay payagan nya ako.

Napabuga nalamang ng hangin si Tita Mommy. Mukhang pumapayag na sya.

"Okay, Fine. Pero ngayon lang. Hindi na mauulit ito" Napangiti ako sa kanyang sagot.

Nag-ayos lamang ako ng kaunti at sya mismo ang naghatid sakin kay Mr. Louiasó. Pinasadahan ko si Mr. Louiasó ng tingin. Matanda na sya ngunit Mukha naman syang mabait.

"O sya. Ija. Ang aking habilin. Ingatan mo ang iyong sarili" paalala ni Tita Mommy. Tinanguan at nginitian ko siya bilang sagot.

"Don't worry Miss Ellena. I just want to talk to your beautiful daughter" nakangiting sambit ni Mr. Louiasó.

Tumango si Tita Mommy at iniwan na kami.

Iginaya ako ni Mr. Louiasó sa kanyang tabi. Napansin ko ring may mga kasama syang ibang negosyante at may mga babae ang mga itong kaakbay. Nagpakilala sila sakin isa isa at lahat kami'y masayang nagkwentuhan.

Saglit ako nagpaalam kay Mr. Louiasó upang magpunta sa comfort room.

Habang nag-aayos ako dito sa banyo ng babae ay nagulat ako ng biglang pumasok si Mr. Louiasó.

"M-mr. Louiaso?" Tanong ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot ng hindi ito sumagot. Bagkus ay dahan dahan itong lumapit habang nakangise sakin.

Napaatras ako ng wala sa oras. Natatakot ako. Nais kong humingi ng tulong ngunit alam kong imposibleng marinig ako dahil sa lakas ng musika sa labas.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman kong wala na akong maaatrasan dahil napasandal na ako sa pader.

"W-wag po Mr. Louiasó" tanging nasambit ko.

Napahiyaw ako ng biglang hapitin nya ako. Pilit nya akong hinahalikan ngunit iniiwasan ko ito.

Naiiyak na ako. Sana may tumulong sakin. Taimtim akong nagdadasal na sana ay may magligtas sakin ngayon kahit alam kong napakaimposible.

Ngunit nagulat ma lamang ako ng makita ko si Mr. Louiasó na nakasalampak sa sahig at binubugbog ng isang lalaki.

Nang mawalan ng malay si Mr. Louiasó ay tumayo na ang lalaki. May mga nakaitim na lalaking pumasok at binuhat ang walang malay at bugbog saradong si Mr. Louiasó.

Nang makalabas ang mga ito ay humarap saki ang lalaking nagligtas sakin sa muntikang panggagahasa sakin. Ngunit nanlaki ang aking mata ng makilala ko kung sino ito.

Ang estrangherong may abuhin at malamig na mata.

Natulos ako sa aking kinatatayuan ng lapitan nya ako at haplusin nya ang aking pisngi.

"You're safe My Queen. No one will hurt you again. No one is allowed to touch my property"

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now