TD'SP 21

30.4K 549 3
                                    

Chapter 21.

Allysha's POV

Naalipungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Aking nilibot ang aking paningin sa kwarto kung nasaan ako, malinis ngunit ang mga kulay ng kagamitan dito ay itim ang kulay. Naalala ko na, Ito pala ang kwarto ni King.

Lumabas ako sa kwarto ni King upang hanapin siya ngunit hindi ko ito mahagilap. Sumilip ako sa ibang kwarto para tingnan siya. Nais ko lang sana siya makausap kung anong nangyari pagkatapos ng kasiyahan.

"Ms. Allysha!"

Napatalon ako sa gulat at napadaing ako ng maipit sa pintuan ang ulo na nakasungaw dito.

"Awww!"
Napahawak ako sa ulo ko at dahan dahang napatingin sa tumawag sa akin.
Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking hinahanap ko na nasa likod ng katulong na tumawag sakin.

Tumingin din yung katulong sa likod niya ng mapansin niya yata ang paninigas ko sa pwesto ko at nagulat ako ng bigla nalang ito umalis ng nakayuko.

Pinilit kong pinakalma ang puso at sarili ko.
Nginitian ko siya ngunit isang madilim na mukha lang ang nakita ko sa kaniya. Luh? Galit ba siya?

"A... Aray! Mas...sakit!" daing ko ng hawakan niya ang noo kong naipit kanina dahil sa gulat ko.

"What happen to your head?" tanong nito ngunit madilim parin ang mukha niya. Mukhang galit siya sakin. E ano bang nagawa ko?

"Naipit ako kanina nung tinawag ng katulong ako e nagulat ako, kaya yun. Hehehehe" sagot ko kay king na animo'y hirap magpaliwanag sa magulang na nahuli ang anak sa kalokohan.

Narinig kong napa'tsk' siya at hinila ako papunta sa dining ng mansion niya. Inupo niya ako sa dining at nag-utos sa katulong na kumuha ng first aid kit.

"Stop being stupid wife" sumbat sakin ni King habang nilalagyan ng ointment yung medyo bumukol sa noo ko dahil sa pagkakauntog ko sa pintuan dahil sa gulat.

"Hindi ako stupid! Nagulat lang naman ako kanina kaya nagkabukol ako e" pasaring ko kay King. Nginusuan ko pa ito para maawa sakin pero diniinan niya lang yung cotton na ginagamit niya sa noo ko.

"Ouch! Ansakit naman King!" napakawalang puso niya talaga! Nakitang masakit nga yung noo ko diinan ba naman.

Pero napangiti ako nang makita siyang mahinang tumatawa. Ansarap pakinggan ng tawa niya, kita ko ang tunay na ngiti sa mga labi niya.
Napahawak ako bigla sa aking ulo ng may mga imaheng lumabas sa aking isipan.

'Kuya! Hihihihi!'

'Stop calling me Kuya, Ally.'

'O.. Opo! Hahahahaha! S..stop! Hihihi'

'Call me King, My little Queen so I'll stop tickling you'

'Y.. Yes King! Hahaha! Stop n...na po King!'

"QUEEN! Are you okay?! Do I need to call a Doctor?!" napabalik ako sa sarili ko ng makita ko si King na hawak ang kamay ko at nag-aalalang tumingin sa akin.

Hinawakan ko ang mukha niya at nginitian lamang.
"Okay lang ako, may bigla lang naalala" untag ko. Nakita kong bumuga siya ng hangin at hinalikan ako sa noo.

"Don't make me worried again please, last time you make me worried when you just collapsed on the floor and your side is already bleeding. Didn't you know that my heart almost stop beating because of that! Please Promise me, My Queen. Be always in my side and be safe. I don't want to lose you."

Sumikdo ang aking puso dahil sa mahabang salitang sinambit niya. Totoo ba talaga ito? Totoo ba ang mga sinabi niya? Bakit pakiramdam ko namumula ako. Hindi ko maiwasang mapayuko at ibaon ang aking mukha sa aking mga palad maiwasan lang na makita ni King ang aking mukha dahil alam kong namumula na ako ngayon.

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now