Epilogue

32.9K 582 8
                                    

Epilogue:

'Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous

I couldn’t speak

In that very moment

I found the one and

My life had found its missing piece'

Hindi ko inakalang matatapos ang lahat. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon sa buhay ko. Akala ko dati, ang pagkamatay ng mga magulang ko at pag-iwan nila sakin sa murang edad ang pinakamasakit na mararanasan ko. Hindi pala...

Sa mga oras na'yon. Sa pinakatumatak na pangyayari sa buhay, ang mga oras na kasama ko siya, Iyon ang pinakanakakatakot na nangyari sa buhay ko.

Ngunit laking pasasalamat ko ng matapos ang lahat ng iyon..

"Ready na, Baby Ally?" sambit ni Kuya Clyde. Ngumiti naman ako sa kaniya. Si Kuya Clyde... Hindi ko naisip na babalik siya at tutuparin ang pangako niya sakin noong bata pako. Nagpapasalamat ako dahil bumalik siya kahit na hindi siya ang kasama ko sa mga panahong nagiisa ako, laking pasasalamat ko parin na narito siya sa tabi ko.

"Kinakabahan ako Kuya" ani ko. Sino bang hindi? Pangarap lahat ng mga babae ang maikasal sa mahal nila sa isang perpektong kasal. Akala ko hindi ko na'to maaaring maranasan pero heto ako ngayon, nasa harap na ako ng pintuan na nang simbahang magtatali sakin sa taong mahal ko.

"Okay lang iyan, bunso.This is your special day. Relax" pagpapakalma ni Kuya. Tama siya, araw ko ito. Kailangan maging masaya ako. Ngumite ako sa kaniya at humarap na ng bumukas at malaki pintuan at narinig ko na ang tunog ng musika.

'So as long as I live I’ll love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now til my very last breath

This day I’ll cherish

You look so beautiful in white tonight'

Nawala ang kaba at napangiti ako ng makita ko ang lalaking akala ko mawawala na sakin. Kung hindi siguro napatay si Harrison ay siguradong ang mahal kong Hari ang mawawala. Pero lahat nang iyon ay tapos na ngayon.

'What we have is timeless

My love is endless

And with this ring I say to the world

You’re my every reason

You’re all that I believe in

With all my heart I mean every word'

Kita ko ang ngiti at saya sa mukha niya. Ang dating mukhang walang puso at demonyo ay napalitan ng isang mabait at maalalahanin. Ibang iba sa pinakikita niya noon sa akin.

Hindi maalis ang munting ngiti sa aking mukha habang papalapit sa kaniya. Nakita ko ang napakaraming bisita ang naririto. Mga taong malapit sa akin, mga taong nagbigay kulay sa buhay ko.

'So as long as I live I’ll love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now til my very last breath

This day I’ll cherish

You look so beautiful in white tonight'

The Demon's Possession (Complete)Where stories live. Discover now