Chapter 14: Therapy

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang papunta sa therapy room ay patindi nang patindi ang kabang nanunuot sa puso ng mag-asawa. Maging si Dr. Aguillard ay nananalangin na sa kanyang isip na sana'y magtagumpay sila.

"Let's do the Psoralen and Ultraviolet A therapy. But first, let me remind you that this therapy is very dangerous so might as well sundin niyo na lang lahat ng pinapagawa ko sainyo. This is a very time-consuming so we should be really careful on doing it to Eve to avoid any side effects, which can be severe. The goal of this therapy is to remove the hives or the reddish rashes on Eve's skin. Understood?"

"Yes, doc."

"Let's start."

Lumipas ang isang oras pero hindi pa rin sila nangangalahati sa PUVA Therapy. Dr. Aguillard is taking it seriously habang maingat na ginagamit ang katawan ni Eve. Carefully they're applying psoralen on Eve's skin topically. And after a couple of minutes, a timed exposure to Ultraviolet A light from a special lamp is being applied.

Lumipas pa ang ilang oras nang bigla na lang mataranta ang lahat.

"Shut down the lamp! Shut it down!" si Dr. Aguillard.

Biglang dumilim ang buong therapy room pero mayamaya lang ay napalitan ito ng isang normal na ilaw. Marahas na tinanggal ni Dr. Aguillard ang mask niya at agad na napahilamos sa mukha niya. Kumuyom ang dalawa niyang kamao at marahas siyang napapikit.

"Damn it!" he cursed under his breath and everyone inside the room heard it.

"Her body is too weak to take the PUVA Therapy. Let's do some other therapy or whatever tests."

"Doc, kung oral antihistamines na muna ang i-apply natin sa kanya? Kung hindi kinaya ng katawan niya ang PUVA Therapy, sure akong ganoon din po sa ibang treatment na gagawin natin sa kanya. Mas mabuti po sana kung 'yong low dosages at less radiation lang muna ang i-a-apply natin sa kanya. Hindi naman po sa pina-"

"Ah. Right. Right. Thank you for your suggestion, Zia. Pasensiya na kayo sa inasal ko kanina. Ang hirap lang kasi talaga. I suddenly lost myself at that moment."

"We understand, Doc," Nurse Zia smiled at ganoon din si Dr. Aguillard.

"So, everyone! Let's do the Ultraviolet Radiation and after that, apply some oral antihistamines to her. Okay?"

"Yes, Doc!" Pursigidong ang mga nars na nasa loob at ang ibang katulong niya.

"The aim of this therapy is to prevent water from entering the epidermis layer and interfering with the cells below. This therapy may also allow the mast cells to decrease their exposure to stimuli and immunosuppression, which can aid with water reactions," paliwanag ni Dr. Aguillard bago niya sinimulan ang Ultraviolet Radiation.

Lumipas pa ang ilang oras bago nila tuluyang natapos ang therapy. Minuto lang din naman kasi ang pag-apply ng oral antihistamines kaya nang matapos na nila ito ay agad na silang nagligpit.

"Return the patient to her room. And everyone, good job today and thank you!" huling sinabi ni Dr. Aguillard sa mga naging katulong niya bago siya lumabas ng therapy room.

Sa paglabas niya palang sa ay nakita niya na ang mag-asawang Hutton na sumalubong sa kanya.

"Doc, how is she?"

Tinanggal ni Dr. Aguillard ang mask at gloves na suot niya saka tumingin ng diretso sa mag-asawa. Awa at simpatya ang nararamdaman niya para sa pasyente at sa pamilya nito, pero wala siyang magagawa kung pati ang kakayahan niya ay limitado at may hangganan.

"I'm so sorry, Mr. and Mrs. Hutton..."

Kinabahan agad ang mag-asawa sa naging panimula ni Dr. Aguillard.

"The PUVA Therapy is too much to take for the weak body of Eve. Minabuti naming gawin na lang muna ang Ultraviolet Radiation dahil puwedeng i-adjust ang radiation pero kung sa PUVA, hindi. May limit ito para tuluyang gumaling at tumalab sa katawan ang epekto, but Eve couldn't take it. So, instead of using PUVA Therapy, which is the original plan, we use the Ultraviolet Radiation and after that, we apply an oral antihistamines to her to reverse or minimize the effect of Aquagenic Urticaria when she wakes up. Kaya kami natagalan kasi muntik na siyang mawala pero naagapan naman agad," Dr. Aguillard explained to Mr. and Mrs. Hutton.

"Oh, my God!" bulalas ni Mrs. Hutton nang marinig niya ang huling salitang binitawan ng doktor sa kanila. Para bang may biglang tumusok sa dibdib niya na siyang naging dahilan ng paghagulhol niya ulit. Yinakap na lang siya ni Mr. Hutton.

"I told you. Hindi mapapagaling ang anak natin ng mga therapy na iyan. It will only make it worst."

"But..."

"Shh, It's done. Success naman, hindi ba?"Biglang napatingin si Mr. Hutton kay Dr. Aguillard pero agad din naman siyang umiwas at pinatahan na lang ang kanyang asawa.

"Maiwan ko na kayo. Mayamaya lang ay lalabas na si Eve."

Kumalas sa yakap ang mag-asawa at bumaling kay Dr. Aguillard.

"Thank you, Doc," ani Mrs. Hutton kay Dr. Aguillard saka yumuko para punasan ang tuloy-tuloy na luhang pumapatak sa kanya.

After a couple of minutes, the door from the therapy room opened. Iniluwal nito si Eve na nakaratay sa kama. Agad naman itong nilapitan ng mag-asawa at sumama na sila hanggang sa makabalik sila sa kuwartong nakalaan kay Eve. Tahimik lang nilang pinagmasdan ang anak nila habang inaayos ng mga nars ang makinang ikakabit ulit sa kanya kasama na doon ang oxygen mask. Masaya ang mag-asawa dahil kahit papaano ay na-applyan na ng paunang lunas ang anak nila. Siguro naman ay magiging maayos na ang kalagayan nito at makakabalik na siya sa normal na kondisyon.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon