Kabanata || 31

526 21 1
                                    

NAPAKUNOT-NOO si Allisa ng nakatayo sya sa isang puno. Lumapit sya dito saka hinawakan ang katawan ng puno. Napapikit sya ng may senaryong pumasok sa isip nya.

Naglalakad sya para maghanap ng maganda at tahimik na lugar para mag-aral. Habang naglalakad sya ay may humintong grupo ng mga babae sa harap nya. Napakunot-noo sya. Anong ginagawa ng mga ito? Parang may hinahabol ang mga ito.

Hindi na sana nya ito papansin at patuloy na maglalakad ng harangin sya ng isang clown este babae. Sa tingin nya ay ito ang leader ng mga ito dahil sa kapal ng make up. Natawa nalang sya sa naisip nya. Pakapalan na pala ng make up ngayon para malaman kung sino ang leader ng grupo.

"Miss nakita mo ba sya?"

"Sino?"

Napatanga sa kanya ang babaeng nagtanong. Parang gulat ito sa naging tanong nya.

"Si Lexus Lennon. My god! Hindi mo sya kilala?"

Naiirita nitong tanong. Napairap naman sya. Duh! Sikat ba ang lalaking 'to para makilala nya. Isa pa wala syang pakialam sa lalaking hinahanap nila.

Unexpected LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang