Kabanata || 16

477 19 2
                                    

HINDI na tumutol si Allisa ng tumabi ng upo sa kanya si Shawn. Tahimik lang sila. Uwian na pero ayaw pa nyang umuwi. Wala din naman syang pasok dahil nag-live sya. Wala kasi syang ganang magtrabaho at kapag nasa trabaho naman sya ay wala naman sya sa sarili nya.

" Ayaw mo pang umuwi? "

" Ayaw ko pa. "

Muling namayani sa kanila ang katahimikan. Napapikit nalang si Allisa at ninanamnam ang sariwang hangin. May munting ngiti ang namuo sa labi nya ng maalala nya kung paano nya nakilala si Shawn Bautista. Ang lalaking katabi nya ngayon.

***

Napatingala sya para makita ang nabunggo nya. Nanlalabo ang mga mata nya habang inaaninag ang mukha ng nabunggo nya. Kahit malabo ang paningin nya ay alam nya na isa itong lalaki dahil sa uri ng buhok nito na nakatayo ang style.

Napayuko nalang sya at pinunasan ang mga luha nya na walang tigil sa paglaglag. Nasasaktan sya. Nasasaktan sya sa mga naririnig nya na mga negatibong sinasabi tungkol sa kanya. Pero mas nasasaktan sya dahil sa inakto ni Lexus.

Ni hindi man lang sya nito ipinagtanggol. Imbis na makaramdam ng galit at tampo sa binata ay mas nanaig ang pagkaintindi nya dito. Kahit masakit sa kanya ay naiinitindihan nya kung bakit ganon nalang ito sa kanya. Kung bakit hindi sya nito pinagtanggol. Kasalanan din naman nya. Walang ibang pwedeng sisihin kundi sya.

Napaangat sya ng tingin ng makitang may itim na panyong nakalahad sa harap nya. Kahit nagdadalawang isip ay tinanggap nya ito ay pinunasan ang luha nya.

" S-Salamat. "

" Hmm, let me guess. Boyfriend? LQ? "

Napaangat sya ng tingin para makita ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng panyo. Hindi sya nakasagot kaya inilahad nalang ng lalaki ang kamay nito.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now