Kabanata || 8

589 16 6
                                    

Binuksan ko ang locker ko para kunin ang mga gamit ko. Gaya ng inaasahan ay marami na namang mga love letters at tsokolate sa loob nito.

Hindi ba sila napapagod sa kakaasa sa wala? Napangiwi nalang ako sa naisip ko. Parang sarili ko lang ang sinasabihan ko ah.

Hmm... Mukhang hindi naman ako umaasa sa wala eh. Alam ko naman na ayaw nya akong mawala sa kanya at ayaw nyang iwan ko sya. 'Yon ba ang umaasa sa wala?

Nilagay ko nalang sa bag ko ang mga tsokolate at sulat. Ibibigay ko nalang ito sa mga katulong namin. At least hindi masasayang ang mga binigay nila.

Naglakad na ako papunta sa susunod kong klasi. Napahinto ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa likod dahil doon nanggagaling ang boses ng tumawag sa akin.

" Lexus. "

Ganon nalang ang paglaki ng mga mata ko ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Sya na naman?

" Hi babe. "

Agad kong hinarang ang dalawang daliri ko sa noo nya para hindi sya makalapit sa akin. Napa-'aw' naman sya sa ginawa ko.

" Masakit 'yon babe ha. "

Nakanguso nyang ani habang hinihimas ang noo nya. Napangiwi nalang ako sa kaartehan ng babaeng 'to.

" Ano bang ginagawa mo dito? "

Naiirita kong tanong. Kahit kailan hindi ko talaga gusto ang babaeng 'to. Napa-clingy at maarte. Ibang-iba sya sa babaeng gusto ko. O mas tamang sabihin na, ibang-iba sya sa babaeng mahal ko.

" Well... "

Lumapit naman sya at parang tuko na kumapit sa braso ko. Agad kong binawi ang braso ko mula sa pagkakapit nya at bahagyang lumayo sa kanya. Ngumiti naman sya ng pagkatamis-tamis.

" Gusto ko lang malaman mo na dito na din ako mag-aaral para magkasama na tayo. Ang saya, di ba? Yehey! "

Bahagya pa syang napatalon sa sobrang tuwa nya. Nginitian ko naman sya kaya mas naging malapad ang ngiti nya.

" Masaya ka? "

" Oo naman. Sobrang masaya. "

" Pwes! Ako hindi at pwede ba? Layuan mo nga ako. "

Singhal ko sa kanya at tinalikuran na. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para makalayo agad kay Mich.

" Babe! "

Napapikit ako dahil sa matiis nyang sigaw. Ramdam ko ang mga titig na ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko studyante dahil sa pagtawag nya sa akin ng 'babe'.

" 'Wag mo akong tawaging 'babe' dahil hindi kita girlfriend at hindi kita gusto! "

Sigaw ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. Damn! Ito ang unang beses na sumigaw ako sa hallway. Nakakairita talaga ang babaeng 'yon. Habol ng habol.

Pumasok na ako sa silid aralan at napangiti ako ng makita ko si Allisa. Mas napangiti ako ng kaming dalawa lang ang tao sa loob ng silid. Naglakad ako papunta sa upuan na nasa likod lang nya.

Nagbabasa lang sya ng libro at hindi ako tinapunan ng tingin. Sabagay, kailan ba nya ako tiningnan kapag nasa public places kami.

" Good morning L. "

Masayang bati ko sa kanya. Okay lang naman na batiin ko sya, wala namang ibang tao dito maliban sa amin eh. Napasimangot nalang ako ng hindi man lang nya ako binati pabalik.

" L, pansinin mo naman ako. "

Nakanguso kong ani sa kanya habang tinatapik ang balikat nya. Pero wala talaga eh. Ni lumingon man lang ay wala.

Bakit ba ayaw nya akong pansinin? Kami lang naman ang tao dito. Wala namang makakakita sa amin, kahit simpleng pag-usap man lang nya sa akin katulad ng ginagawa nya minsan.

Napasandal nalang ako sa upuan ko at nagbasa nalang din. Kanina ko pa sya kinukulit pero ayaw nya talaga akong kausapin. Dumaan ang ilang minuto ay nagsimula na ding dumating ang mga kaklase namin at ang prof.

Nagsimula na kaming magklasi at kalaunan ay natapos din. Napabuga nalang ako ng hangin ng makita kong nagmamadaling umalis si Allisa. Iniiwasan nya ba ako?

Alam ko naman na hindi nya ako pinapansin kapag nasa public places kami at hindi nya ako hinihintay. Pero parang may iba. Parang malamig ang pakikitungo nya sa akin ngayon.

Inayos ko nalang ang mga gamit ko, ako nalang kasi ang nag-iisa sa room. Laking gulat ko ng makita ko sa labas si Allisa na parang may hinihintay.

" L. "

Tawag ko sa kanya. Napaangat naman sya ng tingin at ngumiti. Napangiti din ako dahil ito ang unang beses na ngumiti sya sa akin, kahit nasa campus pa rin kami.

" May sasabihin sana ako sayo. "

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano naman kaya ang sasabihin nya? Binigyan ko sya ng isang ngiti.

" Ano 'yon? "

" Ma - - - "

" Babe! "

Hindi na nya natapos ang sasabihin at napatingin sa may-ari ng boses ko mula sa likod. Napapikit ako sa sobrang inis.

Hindi nya ba talaga ako titigilan? Panira talaga sya ng moment. Ito nga ang unang beses na kinausap ako ni Ally habang nasa campus kami, sinira pa ng isang 'to.

" Babe, sabay na tayong mag-lunch. "

Malambing nyang sambit at agad na kumapit sa braso ko. Nandidiri ko naman itong tinanggal.

" Hindi ka ba makaintindi? Ang sabi ko ay layuan mo na ako. "

" Na-ah. I can't do that. "

" At bakit naman? "

" Kasi fiancee mo ako. Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal tayo. At wala ka ng magagawa sa bagay na 'yon. "

Napapikit ako para kahit panandalian lang ay mawala sya sa paningin ko. Baka hindi ako makapagpigil at masuntok ko 'to kahit na babae sya.

" Hindi kita gusto, okay? May mahal na akong iba. At hinding hindi mangyayari na makasal tayong dalawa. Naiintindihan mo? "

Mahina pero may diin kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na may mga butil ng mga luha na kumakawala sa mga mata nya.

Gusto kong ma-guilty, pero kapag hindi ko ipinamukha sa kanya na ayaw ko talaga sa kanya ay aasa sya at maghahabol pa rin.

Mabuti na 'yong sabihan ko sya ng mga masasakit na salita para naman magising sya sa katotohanang hindi ko sya gusto at kahit kailan hindi ko sya magugustohan.

" Still! Hindi ako susuko at mapapasa-akin ka din! "

Tumakbo na sya papalayo habang umiiyak. Tigas ng ulo. Napahilot ako sa noo ko. Mukhang hindi talaga sya titigil.

Bahala sya. Wala naman syang mapapala kahit anong habol nya.

" L? "

Napasimangot ako ng paglingon ko kung saan nakatayo kanina si Allisa. Wala na sya. Iniwan na naman nya ako. Lagi naman eh.

Narinig nya kaya ang mga pinagsasabi ng babaeng 'yon? Sana naman hindi. Alam ko naman na hindi nya narinig eh.

'Yon pa? Para 'yong suso. Kapag may tao ay tago agad sa lungga nya. Lalo na kapag nandon ako.

***

Sorry guys kung matagal na akong hindi nakapag-update. In-edit ko po kasi ang TKMTB.

Pakisabihan ako guys kung may error po sa chapter na ito para ma-edit ko. Thank you po. :)

Q: May clue na po ba kayo kung bakit magkamukha si Allison at Allexus?

- Comment your clue :)

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now