Kabanata || 27

429 16 4
                                    

NAKATINGIN si Lexus kay Allisa na paakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. Titig na titig sya sa bulto ng dalaga habang papalayo ito. Napabuntong-hininga nalang sya ng mawala na ito sa paningin nya.

"Mag-merienda ka muna Lexus." Napatingin sya kay Maye ng inilapag nito ang isang baso ng juice sa harap nya at isang plato ng cookies.

Nakilala nya si Maye kanina. Pinakilala ito ni Shawn ng makarating sila sa bahay nito. Si Maye ang asawa ni Shawn. Limang taon na silang kasal.

Bago pa sila makaalis ni Allisa papuntang Brazil siyam na taon ng nakakaraan ay naging maayos at naging magkaibigan sila ni Shawn. Noong una ay pinagseselosan nya ito dahil buntot ito ng buntot kay Allisa nong mga panahon na hindi pa sila nag-uusap. Pero nang makausap nya ito at nalaman nyang may fiancee na ito ay nawala na ang pagseselos nya dito.

"Thank you Maye."

Ngumiti sa kanya si Maye saka nagpaalam at iniwan sila ni Shawn sa sala ng bahay nito. Huminga sya ng malalim saka bumaling kay Shawn.

"Can you explain now what's happening Shawn?"

Huminga ng malalim s Shawn bago nagsimulang magkwento.

TUMATAKBO ng mabilis si Allisa habang karga ang anak na si Allexies na ngayon ay umiiyak na. Naiiyak na din sya habang tumatakbo. Napupuno na ng takot ang buo nyang katawan. Ayaw pa nyang mamatay. Kailangan nyang mabuhay para kay Lexus at sa mga anak nila.

Kahit napupuno ng takot ay lakas-loob parin syang tumakbo papunta sa sasakyan na sinasabi ni Lexus. Umaasa na makakasunod agad ang lalaking mahal at makatakas sila.

Hindi nya masagot ang katanongan sa sarili kung sino ba ang mga lalaking nanloob sa kanila at gusto silang patayin. Isa ba ito sa kalaban ng pamilya nila. Kalaban ng mga Santillan.

Ito ba? Ganito ba ang buhay na kinalakihan ng mga kapatid nya? Ang buhay na hinahabol sila ni kamatayan. Hindi nya lubos maisip ang sarili na nasa ganitong sitwasyon araw-araw. Na palagi syang hinahabol ni kamatayan.

Habang tumatakbo ay nagdadarasal sya na sana dumating ang mga kapatid nya at sagipin sila sa bingit ng kamatayan ngayon. Ito nalang ang tanging maaasahan nila ngayon.

Napapikit sya ng mariin ng makarinig ng maraming putok ng baril. Sana ligtas ang lalaking mahal nya dahil hindi nya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama dito.

Malapit na sila sa sasakyan ng napahinto sya at dumaan sa ibang daan. Hindi nya alam pero may kakaiba syang nararamdaman sa sasakyan. Parang may mali at may nagtutulak sa kanya na 'wag sumakay doon. Kaya 'yon ang ginawa nya.

"Para! Para! Help me please. Help me."

Pumara sya sa isang sasakyan na papunta sa kinaroroonan nya. Wala na syang pakialam kung sino ang nasa sasakyan basta ang importante ay makaalis sila ng anak nya. Nabuhayan sya ng loob ng lumabas ang lalaking kilala nya. Shawn.

"Allisa? What are you doing here?" Tanong nito habang papalapit sa kanya na may nagtatanong na tingin. "Alam mo bang nag-alala ako ng bigla kang mawala. Si Lexus din, sabay kayong nawala. Alam mo ba 'yon?"

Napahinto ito sa pagsasalita ng makita ang batang hawak nya. Tumingin ulit ito sa kanya na may gulat.

"Who? Who..." Hindi nito matapos-tapos ang sasabihin dahil sa gulat.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. I need your help Shawn. Kailangan kong..."

Napatingin sya sa mga lalaking ngayon ay patakbo ng papalapit sa kanila.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon