Kabanata || 18

548 21 2
                                    

" Allisa! "

Tawag ni Lexus sa dalaga. Napalingon din ang mga kapwa nila estudyante dahil sa lakas ng pagtawag nya sa pangalan ng dalaga. Sino nga naman ang hindi mapapalingon kapag narinig mo ang boses nya. Isa yata sya sa pinagkakaguluhan ng mga babae. Pero kahit ganon ay nasa iisang babae lang ang buo nyang atensyon.

Nasa kay Allisa Panaz lang. Ang babaeng nagpapatibok ng puso nya.

Mas lumapad ang ngiti nya ng lumingon ang dalaga sa kanya at ng makita sya ay ngumiti ito ng matamis. Damn those smile. It make his heart melt and it make him fall in love on her over and over again.

Tumakbo sya patungo sa kinatatayoan ng dalaga ng huminto ito.

" Good morning L. "

" Good morning din X. Mukhang masaya ka ah. "

Nagsimula na silang maglakad ng sabay. Napapatingin din sa kanila ang mga ibang estudyante. 'Yong tingin na may paghanga at inggit.

" Oo naman. Nakita kita eh. "

Napangiwi sya ng bigla syang kurotin ng dalaga sa tagiliran.

" Ang aga, ang mais muna. "

" Asus! Kinilig ka naman. "

Napaiwas ito ng tingin. Napangiti nalang sya dahil isa na namang araw na nakita nyang namumula ang mukha ng dalaga. Natutuwa sya kapag nagagawa nyang papulahin ang mukha ng dalaga. Alam nya kasing sya lang ang nakakagawa non kay Allisa.

Isang taon. Isang taon na din ang nakakalipas simula ng maging okay sila. Simula ng mapagdesisyonan nilang magsimula ulit. Simula ng matanggap nila ang pagkakamali ng isa ay naging okay na sila.

Mas naging matatag sila. Wala namang nang-bully sa dalaga dahil palagi nya itong kasama. May mga hindi tanggap ang relasyon nila dahil sinasabi nilang pinikot lang sya ng dalaga, pero syempre nandyan sya para ipagtanggol ang dalaga. Linggo lang ang lumipas ay napanatag na sya ng matanggap din ng mga ito ang relasyon nila.

NAKAHIGA SA kama si Allisa habang nakatingin sa kisame. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi nya. Gabi na pero hindi pa sya tinatawagan ni Lexus.

Napatingin sya sa relong pambisig. Mag-a-alas syete na ng gabi. Ilang oras nalang ay matatapos na ang araw. Hindi nya tuloy maiwasang malungkot at magtampo sa binata

" Ni hindi man lang nya naalala. "

May pait nyang sambit. Umayos nalang sya ng higa at ipinikit ang mga mata. Matutulog nalang sya para hindi nya isipin ang binata. Naiinis sya dito at nagtatampo. Sabado ngayon pero hindi nagparamdam sa kanya ang binata. Ni hindi man lang nag-text.

Ano naman kayang pinagkaabalahan non? Nako! 'Wag lang nyang malaman-laman na may iba itong babae dahil mapuputol talaga nya ang pwedeng maputol sa binata.

Inabot nya ang nag-iingay na cellphone na nasa bedside table nya saka sinagot ang tumatawag ng hindi tinitignan ang caller.

" Ano!? "

Paasik nyang tanong. Beast mode sya ngayon, kaya kung sino man ang tumawag sa kanya ay pasensya nalang sya kung nasinghalan sya.

" Bakit mukhang bad mood ang baby ko? "

Napakalambing ng boses nito. Imbis na mawala ang inis nya dahil sa lambing ng boses nito ay mas lalong nadagdagan ang galit nya.

" Buti naman at naisipan mo pang tumawag. "

Hindi nya mapigilang maging sarkastiko. Naiinis sya. Naiinis sya sa binata. Parang gusto nya itong suntukin sa mukha para lang mawala ang inis nya dito. Pero ang tanong ay kaya nya ba? Mukhang hindi, mahal nya ang binata eh.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon