Kabanata || 3

823 26 2
                                    

Nang makapasok ako sa silid namin ay agad hinanap ng mata ko si Allisa. Napangiti naman ako ng makita kong nakaupo sya sa 2nd to the last row habang nagbabasa ng libro.

Napalabi ako para itago ang namumuong ngiti sa mga labi ko. Ayoko ipakita na masaya ako dahil nakita ko sya. Alam kong hindi sya matutuwa kapag nagkataon.

Nagtitilian ang mga babae habang papalapit ako sa likod ng pwesto ni Allisa. Kahit nakakabingi na ang mga tili ng mga babae sa silid ay ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Allisa.

Napailing nalang ako nang makaupo ako sa likod nya. Kakaiba talaga sya sa mga babae. Gaya ng sabi nya ay pag-aaral ang ipinunta nya at hindi para maghanap ng gwapo.

Kahit kating-kati ako na kausapin at lapitan sya ay pinipigilan ko parin ang sarili ko dahil ayoko magalit sya sa akin.

Habang nagkaklasi ang guro namin sa harapan ay nakatingin lang ako sa likod ni Ally. Ang maikli at medyo kulot nitong buhok. Napangiti nalang ako.

Dati ay ang pinunta ko lang sa skwelahan na 'to ay mag-aral. Walang planong umibig pero ng dumating si Allisa sa buhay ko ay nagbago 'yon.

Naging inspiration ko sya para mas mag-aral pa. Gusto ko kapag nakapagtapos na kami ay aayain ko syang magpakasal. Sa akin lang. Ayoko ng may umaaligid sa kanya na ibang lalaki.

Mabuti nalang at hindi ako nakakaramdam ng selos. Lapitin sya ng mga lalaki pero sya na mismo ang umiiwas. Kaya wala akong dapat ikaselos.

Mahal ko ang babaeng ito. Alam nya 'yon. Dahil makalipas ang anim na buwan naming pagkakaibigan ay umamin ako sa kanya.

*

Nakaupo ako sa sofa at nag-aaral. Kasama ko si Ally dito sa kubo. Nakaupo sya sa harap ko at nag-aaral din. Nakasanayan na namin ang ganito.

Ang sabay mag-aral. Total, magka-klasi naman kami sa lahat ng subject ay hindi kami nahihirapan kapag may mga hindi kami naiintindihan. Tinuturuan ko sya at tinuturuan naman nya ako.

Nakasandal ako sa sofa habang nakapandekwatrong upo. Hawak ko ang libro at nagbabasa. Napasilip naman ako kay Ally na nagsusulat. Napako ang tingin ko sa maamo nyang mukha.

Parang slow motion ang mga nakikita ko. Nagsusulat sya sa lamesa, kalaunan ay inilagay nya sa likod ng kanyang tenga ang mga takas na buhok nya.

Napalunok tuloy ako. Napapikit at bumuntong hininga. Siguro naman sapat na ang anim na buwan na pagkakilala namin. Alam na namin ang mga bagay-bagay tungkol sa amin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon