Kabanata || 24

492 15 2
                                    

8 years later...

"DADDY!"

Agad na napalingon si Lexus sa kinaroroonan ng anak. Naka-uniform ito at galing sa school. Binaba na nya ang tawag saka lumapit dito.

"How's school buddy?" nag-squad sya para mapantayan ang anak.

"It's great dad." Ginulo nya ang buhok nito dahilan para mapasimangot ito. "Dad naman!"

Natawa sya at tumayo ng tuwid. "Magbihis ka na at kakain na tayo maya-maya."

"Opo dad." Napailing nalang ito ng tumakbo papunta sa ikalawang palapag kung saan ang kwarto nya.

Tumungo sya kung saan ang harden ng bahay nya saka umupo sa isang duyan sa ilalim ng puno. Isang oras nalang ay magdidilim na ang langit. Tumingin sya sa langit at unti-unting namumuo ang lungkot sa puso nya.

Walong taon. Walong taon na ang nakakalipas simula ng mangyari ang trahedyang bumago at ang dahilan para mawasak ang puso nya.

"Lexus." Tawag sa kanya ni Allison pero tila para syang bingi at hindi narinig ang pagtawag sa kanya ng dalaga. "Lexus."

Tuluyan na syang hinawakan ng dalaga sa balikat nito. Tumingin sya kay Allison pero hindi doon ang atensyon nya. May tumulo na namang luha sa mga mata nya. Tuluyan na syang napaiyak ng maalala ang dalaga.

"Lexus 'wag naman ganito." Hinawakan nito ang mukha nya para mapatingin sa kanya. Mas lalo lang syang nalungkot ng makita ang mukha ni Allison. "You need to be strong Lexus."

"Paano?" Napayuko na sya at napahikbi. "Paano Allison? Paano ako magiging malakas kung ang taong nagbibigay sa akin ng lakas ay wala na."

Napasabunot sya sa buhok. Frustration, sadness, loneliness, and pain are written on his face. Paano nga ba? Paano nga ba sya magiging matatag at malakas kung ang taong pinagkukunan nya ng lakas ay wala na.

Anong gagawin nya kung ang taong nagpapasaya at ang dahilan kung bakit gusto nya pang mabuhay ay wala na. Ano pang silbi ng buhay nya kung wala na ang babaeng mahal nya. Anong gagawin nya?

Unexpected LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt