Kabanata || 29

467 16 4
                                    

"ITO NA ba ang bahay mo?" Manghang tanong ni Allisa kay Lexus ng makapasok na sila sa gate ng bahay.

"Natin." Pagtatama nya sa sinabi ng dalaga. "Ito ang bahay natin."

Ngumiti lang sa kanya si Allisa saka tumingin ulit sa bahay na magiging sa kanila na. Hindi na lang sya ang magmamay-ari kundi sila ng dalawa.

Napangiti sya ng makita ang magandang ngiti ng dalaga habang manghang-manghang nakatingin sa bahay. Hindi sa pagmamayabang pero mas malaki ang bahay nila kaysa sa bahay ni Shawn, pero hindi din naman kasing laki ng bahay ng mga Santillan. Tamang-tama lang ang laki para sa pamilya nila.

"Ang laki pala ng bahay mo daddy." Natutuwang sabi ng anak nya na nasa backseat.

"Syempre baby. Para kasi sa inyo 'yan ng mommy mo." Kinuha nya ang kamay ni Allisa saka hinalikan ang likod ng palad nito.

Hindi tumutol ang dalaga at ngumiti lang ito sa ginawa nya. Nang maka-parking na sya ay agad syang bumaba at pinagbuksan ng pinto ang mag-ina nya.

"Simula ngayon, ito na ang magiging bahay nyo." Kinarga nya ang anak saka niyakap sa bewang ang dalaga. Napatitig sya kay Allisa ng kumunot ang noo nito. Tila ba sinusuri ang bahay. Kinakabahan sya sa uri ng tingin nito sa bahay. "May problema ba L? Hindi mo ba nagustohan?"

Umiling ito. "Hindi naman 'yon. Maganda ang bahay." Tumingin ito sa kanya sandali saka bumaling ulit sa bahay. "Hindi ko lang kasi maalala na tumira ako dito."

Nawala ang kaba nya at nakahinga ng maluwag. Akala nya hindi nagustohan ng dalaga ang bahay. Binaba nya ang anak saka nya ito hinarap.

"Hindi mo talaga ito maaalala dahil hindi naman ito ang naging bahay natin. Sa condo unit tayo tumira ng mag-propose ako sayo. Kaso naibinta ko na 'yon ng umalis tayo papuntang Brazil. Doon tayo tumira ng ilang buwan."

"At doon din tayo naghiwalay?"

"Naaalala mo?" Nakangiting tanong nya.

Bumagsak ang mga balikat nya ng umiling ito pero nandon parin ang ngiti sa mukha nya. Hangga't kaya nya ay ayaw nyang ipakita sa dalaga na malungkot sya. Saan pa't makakaalala din ang dalaga.

"Sorry." Nakayuko nitong sabi.

Inangat nya ang baba nito dahilan para magtama ang mga mata nila. "Bakit ka naman nagso-sorry?"

"Kasi wala akong maalala."

Niyakap nya ito ng biglang nanubig ang mga mata.

"Shh, you don't need to say sorry. It's not your fault." Humiwalay sya sa pagkakayap dito. Pinunasan nya ang isang butil ng luha na nalaglag. "Maaalala mo din ako. Maaalala mo din kung gaano kita kamahal at gaano mo ako kamahal. Alam ko, kahit hindi na ako naaalala ng utak mo, hindi naman ako nakalimutan nito." Tinuro nya ang dibdib nito kung saan ang puso. "Kasi palagi mong sinasabi sa akin na mahal mo ako at alam ko na nakaukit na ako dyan kaya kahit kailan ay hindi ako malilimutan ng puso mo."

Umiiyak na tumango ito. "Paano kung hindi na kita maalala? Hindi na ako makaalala."

Nagkibit-balikat sya saka niyakap ang dalaga. "Kung sakaling hindi na bumalik ang alala mo, eh di gagawa ulit tayo ng memories natin. 'Yong laging masaya. Basta sa ngayon, 'wag mo munang pilitin ang sarili mo na makaalala, baka sumakit ang ulo mo. Hayaan mong magkusa ang utak mong makaalala. Okay?"

Tumango ang dalaga na ikinangiti nya. Pinunasan nya ang luha nito saka hinalikan sa noo.

"Tara na, pasok na tayo."

Tumango ito saka ngumiti. Nagulat sya ng pinagsiklop ni Allisa ang kamay nila. Ngumiti lang ang dalaga kaya napangiti na din sya. Her warm hand on mine felt so good.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now