Kabanata || 30

496 14 3
                                    

AGAD NA napangiti si Allisa ng si Lexus ang bumungad sa kanya pagkagising nya. Dalawang linggo na silang nagsasama ng binata at sa dalawang linggong 'yon ay walang araw na hindi sya masaya sa piling ng binata.

Hinaplos nya ang mukha nito. Bumibilis ang tibok ng puso nya sa twing ngumingiti ang binata at kinakabahan sya kapag kasama nya ito.

Wala man syang maalala ay hindi naman sya tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman nya. Ang nararamdaman nya na tanging sa binata nya lang naramdaman.

Unti-unti ng nahuhulog ang loob nya kay Lexus. Hindi din naman kasi mahirap mahalin ang binata. Mabait ito at maalagain. Palagi silang inaasikaso ng mga anak nya. What a great father he is. And deep in her heart she know Lexus would be a great partner and husband.

Sa iisang kwarto silang dalawa natutulog. 'Yon ang gusto ng binata at ayaw pumayag ng utak nya pero may parte ng puso nya na ayaw tumutol sa gusto nito. Mas pinili nya ang gusto ng puso nya dahil alam nyang magiging masaya sya.

At hindi nga sya nagsisisi. Masaya sya araw-araw sa twing nagigising sya dahil ang mukha agad ng binata ang nakikita nya.

"Good morning baby."

Agad na namula ang mukha nya sa tinawag nito sa kanya. Palagi syang tinatawag ng binata ng baby o babe pero hindi nya parin maiwasan na pamulahan ng mukha. Hindi nya maiwasan na kiligin. Lalo na kapag binati sya nito ng good morning with his morning husky voice.

Tumikhim sya para mawala ang bumabara sa lalamunan nya.

"Good morning din."

Ngumiti ang binata. Napatili sya ng bigla syang hapitin nito palapit dito.

"Lexus!"

"What?" Natatawa nitong tanong.

"Bitawan mo ako."

"Ayoko nga." Mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanya na para bang ayaw syang pakawalan. "Gusto kitang kayakap eh." Sinubsob nito ang mukha sa leeg sya.

"Lexus! Nakikiliti ako." Natatawa nyang saway dito pero hindi nakinig sa kanya ang binata.

Ramdam na ramdam nya ang mainit nitong hininga sa leeg nya. Napalabi sya ng hinalik-halikan ni Lexus ang leeg nya.

"Lexus."

"Mahal na mahal kita L. Mahal na mahal."

Napatahimik sya sa binulong ng binata. Hindi sya nakaimik dahil sa pagkabigla.

Tumayo ang binata ng ilang minuto syang hindi nakasagot saka ngumiti, pero alam nyang pilit lang ang ngiting 'yon.

"Bumangon ka na. I'll cook for our breakfast." Hinalikan muna sya nito sa noo bago lumabas ng kwarto.

Napabuntong-hininga sya. Nasaktan na naman nya ang binata. Gusto nyang sabihin na mahal nya din ito pero naisip nya na saka nalang kapag naalala na nya ito.

Alam nya na naaalala ng puso nya si Lexus pero mas gusto nyang maalala din ito ng isip nya bago nya sabihin dito kung ano ang nararamdaman nya.

Bumangon na sya saka naghilamos at nag-tooth brush bago bumaba at tinungo ang kusina. Malayo palang sya ay naamoy na nya ang mabango nitong niluluto.

Lumapit sya dito saka niyakap ito sa likod. "Hmm, ang bango."

"Maupo ka na don." Hinalikan sya sa ulo nito. "Malapit na akong matapos."

"Okay."

Umupo na sya at hinintay na matapos si Lexus. Nang matapos ito ay hinain na nito ang niluto saka sya pinagsilbihan. Sabay silang kumain.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now