Chapter Nineteen

74 4 0
                                    

Chapter Nineteen

"Wow, besh! Ang ganda ng bahay! Ikaw iyong tumama sa Lotto, ano?!" tili ni Apeng na siya namang paglabas ni Lolo Carino sa kuwarto nito. "Sino siya?" Bulong pa na tukoy niya kay Lolo nang makalapit ang matanda sa amin sa sala. Pinanlikahan pa niya ako ng mata.

Mukhang iba ang iniisip nito. Siniko ko siya sa sikmura at napaigik siya ng kaunti. "Apeng, ang Lolo ko nga pala." Hindi ko alam kung saan ko uumpisahang magkuwento. Parang ayaw niyang maniwala na Lolo ko ito.

Bigla akong hinawakan sa magkababilang braso ni Apeng at niyugyog-yugyog. "Besh, huwag kang magsinungaling, DOM 'yan, ano? Pumatol ka sa matanda? Hindi iyan ang solusyon sa pantubos ng lupa ninyo. Kaya mo ba iniwan si Sir Rham? I'm so dissapponted with you!"

"Ano ba iyang iniisip mo?" Napakamot ako sa ulo't natawa sa sinabi niya. Kumawala ako sa pagkakayugyog niya.

Nakangiti at napapailing-iling naman ang matanda sa tinuran ng kaibigan ko. "Apo, mukhang kailangan munang kumain ng kaibigan mo para mahimasmasan." Pagkasabi no'n ay nagpaalam na si Lolo sa amin at iniwan kami.

Mukhang wala naman problema kay Lolo sa pagpapatuloy ko kay Apeng dito. Mabait si Lolo, hindi siya kumukontra sa mga desisyon ko. Naikuwento ko rin kasi kay Lolo na si Apeng lang best friend ko. Nakakatuwa nga ang matandang iyon dahil madaling kausap at good vibe lagi. Parang wala naman problema. He's already 70 years old pero iyong hitsura niya, ang bata pa sa edad niya. Medyo payat lang dahil sa tangkad nito. Iyong tungkod lang ang hindi nawawala dahil may problema ito sa paglalakad. Pero malakas pa rin naman ang resistensiya ni Lolo.

Hinila ko si Apeng sa kusina at doon kami nagkuwentuhan habang kumakain. Simpleng pagkain lang ang nakahain sa mesa.

"So, ibig mong sabihin lolo mo ang matandang iyon at hindi ka talaga ampon ng mga tiyahin mo dahil kadugo ka talaga nila?" sabi niya habang nilalantakan ang fried chicken.

"Ganoon na nga," sabi ko sabay subo ng kanin na may ulam na pritong gigi at ginisang upo. Nakakamay lang kaming kumakain ni Apeng. "Teka lang kanina nabanggit mong iniwan ko si Rham, 'di ba?"

Tumango si Apeng at nagsalita. "Oo, kasi sabi niya ikaw daw ang nang iwan. Galit na galit nga sa akin noon, tinatanong ka sa akin, e hindi ka naman makontak no'n dahil patay ang bulok mong cellphone."

"Ano pang sabi niya sa iyo?"

"Hayun nagwala ang siraulo, tapos sinasabi niyang mahal na mahal ka niya tapos ganoon lang ang ginawa mo. E, ang bobo naman ni Sir Rham, kung gusto ka niyang bumalik, bakit hindi ka niya man lang pinuntahan para suyuin?"

"Dahil nasaktan ko siya, baka galit pa rin sa akin. Umaasa nga ako noong nasa probinsiya na bisitahin ako ganoon, na sosorpresahin niya ako. Pero wala akong nakitang Rham sa harap ng gate. Iyong parang napapanood natin sa pelikula, nababasa sa mga nobela. Iyong ganoon."

"Wala naman ganyan sa totoong buhay. Lahat ng mga nababasa at napapanood natin kathang-isip lang. Ganda mo te, kung ginawa niya iyon sa iyo, ano?"

"Wala naman kasing imposible kung mahal niya talaga ako."

"Kasi nga, baka hindi ka naman talaga mahal. Baka na-realize noong tao na hindi ka worth it suyuin."

"Ang sakit mo naman magsalita, Apeng." Bigla akong nakaramdam ng kaunting kirot. Baka nga hindi ako worth it ipaglaban dahil ako ang naunang sumuko.

"Ayys! Hindi naman mabiro ito, oo. Nga pala, sabi ko noong tinawagan kita na wala akong alam, pero may alam naman talaga ako. Dahil masyadong obvious si Sir Rham at ako pa nadiskitahan. Inis na inis sa akin dahil siguro nakikita niya ang pagmumukha mo sa akin. Kaya ayon, pinalayas ako. Ayaw lang kitang mag-isip kaya sabi ko na wala akong alam."

SCRAPWhere stories live. Discover now