Chapter Fourteen

79 5 0
                                    

Chapter Fourteen

Pinag-usapan namin Rham ang plano tungkol sa sinasabi niyang pagtatanan. At hindi ako pumayag sa gusto niya. Baka lalo lang magkagulo ang pamilya namin. Ang gusto ko sana ay mag-uusap muna kami ng mga Auntie ko. Uuwi kami sa amin kasama si Rham at hihingin ang permiso ng mag tiyahin ko. Pagkatapos ay muli kaming susugal sa nanay niya. Baka sakaling lumambot ang puso nito. Pero kung ayaw talaga hindi ko na rin talaga alam ang magagawa ko.

It's been a week since that day na pumunta kami doon sa kanila. Nakausap din ni Rham ang Daddy niya at humingi ng pasensiya dahil sa mga nangyari ng araw na iyon. Mabuti nga at nakakaintindi ang ama nito. Pinakalma muna namin ang sitwasyon.

On the other day, life goes on smoothly. Sabay kaming pumapasok sa office. We're so busy at work. We don't have much time para sa landian. Hangga't maari sinasabi ko sa kanya na ilugar namin ang bagay na iyon. Work is work no hanky panky. Then unexpectedly, nagkaroon ng business meeting si Rham sa California. Dahil doon magsi-ship ng mga skin metal ang company. May pagawaan kasi ang Tito nitong si Sir Calixto Wright na Cessna's doon. Ang kompanya ang magpo-produce ng mga metal skin doon.

"Bakla, wala ka pang phone call kay Sir?" nagdududang tanong sa akin ni Apeng. Nasa loob kami ng office ni Rham dahil nagpalamig kami. May aircon kasi dito. Sa labas mainit.

"Wala pa nga, e. Unattended ang phone niya. Pero kaalis lang naman kahapon, baka busy talaga siya." Sagot ko naman.

"Busy-busy? Baka naman nagchi-chixs lang iyon, ah!" intriga pa niya.

"Ano ka ba, ako lang love no'n. Hindi niya magagawa iyon. Kaasar ka no,"

"Ang pogi pogi ng boyfriend mo, marami maghahabol do'n."

"Selos ka ba, apeng? Para kasing daig mo pa ako."

"Hindi naman, ang akin lang baka kasi kung
anu-ano naman pinaggagawa ng jowabels mo. Hindi naman masama kung i-check mo siya paminsan-minsan. Girlfriend ka naman niya at may karapatan kang magtanong sa mga ginagawa niya."

"Hayaan mo lang. Hindi nga gagawa nang kalokohan iyon. Tara na, meryenda na tayo. Saan mo gusto?" aya ko sa kanya.

"Sige na nga, iniiba mo ang usapan e," maktol pa niya. Natawa ako. Daig pa niya ako. Ako nga hindi ako nag-aalala dahil may tiwala ako sa lalaking iyon. "Sa ano tayo mag-meryenda, doon sa bagong tayo nang native cakes. Masarap ang mga kakanin doon." dagdag pa niya.

Tinanguan ko lang siya, pagkatapos ay diretso na kaming pumunta sa sinasabi niyang native cakes resto.

"Amanda's native cakes and Resto?" pabulong na basa ko sign board ng restaurant bago kami pumasok sa loob.

"Shet, ang ganda ng place. Native na native ang ambiance," bulong din ni Apeng nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.

Maganda nga ang loob. Parang nasa probinsiya lang ang dating ng loob. Iyong mga lamesa't upuan mga gawa sa kahoy. Tapos iyong pagkain nila pang pinoy talaga. Lalo kaming natuwa ni Apeng nang lumapit kami sa stall kung saan nakalagay iyong mga kalamay. May ube na sobrang daming latik na toppings. Sapin-sapin, cassava at ang dami talaga.

"Shet ang sarap!" tuwang-tuwa si Apeng sa kinakain niyang palitaw at kutsinta.

Ang in-order ko ay puto cheese at tibok-tibok parang maja din ito. Saka iyong lumpiang sariwang gulay nila super sarap ng sauce. Kaya pala ang daming kumakain dito. Sabi nang nakausap naming waiter kanina, pang 2O na branch na daw ito ng may-ari.

"Wait lang, besh, tumatawag si Rham."

"Uyyy... kinikilig." Asar pa niya sa akin.

"C.R muna ako. Wait mo lang ako diyan." Paalam ko sa kanya. Tinanguan lang niya ako't pinagpatuloy ang paglapang niya.

SCRAPWhere stories live. Discover now