Chapter Eighteen

64 5 0
                                    

Chapter Eighteen

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang maiyak. Mahirap sa loob ko ang ganito. Ang iwan ang dalawang matandang dalaga. Sinabi naman ni Lolo na puwede naman silang tumira ro'n kasama ako, kaso hindi ko talaga sila mapilit. Sa bagong biling bahay daw kami titira ni Lolo.

Sinusuklay-suklay ni Auntie Vernice ang mahaba kong buhok habang nakaupo at nakaharap ako sa malaking vanity mirror sa loob ng kuwarto. Si Auntie Veron naman ay malungkot lang na pinapanood kami. Nakatayo si Auntie Vernice sa likuran ko at magkatapat ang tingin namin sa salamin.

"Ang sabi nang mama Verna mo, bago sila umalis ni Carino papunta sa isang Isla. Kung sakaling hindi na raw sila makabalik, alagaan at mahalin ka raw namin. At gusto niyang maipaalam sa Lolo mo na may apo siya. Iyong unang asawa ng Lolo mo na si Donya Marina ay sobrang napakabait. Kaso maaga ring binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon sa kidney. Mga dalaga pa kami, naninilbihan na kami sa kanila sa Maynila. Noong nag-asawa ulit si Don Sobel, doon kami pinalayas ng walang hiyang si Divina. Kumuha siya ng mga bagong kasambahay. Naiwan lang doon si Verna na may lihim na relasyon sa iyong ama. Kung nalaman lang sana ni Don Sobel, walang magiging problema. Iyong si Divina lang naman ang atribida. Tutol sa relasyon ng mga magulang mo. Kaya itinago na lang nila. Nang mga panahong wala na rin ang mga magulang mo at ang may pakana ng pagkamatay nila ay si Divina. Wala rin kaming magawa sa paghabol ng hustisya. Dahil alam namin, mahirap magkaso lalo na kung wala ka naman pera at makuhang mabait na abogado. Ipinagpasa Diyos na lang namin ang lahat." Mahabang kuwento niya't mataman lang akong nakikinig.

"Wala nga ring nagawa si Lolo dahil paralized pala siya ng ilang taon. Naka-recover lang dahil sa tulong ng mga kaibigan daw niya noon. Kawawa naman si Lolo, mag-isa siyang namalagi  sa hospital." Malungkot na sabi ko. Naikuwento rin kasi ni Lolo iyong sinapit niya sa kamay ni Divina

"At iyong si Divina nakarma, akala niya yata porke't napakasalan ay makukuha niya na lahat ng pera ni Don Sobel. Nabalita nga sa t.v iyong pagkamatay niya noon. Nahulog sa bangin ang kotseng sinasakyan niya kasama ang kabit nitong drayber." Singit naman ni Auntie Veron.

"Pero mabuti pa ang lovelife ng mga magulang ko hanggang sa kabilang buhay magkasama pa rin sila." Bulong ko.

Kumunot ang noo ni Auntie Vernice. "Naiisip mo pa rin ba si Rham, anak?"

Tumango ako at mapait na ngumiti. "Gusto ko na siyang puntahan, pero wala akong mukhang maihaharap sa kanya."

"Subukan mong puntahan siya. Malay mo magkaayos pa kayo." Sabad naman ni Auntie Veron.

Napangiti ako. "Salamat po sa suporta ninyo sa akin. Kapag po nakabalik ako sa Manila, pupuntahan ko talaga siya."

"Sige lang, anak, basta mahal mo mahal na rin namin. Hindi namin ipagkakait sa iyo ang kaligayahan mo. Nasa tamang edad ka na." Segunda naman ni Auntie Vernice.

Masuwerte ako kahit hindi ko nakagisnan ang tunay kong ina, binusog naman nila ako sa pagmamahal.

Hinawakan ko ang kamay ni Auntie Vernice na nasa balikat ko. Nakatingin pa rin kami sa repleksiyon ng salamin. "Mami-miss ko kayo,"

"Asus, huwag na ngang umiyak. Ang lapit lang ng Maynila. Walking distance lang." Hirit na naman ni Auntie Veron. Palabiro talaga ito kahit kailan.

Nagkatawanan pa kaming lahat.

"Mag-iingat ka doon. Kahit na hindi ka naman pababayaan ni Don Sobel." Bilin pa ni Auntie Vernice.

"Kayo rin po." Nakangiting sabi ko.

Lumapit si Auntie Veron sa akin at may inabot siya sa akin na matigas na papel. Isang lumang litrato. "Baunin mo ito, anak," ang sabi pa niya saka ako natulala ng ilang sandali. Isang wallet size picture ang hawak ko. Ang family ficture ko. Kasama si Mama at Papa. Karga ako ni Papa, kamukha ko talaga siya. Ako ang girl version niya. Si Mama Verna ay maganda rin naman, kayumanggi ang balat niya at itim na itim ang unat ang buhok niya. Singkit ang mata nito which is hindi ko nakuha. Parang ilang buwan pa lang naman ako sa picture dahil balot na balot ako ng telang puti.

SCRAPWhere stories live. Discover now