Chapter Eight

73 3 0
                                    

Chapter Eight

"Bakit ang lagkit ng tinginan ninyo ni Sir Rham?" naiintrigang tanong sa akin ni Apeng.

Kapapasok lang kasi ni Sir Rham sa office nito. Lumabas lang siya dahil may ibinigay na files sa amin ni Apeng.

"Baka imagination mo lang 'yon, bakla," sagot ko habang nag-e-encode ng files sa laptop.

"Asus! May kakaiba akong naamoy, e!" Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumigil siya sa pagtitipa sa computer niya at umusog ng upo palapit sa akin saka siya humalukipkip.

"Bakit, aso ka ba?" sabi ko nang humarap ako sa kanya at itinigil ko ang ginagawa ko.

"Hindi ako aso. Bakla ako!" pamimilosopo niya pa. "Best friend mo ako, pero may hindi ka sinasabi sa akin." May pagtatampo sa tinig niya.

"May sasabihin ako sa iyo. Pero sana atin lang ito. Huwag na muna sanang makarating ito kina Auntie, ha?" seryosong sabi ko.

"Sabi ko na nga ba, e! Kayo na, ano?" kinikilig na sabi niya.

"Oo na!" nakatawang sabi ko. Napatili pa siya.

"Hala! Kaya pala ganoon kayo magtinginan. Jusko! Kalandi-landi mo!"

"Ingay mo, marinig ka ni Sir Rham. Hindi alam na bekibels ka, haler!" banta ko sa kanya.

"Grabe ka, inagawan mo ako. Kainis ka!" sinabunutan niya pa ako.

"Aray! Nanakit? Nanakit?" minulagatan ko siya ng mga mata. "Basta, baks, quiet ka muna sa atin, ha?" ulit ko pang bilin sa kanya.

"Okay. Pero wala naman masama kung magka-boyfriend ka."

"Masyadong komplikado, baks. Baka kung ano pa isipin sa akin nina Auntie. Alam mo naman sa isang bahay lang kami nakatira ni Sir Rham. Ayaw kong mag-isip sila. Alam mo na iyon."

Tinanguan lang ako ni Apeng. "I'm happy for you, besh," sabi pa niya. Nginitian ko siya.

Naudlot ang chikahan namin nang marinig naming bumukas ang elevator sa floor namin. Iniluwa niyon ang isang janitor. Si Mang Boy na nasa edad singkuwenta. May dalang gamit pang mop.

"Good day, Ma'am and Sir! It's mopping time!" nakangiting bati niya sa amin ni Apeng nang makalapit siya sa kinaroroonan namin. Nginitian na lang namin siya saka kami bumalik sa pagkukuwentuhan ni Apeng.

Hindi na namin pinansin si Mang Boy na busy sa pagma-mop ng buong floor at pasipol-sipol pa.

"Akala ko ba sisiluhin mo si Sir Rham? Hindi ba plano mo iyon. Iyong mapalapit sa kanya, tapos kapag nangyari iyon, puwede mo nang makuha iyong lupa ninyo." Nakapangalumbabang nakaharap sa akin si Apeng. Ako nama'y nakasandal at nakahalukipkip sa kinauupuan ko.

Naisip ko noon iyon, pero nagbago rin. Ang sama ko naman kung itutuloy ko pa iyon. Mahirap na.

"Selfie muna, bago tapusin ang pagma-mop!" narinig pa naming sabi ni Mang Boy. Napatingin kami ni Apeng sa kanya. Isang dipa na lang nga ang layo niya sa amin. Mas lalo pa siyang lumapit sa amin. "Huwag ninyo muna akong pansinin, okay lang ba, mag-selfie dito?" sabi pa niya. Tinanguan na lang namin siya. Iyong cellphone niya nakaharap sa amin. Hindi na lang namin siya pinansin sa pagpose-pose niya.

"Madali lang naman masilo si Sir Rham, lalo na kung alam mong may gusto siya sa iyo, madali lang din kasing mauto iyon. Kapag nagkagusto siya sa akin madali nga lang makuha ang lupa namin. Mahalaga iyon kina Auntie at hindi ko hahayahang mapunta lang sa wala ang pagpasok ko sa buhay ni Sir Rha—"  naudlot ang pagsasalita ko dahil sumigaw si Mang Boy.

"Yes! Ang ganda ng mga kuha ko! Ang pogi ko talaga!" pagkasabi niyon ay sabay layas niya dala ang pang mop nito.

"Si Mang Boy minsan parang may saltik, ano?" masungit na sabi ni Apeng, natawa ako. "Ituloy mo na nga ang sinasabi mo."

SCRAPWhere stories live. Discover now