Chapter Seventeen

65 4 0
                                    

Raw version.

Chapter Seventeen

"Saan mo nakuha iyan?"

Nagawi ang tingin ko sa nagsalita. Si Auntie Vernice pala. Masyado akong nalibang at hindi namalayang nasa loob na pala siya ng bahay dahil bukas naman kasi ang main door at hindi ko naisara iyon.

Tumikhim ako at siya naman lapit niya sa akin at kinuha ang hawak ko. "Nahulog kasi iyan sa aparador Auntie, naglilinis kasi ako. Sino po iyang si Cariana? Kamag-anak po ba natin iyan?" tanong ko. Nawalang ng kulay ang mukha ni Auntie Vernice.

May problema ba sa tanong ko?

"Malayong kamag-anak namin." Tila kinakabahan siya.

"Ate! Ate! Ate Verniccceee!" Nagkatinginan kami ni Auntie Vernice. Parehong nagtataka dahil sa pasigaw na tawag ni Auntie Veron. Tumayo ako't lumabas kami ni Auntie Vernice. Sinalubong namin ang humahangos na si Auntie Veron, tagaktak ng pawis na akala mo'y galing sa isang marathon. Pagkatapos ay hinaplos haplos pa nito ang mga tuhod.

"Anong problema mo, Veron? Kung makasigaw ka naman para kang walang kapitbahay. Nakakaistorbo ko, alam mo ba 'yon?" medyo inis si Auntie Vernice sa tono nito. Gano'n yata talaga kapag matandang dalaga. Masusungit kung minsan.

"Pasensiya na, ate. Pero mukhang may problema tayo." Sabi ni Auntie Veron na kabado.

"At ano iyon?" tila inip na inip si Auntie Vernice. May iba sa gawi ng tingin ni Auntie Veron sa akin. Parang may takot factor.

Magsasalita pa sana si Auntie Veron kaya lang may biglang umentrada sa eksena.

"Kumusta, Macaspac sister's?" Nabaling ang tingin namin sa isang matandang nakangisi ng nakakaloko. Nagulat na naman pareho ang dalawang matandang dalaga't ganoon din ako.

"Don Sobel?!" malakas at magkasabay pa na sigaw ng dalawa.

Gulong-gulo ako sa nangyayari ngayon. Iyong kasing matanda nakita ko na dati iyon. Nakasalubong ko dati sa mall iyon. Hindi pala, nabangga ko siya at hindi man lang nagalit noon. Saka kasama pa nito iyong din mga bodyguard niya na naka-alalay dito. Nakatungkod pa nga ito. Anong ginagawa niya rito at bakit magkakakilala sila?

XXXX

Magkakaharap kami ngayon sa aming sala na animo'y may meeting sa barangay. Ang matandang si Don Sobel na binanggit nina Auntie kanina ay kampanteng nakaupo sa single chair habang nasa likuran nito ang dalawang bodyguard. Parang tuod na naka-cross arms pa na hindi matinag-tinag sa kinatatayuan at miyembro yata ng Men In Black. Ang init naman kasi at bakit suot pa nila ay amerikanang itim at naka-shades pa. Iyong iba pang mga kasama ng mga ito ay nasa labas ng aming bahay. Nagbabantay. Katabi ko naman sa mahabang sofa sina Auntie at nakagitna ako sa kanila.

Biglang tumikhim ang matandang lalaki. "Matagal ko na kayong ipinapahanap, Vernice, Veron. Siya na ba ang apo ko?"

"A-apo?" mahinang bulong ko. Inaamin ko, may iba akong naramdaman sa matandang nasa harapan namin. Nakatingin siya sa akin at maluwang ang pagkakangiti.

"Hindi siya ang apo n'yo, Don Sob—" hindi naituloy ni Auntie Veron ang sinasabi dahil pinigilan siya ni Auntie Vernice sa pamamagitan ng pagdiin ng braso nito. Napangiwi si Auntie veron sa ginawa ng isa. "Aray ang sakit, ha!"

"Manahimik ka, Veron!" bulyaw pa sa kanya ni Auntie Vernice.

"There's no use in lying..." sabi pa ng matandang lalaki na nakatingin pa rin sa akin. She belong to Sobel's clan. She got her looks from her Dad. Definitely, she's my one and only granddaughter." Napangiti pa ito sa huling sinabi.

SCRAPNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ