Chapter Four

90 5 0
                                    

Chapter Four

Kanina ay tumawag sa akin sina Auntie Vernice at Auntie Veron. Kinukumusta ako, nasabi ko na rin na wala na ako sa poder ni Ma'am Abrina at sa anak na lang ako nito nagtatrabaho. Binilinan nila akong mag-ingat lalo na't lalaki daw ang aking amo, tapos dalawa lang kami sa unit. Sinabi ko na wala silang dapat alalahanin at mabait naman ang amo ko. Paminsan-minsan nga lang ay may toyo.

Ako ang nag-aalala sa kanilang dalawa, baka kasi napapagod na rin sila sa pananahi. Narinig ko kasing umuubo si Auntie Veron, para kasing ang higpit ng ubo niya. Sa init lang daw iyon dahil mainit daw sa lugar ng taihan. Sabi ko nga magpapadala ako kahit pampa-check-up lang, tumanggi na naman sila. Itabi ko na lang daw muna iyon para may pera ako.

Sapat na sa kanila ang nahuhulugan ko ang bayad sa lupa. Iinom na lang daw ng kalamansi juice si Auntie Veron sabi ni Auntie Vernice. Nagharutan pa habang kausap ko sa cellphone kanina. Pinapauwi ako kaso lang tinatamad akong magbiyahe kung kakarampot lang ang dala kong pera. Kahit miss na miss ko na sila naisip kong magtiis na muna. Ipinaalala ko rin kay Auntie Vernice na huwag kalimutan ang pag-inom ng gamot niya sa high blood.

Alas onse na ng gabi pero wala pa rin si Sir Rham. Malinis na ang buong unit, hindi ko na siya mahihintay pa. Nasanay na kasi ako na sa isang linggong paglalagi ko dito ay magkasabay kaming kumain. Ewan ko kung bakit late umuwi iyon ngayon. Dati naman late na sa kanya ang alas nuebe. Nahihiya naman akong mag-text baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Pinatay ko na lahat ng ilaw at dumiretso na ako sa kuwartong pinaokopa niya sa akin. Matutulog na ako, malaki na siya kaya niya na ang sarili niya.

---

Nagising ako nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Nanunuyo ang lalamunan ko, gusto kong uminom ng malamig na malamig na tubig. Kinapa ko ang cellphone kong 3210 na napag-iwanan na ng panahon nasa side ng higaan ko. Nang mahawakan ko ang cellphone ko'y tiningnan ko ang oras. Alas tres na ng madaling araw. Parang kulang pa ang tulog ko. Bumangon ako. May narinig akong alingasngas sa labas. Bigla akong kinabahan. Jusko. Baka may magnanakaw? Hindi naman basta-basta makakapasok ang magnanakaw dahil secure ang buong building na ito. At saka may code lock ang pinto. Paano makakapasok iyon?

Kahit madilim ay nakapa ko pa rin ang tsinelas kong pambahay sa ilalim ng kama. Sisilipin ko kung may tao na sa labas. Sinindi ko ang lampshade sa side table. Nahagip ng mga mata ko ang walis tambo at mahigpit na hinawakan ito. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Nang makalabas ako ay kakaiba ang naririnig ko. Sobrang dilim talaga ng buong bahay. Nangingilabot ako sa ungol na naririnig ko, baka may multo? Para kasing may nahihirapan na umuungol, e. Maliit ang ginawa kong paghakbang papunta sa sala. Nanginginig ang mga kamay ko nang abutin ko ang switch. Nang mabuksan ko ang ilaw sa sala ay na shock ako.

"Tang ina live porn!" naisigaw ko. Nagulat ang dalawang taong hubo't hubad sa paningin ko. Nakadapa si Sir Rham sa babae, nasa sofa sila nagmimilagro. Mabilis akong tumalikod sa kanila. Jusko, hindi ko malaman ang gagawin ko!

"Cari! Bakit ka nanggugulat?! Tang ina bitin na naman!" nayayamot na wika ni Sir Rham. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa likuran ko.

"Sorry po, sige ituloy ninyo na lang ulit!" Nagmadali akong pumasok sa kuwarto ko.

Pero hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Lalong lumapit ang nakakarinding ungol noong babae dahil sa kuwarto na sila nagjujugjugan. Narinig ko kasi ang pagbagsak ng pinto ni Sir Rham. Jusko. Lalo yatang lalaki ang eyebags ko sa puyat nito. Tinakpan ko na ng unan ang magkabilang tenga ko pero lumulusot pa rin iyong pag-ungol nila. Walang hiya! Nakapagitan na nga ang banyo sa dalawang kuwarto pero iyong ungol talaga tumatagos sa kuwarto ko ang lakas nilang umungol grabe. Jusko. Iyong kama mukhang magigiba. Ang lakas ng langitngit.

SCRAPWhere stories live. Discover now