ANWAMB-23

6.2K 123 2
                                    

Hungel

***

"So what's the next plan?"tanong ni Valerie.

"May na receive ba tayong invitation para sa Grand Ball na gaganapin sa makalawa?"tanong ko sa kanila

"Yes.Ito oh"sabi ni Grace at kinuha sa shoulder bag niya ang invitations.

"Pero lima lang ang binigay"sabi ni Jenar

"Pekein niyo ang iba."sabi ko sa kanila.Tinignan ko si Harrison at nakapikit lang ang mata niya habang sumasandal sa sofa.Parang hindi lang kasama sa plano ah.

"Let me handle it"sabi ni Grovel at kinuha kay Grace ang invitations.

"Kasali si Johnmar dun sa Ball"sabi ni Blake.

"Well alam nating lahat na pupunta siya.It's all about Mafia thingy kaya sureness na pupunta siya."sabi ni Lemonage

"Awarding din yun ng top 10 mafia clans diba?"tanong ni Violet

"Yeah"sang ayon ni Jarren

"Sa makalawa pa naman yun so kailangan nating magplano ng mabuti."sabi ni Val James

"I hope hindi papalpak to"sabi ni Patricia.

"It won't "paninigurado ko.

"We're here"malakas na sigaw ni Sarcaj mula sa pinto habang nasa tabi nito si Dust na may bitbit bitbit na plastic.

"Tangna niyo ba't ang tagal"sabi ni Jenar

"Siyempre gwapo ako kaya maraming nagpapa picture"sabi ni Dust

"At ako pinilahan"sabi ni Sarcaj

"Dy"tawag ko kay Harrison agad naman siyang dumilat.

"Okay ka lang?"tanong ko

"Yeah"sabi niya

"Snack ka muna"sabi ko sa kanya at binigyan siya.

Kinuha niya naman iyon.Tsk sa aming dalawa parang siya pa ang namomroblema.Hays.

"So anong plano?"tanong ni Sarcaj

"Hindi ka kasali bawal tatanga tanga dun"sabi ni Lemonage habang sumisipsip sa straw ng iniinom niyang soda.

"Gwapo ako"sabi ni Sarcaj

"Anong connect?"tanong ni Lemonage

"Gwapo nga ako"sabi ni Sarcaj kaya inirapan nalang siya ni Lemonage.

"I need to go may pupuntahan pa ako"sabi ni Val James at tumayo na

"Sige ingat"sabi nilang lahat.Tumango lang si Val James at lumabas na.

"Blake may sasabihin ako sayo"sabi ni Dust

"What is it?"tanong ni Blake.

"Si Patr----"

"Sige Dust subukan mo papakain ko sayo yang hawak mo"banta ni Patricia.

"Joke lang.Ikaw naman hindi mabiro"sabi ni Dust

"Abnormal ka ata Dust.Bakit takot ka diyan"sabi ni Sarcaj

"Gago kaba?Alam mo bang pinasabog niyan ang kotse ko before.Kung gusto mo ikaw sumunod"sabi ni Dust kaya agad naman napailing si Sarcaj.

"Duwag"natatawang sabi ni Lemonage.

"Pupunta pala ako ngayon kina Miya" sabi ni Grace

A Night With A Mafia Boss (Season 2) : Second GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon