ANWAMB-4

9.9K 210 1
                                    

Third Person

***

Tinulak ni Hungel si Harrison at laking pasalamat niya na nakawala siya sa mga bisig nito.Agad siyang tumayo at tinignan ng maimtim si Harrison

"Umalis kana habang nagtitimpi pa ako sayo Harrison"sabi ni Hungel at hindi mawala sa mga mata nito ang talim.

"You're still mad?God Hungel malalaki na tayo"sabi ni Harrison at tumayo ito sa kama at hinarap siya.

"Oo malaki na tayo kaya marunong na ako mag-isip kung ano ang tama at mali."cold na sabi ni Hungel

"Can we just forget what happened in the past?"nagsusumamo na tanong ni Harrison.

"Forget?Umalis kanalang.Gaya ng ginawa mo noon"sabi ni Hungel.

"I'm sorry for what I did.Hindi ko naman intention na iwan ka eh. Kailangan lang talaga ako noon sa palace kaya ako bumalik agad sa Italy"sabi ni Harrison kaya biglang nag-init ang ulo ni Hungel.

"Oo at sabi mo kapag natapos na ang problema doon ay babalik ka dito. Pero anong nangyari?Naghintay ako sa wala Harrison.Nasaktan ako.Wala ka noong panahon na kailangang kailan kita.Ilang taon naba ang lumipas?Six?Seven?Hindi ko na alam dahil binaon ko na yun sa limot pati ikaw sinama na kita sa pagbaon ko at tandaan mo Harrison hindi ko na ulit huhukayin yun.Hinding hindi ko na huhukayin ang nakaraan dahil masyado mo akong nasaktan.!Nagsisisi ako dahil pumasok ako noon sa relasyong walang kasiguradohan.Ni hindi ko alam kung saan tutungo ang relasyong mayroon tayo.Ako ang naiwan dito,naghintay sa pagbalik mo pero ni anino mo hindi ko nakita!Lagi kitang kinokontak dahil miss na miss na kita pero wala.Nalaman ko nalang sa daddy mo na nagbago kana ng sim.Hahaha tanga ko no?Naghintay sa wala--"

"Hungel--"

"Pataposin mo kong gago ka!Gusto ko ng sabihin sayo na lumayo kana sa akin I already moved on.Bakit ka pa bumalik?Para saktan ulit ako?Wag na Harrison I'm done with you."sabi ni Hungel habang pinapahiran ang luhang pumapatak sa kanyang mga mata.Nakita niya ang lungkot at pangungulila sa mga mata ni Harrison pero wala ng epekto iyon sa kanya nadala na siya.Naging tanga na siya noon kaya ayaw na niya iyong maulit.

Akmang lalapitan na siya ni Harrison ng sumigaw siya.

"Wag kang lumapit!Umalis kana"sabi ni Hungel.

"No sweetheart let me explain my side fir--"

"Wag na.Kahit na magpaliwanag kapa wala ng magagawa yan.Kaya kung ako sayo bumalik ka nalang sa Italy at wag kanang bumalik"sabi ni Hungel.

"Sweeetheart please"sabi ni Harrison.

"Wag kayong magtago diyan mom, dad!"sabi ni Hungel.Bumukas naman ang pintoan ng kanyang kwarto at iniluwa doon ang kanyang mga magulang.Tinuyo niya muna ang kanyang mga luha tsaka siya nagsalita.

"Ilabas niyo na dito ang bisita niyo dad at mom.Matutulog na ako"sabi ni Hungel at pumasok na sa banyo.

NAPABUNTONG hininga naman si Asher dahil sa asal ng kanyang anak. Pati narin si Antarah ay namomroblema na sa kanyang anak.Lumapit naman si Antarah kay Harrison.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko iho"sabi ni Antarah.

"Okay lang po.I deserve it dahil iniwan ko siya noon"sabi ni Harrison.

"Iniwan mo siya iho dahil may dahilan ka.Magpaliwanag ka nalang sa kanya"sabi ni Antarah

"I'll try my best tita.Gusto kong mabalik yung dating kami and this time hindi ko na siya iiwan kahit na talikuran ko pa ang pagiging prinsipe ko."sabi ni Harrison

"I know my daughter loves you.I tried to let my friends son's to court her but she didn't agree."sabi ni Asher

"Palipasin mo muna ang galit niya Harrison.Alam mo naman yun na kapag galit ay galit talaga"sabi ni Antarah

"Okay po.I'm going to sleep now.I will just talk to her tomorrow.Goodnight Tito,Tita"sabi ni Harrison.

"Goodnight din iho"sabi ni Antarah.Tumango lang si Asher kay Harrison at tuluyan na itong pumunta sa guest room.

"I guess we need to talk to our daughter"sabi ni Asher tsaka inakbayan si Antarah at iginaya na ito palabas sa kwarto ni Hungel.

"Oo nga.Naging matigas narin ang bungo ng batang yun.Kagayang kagaya sayo talaga"sabi ni Antarah

"Na-uh baby.Sa ating dalawa ikaw ang pinakamatigas na ulo.You're stubborn back then baby"sabi ni Asher at mahinang tumawa.

"Ahh ako pala hah.Sige sa lab--"

"Binabalik ko lahat ng sinabi"sabi ni Asher.Inirapan lang siya ni Antarah. Gusto kasi ni Antarah na palagi siyang nanalo kay Asher eh kung kokontra si Asher ay malamang sa labas ito ng kwarto matutulog mamaya.Pagpasok nila sa kanilang kwarto ay humiga agad sila.Naka-unan naman si Antarah sa kanang braso ni Asher dahil ang isang braso nito ay nakapalibot na sa kanya.

"Kyle"tawag niya kay Asher.

"Yes?"tanong ni Asher

"Bakit ganun si Hungel?I mean hindi naman ako ganun ka tigas ng ulo noon eh pati din naman ikaw."sabi ni Antarah

"Nasaktan siya baby kaya normal lang sa kanya na umact ng ganun and may feeling ako na mahal pa niya si Harrison at sa pagiging matigas lang ulo niya natatago ang emosyong iyon"sabi ni Asher at hinalikan ang noo ni Antarah.

"Eh bakit yung kambal natin"sabi ni Antarah

"Sleep now baby.It's getting late too. Masama ang magpuyat remember" sabi ni Asher

"Hays sige na nga"sabi ni Antarah at yumakap sa asawa.

Hinalikan siya ni Asher sa kanyang mga labi pagkatapos ay sa noo kaya mabilis siyang nakatulog.

NAKAHIGA si Hungel sa kanyang kama habang nakatingala lang sa kisame. Kung nakakasira lang ang pagtitig shoot na shoot na wasak na ang kisame niya sa kwarto.Bumalik na naman ang mga ala-ala niya sa nakaraan or should I say mga mapapait na ala-ala niya sa nakaraan.

Nakamoved-on na siya.Hindi na dapat siya magpa-apekto kay Harrison kay ano pa ang gagawin nito.Sumubok itong magpaliwanag sa kanya pero hindi siya nakinig.Hindi na mababago ng kanyang mga paliwanag ang mga nangyari sa nakaraan.Nangyari nayon at kahit kailan ay hindi na mauulit iyon.Kung pwede lang sana na mag time travel siya ay gagawin niya. Magsisimula siya noong una palang niya nakilala si Harrison.

"Sana hindi nalang kita nakilalang hudyo ka ede sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon"sabi ni Hungel.

***

(Vote!)

A Night With A Mafia Boss (Season 2) : Second GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon