Chapter eighteen: 🎊🎉Surprise🎉🎊

166 4 0
                                    

Mr. Gueveras P.O.V;

Nang magising ako ay mabilis akong napabalikwas dahil naalala kong monday na nga pala ngayon at may pasok na. Kaylangan ko pa namang gumawa ng long quiz yari nanaman 6:12am na... Nagmadali akong maligo at saka mabilis ding nagbihis matapos kong maligo at magbihis ay mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at saka bumaba...

Nang makarating ako sa sala ay kumuha ako ng baso at mabilis na nagtimpla ng gatas at saka mabilis na ininum 'yon sa canteen na lang ako kakakin mamayang recess...

Sana hindi na galit sa akin si Mich kong nagalit man s'ya sa nakita n'ya... Ano ba naman kasi 'yon?, 'di pa nga kami ni Mich nasasaktan ko na agad ang babaeng mahal ko huhuhu...

Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na papuntang school ng makarating ako doon ay mabilis kong pinark ang aking kotse nang mapatingin ako sa right side ng parking lot ay nakita ko ang kotse ni Mich kaya alam ko nang nandon na s'ya sa loob ng school mabilis na akong pumasok sa loob ng Silver Academy at mabilis na umakyat sa 4th floor at ng makarating ako sa room namin ay wala pang mga students sa corridor at napaka tahimik, sarado paa ng pinto pero hindi naka-lock... Nang buksan ko ay-----

Waaaaaaahhhhhh! Nasa harap ko ang lahat ng studyante ko at may dalang mga flowers, balloons, and may pa confetti pa ang mga ito pero agad nang hinanap ng aking mga mata si Mich pero sa dami ng mga studyanteng nasa harap ko ay hindi ko manlang nakita kahit anino ni Mich kaya bagsak ang balikat na pumasok ako sa loob ng room 205 at wala manlang kahit isa ang nginitian ko...

Nilagay ko ang aking mga gamit sa aking table at pagtingin ko sa harap ay nagliwanag bigla ang aking aura biglang bumilis ang tibok ng puso ko at matinding kaba, saya, at kagalakan ang namutawi sa aking loob-loob...

Si si----Mich lang naman nasa unahan at bahagyang nakangiti habang nasa akon ang paningin n'ya may nakasulat sa board na "HAPPY TEACHER'S DAY MR. GUEVERAS WE LOVE YOU!!!❤❤❤ at talagang may tatlong heart pa kaya naman lalo pa akong napangiti...

Happy Teacher's Day Sir... nakangiting bati saakin ni Mich at talaga namang matinding kagalakan ang naramdaman ko nasa harapan ko na s'ya nagyon... May hawak s'yang three red roses kaya naman natuwa na talaga ako at nakaramdam na rin ng kilig sa aking loob...

Ta-thank you Mich...masayang bati ko sa kanya an bahagya pang nauutal dahil sa saya at kabang nararamdaman...

Welcome po 'Sir' deserve mo naman po ang ganito eh thank you po sa pagtuturo... mapaklang ngiti ang iginawad n'ya saakin may sasabihin pa sana s'ya saakin kaso biglang may lumapit at mabilis na hinila ang akong right hands at pagtingin ko ay si Angelica nakakainis talaga ang babaeng 'to panira talaga ng momment kahit kailan... Nanglingunin ko pa si Mich ay wala na s'ya sa may tabi ng table ko kanina nasa upuan na s'ya ngayon at busy na sa pakikipagkwentuhan kay Josh... Isa pa ang lalaking 'yan ano ba talaga ang plano nila akala ko ba ay sila na???! Pero ganyan ang iniaasta nila...

Nakakainis sila...

Wait ano bang plano n'yo ni Josh hah?! inis na singhal ko sa kanya at binitawan n'ya na ako at saka tumingin saaking mukha... Akala ko ba ay kayo na ni Josh?!, bakit ganito ang ginagawa n'yo, bakit dikit ka ng dikit sa akin at dikit naman ng dikit si Josh kay Mich?! inis at may halong galit nang tanong ko sa kanya at nag kibit balikat lang s'ya kaya lalo akong nakaramdam ng inis sa kanilang dalawa...

Wala akong paki kong 'yan ang tingin n'yo sa aming dalawa ni Josh ang mahalaga ay ang ginagawa kong aks'yon... halatang inis na ring sagot n'ya kaya naman napaisip ako...

Ano ba talaga ang iniisip nila?!, anong pinaplano nilang dalawa?, Tsk, tsk, tsk,...

Hoy ikaw Ms. Vicencio tumigil ka sa ganiyang pananalita ah?! At 'wag na 'wag mo na rin akong hilahin na parang kong sino na lang ang hinihila mo akala mo siguro boyfriend mo ang hinihila mo.... inis na singhal ko sa kanya... At nanlaki naman ang kaniyang mga mata siguro nakaramdam ng hiya...

Tsk... singhal n'ya din saakin kaya naman tumalikod na ako at astang maglalakad na pero natigilan ako dahil sa sinabi n'ya...

Wala akong paki kong sino ka o ano ka... Pake ko ba kong teacher ka eh 'crush' kita eh anong magagawa mo?! nanggagalaiting tugon n'ya kaya napa tingin ulit ako sa kanya...

Manahimik ka na Ms. Vicencio kung ayaw mong ibagsak kita sa lahat ng subject mo at babalik ka sa isang taon... hindi ko na napigilang sigawan s'ya may pagbabanta sa sinabi ko sa kanya kaya naman napatingin pa ako sa side ko kong may tao ba at mabuti naman at wala kaming dalawa lang ang nandito...

Go!, bagsak mo ako ok lang kasi ikaw pa rin naman ang magiging teacher ko kapag ginawa mo 'yon tsk, tsk, tsk... singhal n'ya pa...

Pumasok ka na... May long quiz pa kayo late na it's already 7:45 kaya pumasok ka na... ma-autoridad na utos ko sa kanya at wala na s'yang nagawa kundi ang sumunod kaya naman nakahinga ako ng maluwag inayos ko pa ang sarili ko bago pumasok ng room...

Mabilis kong kinuha ang lahat ng long quiz paper at saka mabilis na pumunta sa unahan...

Ok class maghanda kayo, dahil may long quiz kayo up to 100... Alalahanin n'yo Math ang subject ko kaya dapat mataas ang makuha n'yo... Passing 80... paliwanag ko sa kanila at saka ipinamigay ang mga paper sa kanila...

Nang nasa harapan na ako ni Mich ay wala s'yang reaksyon sa mukha kaya naman ipinatong ko na agad sa arm chair n'ya ang test paper at saka mabilis na naupo sa table ko...

Sana ok lang si Mich sana hindi s'ya sa akin galit, maawa kayo sa nag-iisang Ace Gueveras huhuhu... Guguho ang mundo ko pag nagkataon...

A/N's:

I HOPE YOU'LL ENJOY READING MY STORY. PLEASE VOTE, COMMENTS, AND FALLOW MY ACCOUNT IN WATTPAD...

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED...

#LOVE HUG'S💞💞💞

DATE AND TIME CREATED:
OCTOBER 5, 2018 AT 12:59PM

SCARLET_#25😘😘😘

"I Fell In Love With My Teacher"Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora