Chapter ten: 💔Jealous???💔

183 5 0
                                    

Mr. Gueveras P.O.V;

Pagbaba ni Mich nakatulala lang s'ya saakin at nagsalita naman ako... Mich ok ka lang??? Tanong ko sa kanya na nakangisi pa... Ahmmm oo naman... Ang sabi n'ya na tumango-tango pa...

Sumakay na kami sa kotse at ni-lock ko na ang bahay ko at pinaandar na ang kotse ko...

School;

Pagkarating namin sa school pinark ko na sa parking lot yong kotse at saka pinagbuksan ng pinto si Mich pagpasok namin sa Silver Academy nagulat ako ng makita sina Josh at Angelica na naghahalikan samay tagong lugar sa hall way... Di ko napansin na napatigil na pala ako sa paglalakad at si Mich naman ay deretsong naglakad pero nong mapansin n'yang wala na ako sa likod n'ya ay bumalik s'ya saakin at napatingin sa tinitingnan ko at parang natulala at napansin kong nagbago ang aura n'ya ang kaninang nakangiti ay napalitan ng simangot... Bakit naman kaya s'ya nagagalit may relationship kaya sila ni Josh??? Ala pano ako???, Mich ok ka lang ba???, ang nag-aalalang tanong ko sa kanya... Pero di s'ya sumagot saakin at nanatiling nakatingin kila Josh...

Pagtingin ko kila Josh naghahalikan parin sila bakit kasi sa public place nila yon ginagawa?!, nakakasakit tuloy sila ng tao pero di ko naman sure kong nagseselos si Mich sa kanila...

Nasa ganong posisyon kami ni Mich ng biglang humarap saamin si Josh at binigyan ng nagtatanong na tingin si Mich...

Di naman pinansin ni Mich si Josh at tinalikuran n'ya nalang ito at saka kinuha ang kamay ko at saka nagsalita...Sir tara na punta na tayo sa room...

Ok tara na... Pero wait lang ok ka lang ba???, tanong ko sa kanya na nag-aalala...

I'm ok sir... Sagot n'ya saakin na ngumiti pa...

Nakarating na kami sa room at binuksan ko na yon... Pumasok na kami dahil 7:25am na binuksan ko na yong mga bintana at tinulungan n'ya naman ako pagkatapos naming buksan lahat ng bintana ay hinanap namin yong susi sa loob pero wala don kaya pumunta kami sa office ko...

Office;

Pagkarating namin ay hinanap agad namin at hindi nga ako nagkamali nandon samay upuan na inupuan ni Mich kahapon...

Kukunin ko na sana pero paghawak ko ay saka naman dumapo ang kamay ni Mich sa kamay ko dahilan para magkatinginan kami pero agad n'ya namang binitawan yon...

Ahmm sorry Sir di ko sinasadya... Paghingi n'ya ng paumanhin saakin...

No!, it's ok Mich it's an accident... Nakangiti kong sagot sa kanya at ngumiti rin naman s'ya ewan ko ba kung bakit pero ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko si Mich at parang wala akong problema...

Bumalik na kami sa room at kinausap ko muna si Mich samay table ko sinabi ko na mag-announce s'ya sa unahan na may gaganaping party sa Tagaytay at dapat lahat sila ay kasama dahil yon ang sinabi saakin ng principal...

Tumango naman s'ya saakin at saka pumunta sa unahan....

Mich P.O.V;

"I Fell In Love With My Teacher"Where stories live. Discover now