Chapter sixteen: 😢Cry😢

152 5 0
                                    

Mic P.O.V;

Nang makita ko ang ginawang kabalbalan nila "Sir Gueveras at Angelica" ay talagang nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko gusto kung sumigaw habang umiiyak dahil parang paulit-ulit ang pagsaksak ng kutsilyo sa aking puso bakit ba laging ganito noong una si Josh tapos ngayon si Ace naman grabe naman wala na ba akong karapatang ma-inlove ngayon?!, dapat ba eh lagi akong umiyak dahil sa mga nagiging crush ko at talagang ang classmate ko pang malandi ang pinatulan nila,  grabe naman ano ba ang meron sila na wala ako?!, ang pagiging malandi ba?!, kung 'yon ang meron sila na wala ako... Wala na akong magagawa don dahil maayos akong studyante at ayaw kong matulad sa mga ibang students na bumababa ang tingin ng ibang tao dahil sa mga pinaggagagawa nila...

Dahil sa patuloy kong pagtakbo natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa tabing dagat...

Akala nila!, bukas talaga uuwi akong mag-isa at magco-commute na lang ako ayoko nang sumabay kay "Sir Ace" kung gusto n'ya isabay n'ya ang malanding si Angelica...

Bakit kaya ganon?!, hindi ko pa nga alam ang tunay kong feelings para kay Sir Ace may mga tao ng gumagawa para hindi matuloy ang nabubuong pagtingin ko kay Sir Ace... Hayyyyyy! Siguro dapat ko ng putulin ang nabubuo kong feelings sa kanya at mag-focus na lang sa studies ko hehehe... Kaya ko to...

Nang makapagpahangin na ako pumunta na ako sa cottage at doon na lang umupo kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng aking bulsa at saka naglibang sa app ko, dito na lang ako magpapalipas ng gabi hindi naman ako lalamukin dito dahil mahangin at tsaka may panara naman dito, ayokong pumunta sa room namin ni Sir Ace...

K. ❤I. ❤N. ❤A. ❤B. ❤U. ❤K. ❤A. ❤S. ❤A. ❤N.❤

Inintay ko na lang mag-umaga dahil ng mga time na 'yon naman ay gating gabi na mga 1:30am na kaya naman inaantok na ako ngayon... Ngayon ang alis namin dito sa Boracay kaya nang mag 5:35am na ay mabilis na akong pumunta sa room namin ni Sir Ace...

Nang buksan ko ang pinto ay nandoon si Sir Ace at mahimbing na natutulog sinamantala ko na lang ang pagkakataon mabilis akong kumuha ng damit tulad ng dati kong suot ang kinuha ko kulay black nga lang ang color ng sinuot ko ngayon kaya labas na labas ang kaputian ko...

Nang matapos ako sa paliligo at pagbibihis ay nagmadali na akong mag-ayos ng lahat ng gamit ko sa bag na dala ko at ng naayos ko na ay lumabas na ako ng pinto naglakad ako hanggang sa makarating ako sa may daanan ng mga sasakyan at nag-abang ng taxi dahil magco-commute na lang ako maya-maya lang ay may dumaan ng taxi na papunta sa amin kaya pinara ko na at saka sumakay...

Ma'am saan po kayo?! magalang na tanong ng driver ng taxi, medyo bata pa s'ya siguro kasingtanda lang ni Ace...

Ah! Sa ********** street po... magalang na tugon ko naman sa kanya at saka nagmaneho bahagya pa akong ngumiti sa kanya...

Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman sumandal na muna ako sa may pinto ng taxi at saka ko na ipinikit ang aking mata dahil matagal pa naman bago makarating sa bahay...

Zzzzzzzzzd>--->bZzzzzzzzzzzz....

Mga kalahating oras din akong nakatulog at nang-idilat ko ang aking mata ay malapit na pala mabuti na lang at nagising na ako...

Maya-maya pa ay nakarating na ang sinakyan kong taxi sa tapat ng bahay namin kaya nagbayad na agad ako at saka nagmamadaling pumasok ng bahay... Pero ng bubuksan ko ang gate ay hindi na ito naka-lock kaya alam ko na nandito na si Mommy...

Mablis akong pumasok at pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Mommy may hinandang pagkain sa dining table kaya naman napangiti pa ako ng bahagya... Pero wait paano kaya nalaman ni Mommy na ngayon ang uwi ko?!

Hi baby!, I miss you very much... How's your vacation?! masiglang tanong pa ni Mommy at nakangiti pa ito kaya ngumiti na rin ako ng napaka-sweet sa kanya...

Hi mom!, ok naman po masaya naman ang naging vacation... sagot ko na binigyan pa s'ya ng mapaklang ngiti at na-iba naman ang expression n'ya ang matamis n'yang ngiti ay napalitan ng pagtataka at ang kanyang mga mata ay nagtatanong...

Why baby anong nangyari?! Can you share it to me?! dagdag tanong n'ya pa at natameme naman ako huhuhu paano ko kaya ikukwento sa kanya... Nope, hindi ko na lang sasabihin sa kanya...

No mom!, I'm ok masaya nga eh, nag-enjoy talaga ako sa vacation namin... nakangiting pagpapalusot ko kay mommy mabuti na lang at tumango na s'ya bilang sagot kaya dumeretso na ako sa loob aakyat na sana ako ng hagdan pero....

Baby hindi ka ba nagugutom?!, kain ka muna sayang naman ang effort ko sa paghahanda ng pagkain para sa iyo... nakangiting pag-aaya n'ya pa saakin kaya naman ngumiti ako...

Ok mom!, syempre nagugutom ako ikaw pa... Kapag ikaw nagluto syempre kakain ako... nakangitong sagot ko sa kanya pero ang totoo ay wala akong gana ngayon...

Ok baby so kakain ka na... Tara sabay na tayo... aya n'ya pa saakin na nakangiti pa rin wala talagang papantay sa mommy always happy ata 'to eh palaging naka-smile lalo tuloy gumaganda...

Ok mom!, but wait mom can you stop calling me baby?!, malaki na kasi ako magi-eighteen na ako eh...animong nagtatampong pahayag ko pa sa kanya...

Ok!, 'di lang talaga sanay ang mommy na hindi ka tawaging baby kasi syempre nag-iisa ka lang na baby ko eh... mahabang pahayag pa ni Mommy na animong nagtatampo pa...

It's ok mom!, I understand,  pero malaki na ako eighteen na ako sa November kaya----'wag n'yo na akong tawaging baby hehehe...pang-uuto ko pa sa kanya at tumango-tango naman s'ya saakin bilang tugon...

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at wala nang umimik pa hanggang sa matapos na kaming pareho...

Ok, Mich!, umakyat ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na. Thank you sa pagsabay sa pagkain... nakangiting aniya pa...

Thank you rin po mommy... nakangiting sagot ko naman sa kanya saka mabilis na tumalikod at umakyat sa aking kwarto...

Pagkarating ko sa aking kwarto ay agad kong isinalampak ang aking katawan sa aking kama dahil pagod at antok talaga ako dahil sa nangyari kagabi...

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod at antok umagap na rin ako ng tulog dahil 4:40pm na ng hapon tamang-tama dahil Monday na bukas at may pasok na ang lahat ng levels...

Zzzzzzzzzzzd<---->bZzzzzzzzzz

A/N's:

I HOPE YOU'LL ENJOY READING MY STORY... PLEASE VOTE, COMMENTS, AND FOLLOW MY ACCOUNT IN WATTPAD...

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED...

#LOVE HUG'S💞💞💞

DATE AND TIME CREATED:
OCTOBER 4, 2018 AT 12:15PM

SCARLET_#25😘😘😘

&quot;I Fell In Love With My Teacher&quot;Where stories live. Discover now