Na naman

11 3 0
                                    

Di inaakalang magatatagpong muli

Yumuko't iniwasan ang sandali

Ngunit tadhana na mismo ang nagwagi

Ako'y ginawaran mo ng ngiti


Sa daan tayo'y nagkamustahan

Biniro pa kita sa bago mong kasintahan

Akala ko wala ng bakas ating pagmamahalan

Ngunit nagbalik mga ala-ala sa'ting tagpuan


Heto't nagbabaka sakali ulit

Oo, puso ko'y makulit

Di na nagtanda sa'yong pagpunit

Heto't ikaw na naman ang iginuguhit


Katinuan ko'y nauupos

Kailan ba talaga ito matatapos?

Hangang ngayon puso ko'y nakagapos

Di makawala sa iyong yapos


Akala ko ba tapos na ang lahat?

Pero bakit dibdib ko'y kay bigat?

Akala ko ba puso di ka na sasatsat?

Bakit hangang ngayon di ka pa rin paawat?


Oo, mahal na naman kita

Kahit iba ang nakikita ni mata

Mahal na naman kita

Kahit na hindi mo ako nakikita


Nasaktan, umasa't nagpakatanga

Heto't tinitignan kayong dalawa

Masakit, di ko na kaya

Pero puso'y pumipintig pa rin sa'yong saya


Mahal na naman kita ngayon

Paulit-ulit na lang ang desisyon

Puso ko'y sayo pa rin sang-ayon

Mahal pa rin kita hanggang ngayon


Unspoken FeelingsWhere stories live. Discover now