Akala ko ba di na uulit si puso?
Sabi mo pa'y tanga'y di na uso
Nangako kang di na magpapakatuso
Pero bakit heto't wala ka na naman sa wisto
Isang buwan kang nagpatagaga't nagtiis
Pero isang sorry lang bumigay ka na sa tamis
Di ko mawari kung ako lang ba ang nagpapakamalabis
Pero alam naman nating iba na tong pagkadungis
Hindi lang puso ang nasira sa inyong relasyon
Unawain mong dinungisan niya rin ang iyong reputasyon
Sana'y madala ka na sa drama't aksyon
Hindi kayo maaari sana'y maunawaan mo ang leksyon
Mahirap bumitaw sa taong kinapitan mo ng husto
Pero wala ng puwang ang pagtiis kung di na niya gusto
Alam mong masakit na pero di ka parin natututo
Kailan ka ba bibitaw ng totoo?
Paulit-ulit mo siyang iniiyakan
Pinipilit mong ikaw ay balikan
Saan bang parte ang di mo maunawaan?
Bakit hanggan ngayon di ka parin tumatahan?
Kalikutin mo pa ang memorya
Wala ka na talaga sa estorya
Iba na ang gumaganap na bida
Hindi na ikaw ang kanyang reyna
Oo, masakit ang mawalan
Pero unawain mong hindi siya kawalan
Hindi pa ito ang hangganan
Dahil marami pa ang naghihintay sa iyong paanan
Kung titignan mo kahit saglit
Marami ang sayo'y nakakapit
Di bumibitaw kahit nangangawit
Naghihintay kung kailan titino ang iyong bait
Di ko maintindihan kung bakit ka ba talaga naghahabol
Para kang aso na tahol ng tahol
Kahit puso mo'y kanyang pinagbuhol-buhol
Heto't sa kanya ka pa rin nauulol
Hanggang dito na lang ang aking salita
Alam kong di mo rin naman pakikinggan ang aking balita
Tapat ka sa kanyang hilaw na panata
Kahit na alam mong di para sayo ang mga kataga
YOU ARE READING
Unspoken Feelings
RandomRandom thoughts and unsaid words that kept bugging my mind. You, me and everything in between. My own version of fairy tale. 12/27/20 #2 Unsaid Words