Iba

45 5 0
                                    



Kakaiba at tahimik na binata

Ako'y napahanga ng iyong salita

Pangaral mong magandang balita

Ngunit galaw mo'y iba ang panata


Nagkakilala ng dahil sa mali

Pinaglayo't pinaglapit muli

Kakaiba ang bawat sandali

Ngunit puso'y ayaw magpatali


Naging malungkot, nawala ang saya

Dahil sa larong tayo ang taya

Iba ang gusto ng pusong madaya

'Yon ay ang mahalin ka ng malaya


Sabi ni utak, wag maging tanga

Putolin kung maaari ang sanga

Sapagkat ito'y bunga lang ng paghanga

Ngunit ako'y naghahanap pa rin ng iyong kalinga


Paulit-ulit na nagagalit si utak

Ngunit puso ko'y putak ng putak

Tayo daw ay di mabubuwag kahit ng itak

Sa huli ako'y kinunan mo ng halahak


Puso ko'y nabiyak ng iyong sekreto

Iba pala talaga ang iyong gusto

Patawad at di ako perpekto

Di ko maunawaan ang yong pinupunto


Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon