VIII. Ang Social Studies

Start from the beginning
                                    

"Kailan ako papasok?"

"The day after tomorrow." nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya.  Nagkunwari-kunwarian na lang ako na naintinidhan ko, may patango tango pa nga akong nalalaman. Aba, mahirap masabihan ng tanga sa pangalawang pagkakataon.

"O paano ba 'yan? Good night, thank you dito pogi." tumingkayad ako at pinilit kong abutin ang kan'yang pisngi. Tila, naging bato si pogi dahil sa ginawa ko. Nakahawak s'ya sa pisngi n'ya habang ako naman ay unti unting umikot at hinawakan ang door knob ng pinto ng kwarto ko.

Pagkatapos noon ay isinara ko ang pinto, ang lakas ng tibok ng puso ko. Napasandal ako pinto dahil parang nawalan ng buto ang mga tuhod ko, "Mamatay na ba ako?" tanong ko sa sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko..lumapit na lang ako sa kama ko at padapang dumamba rito.

Malapit na siguro ang the day after tomorrow ano?

***

Hindi nga ako nagkakamali. Malapit na talaga ang the day after tomorrow. Ngayong araw na 'yun! Masaya akong bumaba sa hagdanan! Hays sa wakas ay makakagraduate na ako! Joki joki lang! Excited? First day of school! Shoot mga pare at mare, this is it pansit!

"Your uniform suits you well." napatingin naman ako sa gwapong boses na pagmamay-ari ng isang nakapapoging lalaki. Tenen! Ayan, pababa na rin s'ya ng hagdan.

"Bagay din sa'yo 'yang suot mo. Ang pogi mo talaga!" pumunta ako sa harap n'ya at binatak ang pisngi n'ya.

"Kyot kyot ng pisngi mo." inis na tinanggal n'ya ang pagmumurder ko sa dalawag pisngi n'ya. "Ay sungit!" puna ko. Nagtungo s'ya sa harap ng hapag kainan. This time ay may kasama na kaming dalawa sa palasyo, si Manang Dionisia.

"Kumain na kayong dalawa." sabi ni Manang sa amin. Nagtungo naman si pogi sa harap ng lamesa at naghatak ng upuan, hindi n'ya man lang tinapunan ng tingin si Manang D.

Oo, yun na lang ang tatawag ko sa kan'ya, para tunog sosyal. Oh diba? Ang talino ko talaga!

"Uy bilisan mo naman kumain!" sita ko kay Dominique na ubod ng bagal kumain. Kasi naman napaka-arte, may kutsilyo pang hawak, may tinidor,may kutsara, may maliit na kutsara, may baso, may tasa at kung may anong tela na nakalagay sa ilalim ng leeg n'ya. Arte arte! Kakain lang e!

"Why are you in hurry?" nagsalubong na rin ang kilay n'ya habang isinubo ang isang french toast daw iyon.

"Malelate tayo ano ka ba?!" gigil sa sabi ko. Tumingin naman s'ya sa suot n'yang relos at ibinalik ang tingin sa akin, "Its early." ipinagpatuloy n'ya ang pagkain habang ako naman ay hindi maipinta ang mukha. Ugh, bakit ang tagal n'yang kumain? Saan ba ipinaglihi si Dominique at napakabagal n'yang kumilos? Waah, wala s'yang manners.

Napagdesiyunan ko na tumayo na sa kinauupuan ko.

"Where are you going?" ngumiti naman ako sa kan'ya ng pasimple.

"Kay Georgy. Sa kanya na ako sasabay." bigla s'yang uminom sa kape n'ya at lumalakad mabilis papunta sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"I'm finished. Lets go?" ang lakas talaga ng sira sa ulo nito. Noong nakapag-decide na ako na hindi na sasabay sa kanya ay sya naman ngayon ang naghahabol? Hay nako.

Isinakay n'ya ako kotse n'ya. Natanga na naman n'ya ako sa pangalawang pagkakataon. Paano ba naman kasi? Malay ko ba sa pagbubukas ng kotse? E kung tricycle 'yan edi sana wala ng pintong bubuksan? Sabi ko nga sa kan'ya mag tricycle na lang kami para tipid sa gas kaso tingnan mo rin 'yung isang 'to, sinungitan ako.

"Behave there. Act like a lady." sermon n'ya sa akin. Actually, kagabi n'ya pa sinasabi sa akin na kumilos daw ako ng tama. Ang tanong ko naman sa kanya, ano bang mali sa ginagawa ko? Pero ang isasagot n'ya, you're unique and that makes you different.

"Iyan na ba ang school ko?" hindi ko maipinta ang tuwa sa mukha ko dahil sa nakikita ko. Ang laki ng gate, at magara rin ang pagkakadisensyo nito. Parang pre-spanish ang tema ng disenyo nito. Tanaw ko na rin dito ang mala-17 century na design ng mga buildings. Ang mga haligi nito ay pruweba lang na ang gagaling na arkitekto ang gumawa ng disenyo nito.

Hindi s'ya sumagot pero nakatanaw lang ako sa labas. Ang ganda kasi e, ultimo bulaklak sa flower box ay magaganda. Ang daming mga estudyante na naglalakad, halos sila lahat at magaganda at gwapo. Ang mga kababaihan ay nakasuot ng palda na na angat sa tuhod, may kurbata din akong suot kagaya ng sa kanila at itim na medyas na hanggang binti ko.

Noong una nga ay umalma ako dahil sobrang ikli ng palda ko, pero sabi ni pogi ay kung hindi ko isusuot iyon ay hindi ako papasukin. So wala na akong nagawa, isinuot ko rin s'ya.

Huminto ang sasakyan ni Dominique sa isang magarang building, "Nandito na tayo?" tanong ko sa kan'ya. Nagulat na lang ako noong lumapit s'ya sa akin. Napapikit na lang ako habang nararamdaman ko ang mainit n'yang hininga sa leeg ko. Hanggang may tumunog na klik, tinanggal n'ya pala ang sinturon na nakalagay sa katawan ko.

"Good luck." ipinagbukas n'ya ako ng pinto ng hindi bumababa sa kotse. Ako naman ay tila isang bata na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Muli kong kinatok ang bintana ng kotse ni pogi. Bumaba naman iyon.

Lumapit ako sa kanya para bumulong, "Saan ba ang room ko?" napakamot na si pogi dahil sa tanong ko.

"Right there beside the reading center." napa-oo na lang ako kahit hindi ko nagets ang sinabi n'ya. Naglakad na akong papunta sa unang silid na aking papasukan. Nagulat ako noong nag-psst sa akin si pogi at sinabing, "Good luck Eumice." napangiti na lang ako sa kanya. Tila nagkaroon ako ng lakas ng loob para sa aking unang papasukan, ang social studies.

Social studies? Diba dito kami tuturuan kung paano maging sosyal? Tama! Ang galing ko talaga!

*****

Gdragon as Dominique

Dara as Eumi

Chanyeol as George 

These Three JerksWhere stories live. Discover now