CHAPTER 49 √

43.8K 968 35
                                    


JIRUEL


"Yeah haha Susunduin kita sa inyo para sabay tayo."

("Alam mo parang ayaw ko nga eh baka pigilan pa kitang sumakay sa eroplano eh..")

"Mabuti nga yun eh para magkasama tayo."

("Edi di naman ako papayag noh")

"Haha as I thought."

("Hm..sige na. Maaga ka pa bukas..Goodnight.")

"Okay. Magpahinga ka na din..Goodnight"

Pinatay ko na ang cellphone ko ng tapusin niya ang tawag. Naupo sa tabi ng kama at tinitigan ang maleta sa gilid nito.

Haaaayyy.. parang ayaw ko talagang umalis eh..kasi kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na di naman to masyadong magtatagal at magkikita naman kami paminsan-minsan ay di ko parin maiwasang di mag alala. Ayuko ko talagang iwan siya eh..pero anong magagawa ko?

Kahit papano ay gusto ko din naman magpunta para sa pangarap ko at the same time yun din naman gusto niya eh. Halos pareho lang din naman ang desisyon namin eh at dahil doon nagkakaintindihan kami.

Humiga ako sa kama at napapikit ng mariin.

Bukas na..bukas na ang araw na iyon. Araw ng pag alis ko. Araw na mawawala ako sa kanya. Ang araw ng una naming pagsubok..

Mahirap pero kakayanin ko..

(Tok)

Tumayo ako at binuksan ang maleta saka kinuha ang scarf na galing sa kanya. Ang saya lang sa pakiramdam na makatanggap ng isang regalo lalo pa't galing sa kanya. Its a first gift that she had given to me.

(Tok)

Napatayo ako dahil sa tunog na iyon na nagmumula sa bintana ko. Kaya naman hinawi ko ang kurtina at kitang kita ko ang mumunting bato na tumatama sa glass kong bintana. Binuksan ko na din ang bintana at dumungaw roon.

Nagulat ako ng makita siya roon sa labas. Naka pajama at naka-jacket pero nakangiti at kumakaway pa siya. Nagsenyas ako ng hintayin ako roon kaya agad naman na akong bumaba.

Pagkalabas ko ng bahay at malapitan siya ay isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Subsob ang mukha sa aking dibdib at malalim ang mga paghinga. Yumakap ako pabalik at hinagod ang likod niya.

"Iiyak mo na lang yan..come on, its alright.." pahayag ko habang hinahagod ang likod niya. Alam na alam ko kapag magiging ganito ang kilos niya lalo na kapag sinasabayan niya ito malalalim at mabigat na paghinga. "I know it's not easy..so burst it out.."

"Stupid...its not me who should burst into tears..its you who should..." Bulong niya sabay kurot sa tagiliran ko kaya napatawa nalang ako.

Dahan-dahan akong nag-squat ng bahagya para kargahin siya. As in karga hindi bridal style. Mahigpit syang kumapit sa balikat ko at humilig rito. Pumasok ako ng bahay diretso sa kwarto ko.

Maingat ko siyang inihiga sa kama at tinabihan habang yakap pa rin siya. Nakaunan siya sa braso ko at nakasiksik parin sa dibdib ko pero pana'y naman ang mahihina niyang mga hikbi.

Hinimas ko ang kanyang pisngi at isinabit sa likod ng kanyang tenga ang ilang buhok na nagkalat sa mukha niya. Hinawakan ko ng bahagya ang kanyang panga para iharap sa akin. May mumunting luha sa kanyang mukha.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinahid ang mga luha niya gamit ang aking hinlalaki. Matapos nun ay hinalikan ko ang noo niya at ngumiti.

"Its alright, okay? Stop crying.."

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon