CHAPTER 18: The Manager

63.1K 1.4K 52
                                    

 

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

Matapos lumabas ni Sir ng classroom ay kaagad ko ding dinampot ang bag ko at patakbong lumabas. Tinahak ang tahimik na hallway pababa sa main ground, diretso sa gymnasium.

Nalaman ko kasi na may nangyari daw at nagkaroon ng away. And, unfortunately, kasama si Kapre sa gulo.

Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng katahimikan at gulat na mga mukha ng mga players. Tila ba 'di nila inaasahan ang pagdating ko. Nakapagtataka dahil madalas naman ako nagpupunta rito kapag free time ko. But, whatever.

"Si Kap—I mean, Jiruel?" Kaagad na tanong ko sa isang lumapit sa akin.

Ngumiwi naman siya at alanganing itinuro ang isang pinto sa dulo ng silid. "He's not feeling well. Our Manager's taking care of him right now."

"Manager?" Taas-kilay kung turan at tiningnan ang pinto ng kwarto na sinasabi niya.

"Y-yeah. . ."

Kung ganoon ay magkasama pala sila, ha. At 'nit feeling well'? Dapat sa infirmary nila dinala.

Linapitan ko na ang pinto at hinawakan ang doorknob nito. Pipihitin ko na dapat ito ngunit nahinto ako dahil sa mga matang nakapukol sa akin mula sa likuran. Kunot-noo akong lumingon pero kaagad din silang nagsipag-iwas ng tingin.

"What?" anas ko pero walang sumagot.

Since mukhang wala naman silang balak na pigilan ako at binuksan ko na lang ang pinto. Iginala ang sariling mata sa 'di gaanong kalawak na silid para hanapin ang dalawa. At nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na babae, kaagad na nangunot ang noo ko. Lalo pa ang makita kong nakadampi ang palad niya sa noo ni Kapre na nakaupo sa bleacher.

"May sinat ka. Magpahinga ka na muna at aalagaan kita." Sabi nito na todo sa ngiti.

Excuse me, boyfriend ko 'yan kaya ako mag-aalaga diyan!

Oh, bakit? May angal kayo? Kahit naiirita't naiinis ako sa kalokohan niyang Kapre na 'yan, KAPRE KO pa din 'yan. At ang Kapre na 'yan ay boyfriend ko. Sino kokontra, uupakan ko.

"Excuse me?" singit ko na at tuluyang pumasok sa loob. Kaagad naman silang napabaling sa gawi ko. "Maybe it's my job to take care of him because he's MY boyfriend." turan ko habang papalapit sa kanilang dalawa. Pilit pa akong ngumiti sa babae. "Would that be okay, Miss Manager?"

"What are you doing here? This is the teams quarter and only players are allowed to be here." Taas-kilay na sagot niya't pinasadahan pa ako ng tingin sabay irap.

Ng tuluyan akong makalapit ay saka ko inakbayan si Kapre na nakatitig lang sa akin. Inabot ko pa ang kabilang tainga niya at pa-simple itong kinurot. Marahan siyang dumaing kaya makahulugan ko itong nginitian bago muling balingan ang manager nila na nakatayo lang sa harap namin.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon