CHAPTER 16: Almonte House

61.3K 1.4K 62
                                    

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

"Papa!" Rinig kong sigaw ni Mama na ang tinatawag ay ang Papa ko. 'Wag kayo maguluhan, ganyan call sign nila, eh. "Si Russell, may girlfriend na!"

"Oh? Ano naman? Normal lang 'yun," halos kibit-balikat na sagot ni Papa habang nagtitipa sa kanyang laptop "Malaki na 'yan, kaya 'di na dapat 'yan pinapakialamanan. Basta wala siyang gagawa nang kalokohan, wala akong problema."

"Pero, Pa. . ." protesta pa din niya pero makaraan ay sumimangot na lamang.

Sinipat ko naman ang nakatatanda kong kapatid na nakaupo sa lapag at abala sa tinatapos na project. Nakakaasiwa ang sandamakmak na papel sa sala. Maya't-maya ding ihampas ang hawak na lapis sa mesa.

Nagbuntong-hiningang tumayo ako mula sa pagkakahilata sa couch at nagtungong kusina. Inilabas ang box ng donuts sa ref saka nagtimpla ng juice. Pagkaraan ay dinala ko ito sa sala at inilapag sa kakaunting space sa dining table bago itulak ang ilang mga notebook na nakakalat doon.

"Aba't—" asik ng kapatid ko pero nahinto ito nang agawin ko ang lapis mula sa kamay niya.

"Meryenda muna, baka mabaliw ka bigla." Biro ko na may pagtaas-kilay pa.

Wala naman itong nagawa kundi ang magbuntonghininga at mag-inat ng mga braso't binti. Tipid na ngiti lang din ang ibinigay nito sa akin bago dumampot ng pagkain.

"Ah, bahala nga! Basta ikaw bunso 'wag kang mag bo-boyfriend ha?!" Biglang baling ni mama sa akin na ikinagulat ko.

"H-ha? Ba't napunta sa akin ang usapan? Si kuya kaya ang topic 'wag ako!" Kaagad na tugon ko, itinuro ko pa ang kapatid ko na nakangisi lang.

"Mama, si bunso may boyfriend na 'yan! Naalala ni'yo 'yung  susundo sa kanya noong nakaraan?" Singit niya. "Boyfriend niya 'yun."

"What!?"

Sasakalin kita, Kuya!

"Che! Tigilan mo ako!" Asik ko saka tumayo at padabog na inakyat ang hagdan tungo sa kwarto ko.

"Hazeth!" pahabol na tawag ni Mama pero 'di na ako nag-abalang huminto pa.

"May assignment ako, kaya bawal ako istorbuhin," sabi ko lang.

Mas maigi nang iwasan ang usapang iyon dahil baka kung saan na naman ito maapdpad. Ayuko ding magisa ni Papa ng mga tanong niya at pangungulit ni Mama.

Napabuntonghininga ulit ako at tinungo ang higaan ko. Pero bago pa man din ako makahiga ay napahinto ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Kunot-noong inabot ko ito na nasa side table at sinagot ang tawag galing kay kapre.

"Ano!" Sigaw ko. Wala lang trip ko manigaw, eh.

"Date tayo." Masiglang bungad naman niya.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon