CHAPTER 31 √

51.7K 1.2K 37
                                    

HAZETH

Sa pagtama ng liwanag ng araw sa mukha ko ay napapikit ako para panatilihin ang kalmadong kaisipan. Pagkaraan ay tumayo na ako at tinungo ang banyo para maligo.

Napapikit lang ako habang nararamdam ang pagbuhos ng tubig mula sa shower at binabasa ang buong katawan ko. Hindi ako nakatulog kagabi at kahit anong gawin ko di talaga ako dinalaw ng antok kahit na saglit. Nakailang gatas na nga ako pero wala pa din. Umabot na lamang ang umaga wala pa din.

"Oh ba't ang aga mo naman ata?" Pagtataka ni papa ng makita ako sa kusina.

Ngumiti lang ako't binatukan siya ng maganda umaga bago siya pinagtimpla ng kape. Matapos nun ay naupo ako sa tabi niya at nag halumbaba.

"Pa, may itatanong ako. Sagutin mo ng maayos ah?" Masaya kong sabi habang nakatingin sa kanya na nagbabasa ng newspaper.

"Hm? Ano yun?" Sagot niya na bahagya lang akong tiningnan pero nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo ng makita ang malapad kong ngiti. "Whats with that smile?"

"Pa,have you ever come to the point that you wanted to leave Mama?" Direkta kong tanong sa kanya na nagpagulat rito pero di ko tinanggal ang ngiti ko.

"Huh? Ba't ka naman nagtanong ng ganyan?" Turan niya saka humigpit sa kanyang kape.

"Ah basta. Sagot na lang, Pa." Pangungulit ko na bahagya nang sumimangot.

Tiniklop niya ang newspaper at uminom muki ng kape. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at sumandal sa upuan saka ngumiti ng mapait.

"Ang relasyon ay hindi lang puro saya, nariyan din ang lungkot, sakit at kawalan ng tiwala. Lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan." Tumigil siya saglit at humigop sa kanyang kape. "Maraming beses din kaming naghiwalay ng mama mo sa napakaraming dahilan at away. Hindi ba't alam mo namang di ako gusto ng parents niya and same goes with me. It comes to the point that our parents are torturing each other at the same time hurted too."

"Did you give up?" Singit ko.

"We both give up." Nawala ang ngiti sa labi ko at napatungo ako. "But we still hope that someday, everything will go just the way we wanted it to be."

"So naghiwalay talaga kayo? Sino una nag give up?"

"It was her but its our decision though. Besides, we we're like..19 that time..we can't do things in our own.,that's why."

"So is it ok to give up?"

"Yeah..its ok for a while lalo na kapag magulo na ito pero di mo naman maiiwasan yun..maybe you just need a little space between the two of you.." paliwanag niya saka muling binuklat ang diyaryo sa mesa.

Mapait akong napangiti habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Papa habang nagbabasa. Di ko maiwasang malungkot tuwing naikukwento nina Mama at Papa ang naging karanasan nila bago dumating sa puntong ito.

"Eh pano kung di na kayo magkita ulit? Pano kung di kayo para sa isa't isa? Anong gagawin mo?" Tanong ko at di na naitago ang lungkot sa tinig ko.

"Well..you just need to change your destiny and make your own one." Halos kibit-balikat na sagot niya na nagpangiti sa akin ng bahagya.

Tumayo na din ako pagkaraan ng ilang minutong pagtitig kay Papa at pag-analisa ng kanyang mukha. Sa kabila kasi ng hirap at sakit na din anas nila sa kamay mismo ng mga magulang nila ay nagagawa pa din nilang ngumiti at pinakita ang kasiyahan tuwing naikukuwento nila iyon.

Inayos ko ang sarili ko't isinuot ang bag ko. Hinalikan ko si Papa sa pisngi at nagpaalam.

"Thanks,Pa."

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon