CHAPTER 9: Courting Her IV

67.5K 1.9K 37
                                    

ARIELLA "LYLA"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARIELLA "LYLA"

Nasa likod ako ng upuan ni Hazeth at kitang-kita ko ang pag galaw ng ulo niya na animoy pinipilit na 'di makatulog. May teacher pa naman sa harapan. Tumagal din ng ilang minuto iyon hanggang sa tuluyan na siyang napatungo.

Wala na, tulog na. Bago 'to, ah. Hindi nakakatulog sa klase 'tong kaibigan ko. Ano't puyat ito ngayon?

"Pssst! Jir—" tawag ko sana sa katabi niya pero napatigil din ako at agad na napangiti na lamang.

Nakita kong kinuha ni kap–Jiruel ang bag ni Bessie at pinatong ito sa kandungan niya. Bahagya rin niyang iniatras ang upuan at marahang inalalayan si Hazeth lalo na ang ulo nito na napahiga sa kanyang kandungan at nakaunan sa bag.

Napansin kong pinagtitinginan na sila ng mga malapit sa upuan at kanya kanya sila ng ngiti.

Nagbuklat din siya ng isang libro at pinatayo sa ibabaw ng desk kaya mukha talagang may nagbabasa ng libro. Pero si Hazeth!? Ganda ng tulog sa kandungan ni Jiruel.

Takte, ang sweet pala 'tong lalaking 'to, eh!!

• • • • •

• • • • •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HAZETH

"Uy! Bessie, gising na. . ." naramdaman ko ang pagtapik sa pisngi ko kaya marahan akong nagmulat ng mata. Nakangiting mukha naman ni Lyla ang sumalubong sa akin. "Buti naman. Mukhang puyat ka, ah!" wika ulit niya.

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga sa kandungan niya saka napahikab. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago siya balingan at tanungin.

"Matagal ba akong nakatulog?" nakangiting tumango naman ito bilang sagot. Naipilig ko naman ang ulo ko. "Si Kapre?"

"May practice game sila ngayon kaya umalis na. Napagalitan pa nga ng manager nila kasi ayaw umalis," paliwanag niya habang nag-iinat at pagkuwa'y ngumisi. "Kayo, ah! Nakakalanggan ang sweetness niyo, HAHAHAHA!"

DON'T TOUCH HER (Complete)Where stories live. Discover now