CHAPTER 5: Challenge Him

85.1K 2.2K 90
                                    

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

Matapos maihinto ang sasakyan sa garahe ay bumaba na kami ng kotse niya at tumambad sa akin ang napakalaking bahay. Isang napakagandang mansyon. Malawak pa ang bakuran at napakaraming tanim na bulaklak. Maaliwalas din ang paligid.

Ahh. . . Ang sarap sigurong tumira sa bahay na 'to. Actually, malaki din naman ang bahay namin, maganda rin. Pero hindi ganito kalaki. Mayaman pala talaga ang kapre na 'to.

"Close your mouth, Dwarf. Baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo." sabi niya pagkaakbay sa akin kaya napatikom naman ako ng bibig.

Nakakahiya naman. Pero 'di ko talaga mapigilang mamangha, eh. Mas malaki pa nga 'to sa bahay nina Lyla kahit mayaman din ang pamilya ng babaeng 'yun. Paano, only child. Pati parents niya only child lang din kaya ayan.

"Tara na." aya niya pero umiling lamang ako.

"Ano gagawin natin dyan!?" tanong ko saka tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Akala ata nito nakalimutan ko na kalokohan niya kanina, ah.

Ngumisi siya. "Mag babahay-bahayan." 

Sunod-sunod akong umiling at mabilis na umatras. Balak ko pa sanang tumakbo paalis, palabas sa malaking gate pero mas mabilis ang kilos niya kaya kaagad ako nitong napigilan na ikinasigaw ko naman.

"Up we go!!" tumatawang turan nito nang muli akong buhatin at isinampay sa balikat niya.

"Ahhhh!!" Sigaw ko at nagpumiglas saka pinaghahampas ang likod niya. "Ibaba mo ako!!" Sigaw kong muli.

Grabe, sako ba ako ng bigas at ginaganyan niya ako!? Porque ba ang laki niyang tao at ako hindi!? Porque ang lakas niya't kaya akong buhatin kahit isang kamay!? Bakit!? Ang sama nitong kapre na 'to!

"Magandang hap—" rinig kong bati ng isang babae pero naputol ito dahil sa malakas kong pagsigaw.

"Ibaba mo ako, Kapre!!"

"Sina mama and'yan na ba?" rinig kong tanong niya.

Sigaw lang ako ng sigaw habang siya ay nagpatuloy lang sa pagpasok ng bahay. Doon ko nakita ang isang babae na nagsara ng pinto pero tumatawa siya. Nakakahiya talaga ginagawa ng engkanto na to!

"Kapre, naman!! Ibaba mo na nga ako! Wala na akong kawal–aray!!" Daing ko nang bigla nalang ako nitong ihulog. Buti nalang talaga at sa couch.

Takte, buti malambot kundi nabalian na ako. Ang sama naman nitong engkanto na 'to!! Wait–lahat pala ng engkanto masama! At siya ang pinaka sa lahat!

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon