CHAPTER 28 √

58.9K 1.2K 52
                                    

HAZETH

Naalimpungatan ako ng makaramdam na may tumutusok sa mga paa ko. Iginalaw ko ang paa ko para alisin kong ano man ito at muling bumalik sa pagtulog.

Pero maya maya pa'y nariyan na naman ang pagtusok. Ah! Nakikiliti na ako ah!

"Kuya!! Itigil mo nga yan!!" Sigaw ko at nagtalukbong ng kumot.

Alam namang natutulog ang tao mang iistorbo siya. Haist. May pagka sa matigasin din talaga eh.

Ipinikit ko na ang mata ko para muling matulog pero..takte ah ang pasaway talaga! Hilahin daw ba yung kumot!? Sa inis ko ay naupo na ako.

"Ano ba yan! Walang modo ha alam nam--kapre!?" Nangunot ang noo ko ng makita siya sa may paanan at hawak hawak ang kumot. Nakaupo siya sa sahig at tila nakasilip.

"Good morning!!" Nakangiting bati nya sa akin.

"Anong good sa morning eh sinira mo na?" Pagtataray ko bagama't lumapit sa kinaroroonan niya. "Ginagawa mo diyan?"

Dumapa ako habang kaharap siya saka naghalumbaba. Ganun din naman ginawa niya eh. Umagang-umaga nangti-trip tong kapre na to, pasalamat ka gwapo ka haha!

"Kanina pa kita ginigising eh,umalis na sina mama kaya tayo nalang naiwan." Saad niya na ang tinutukoy na mama ay ang mama ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko habang nagkakamot ng mata.

"Mga 10 na siguro. Bakit?"

Nahiga ako ng maayos. "Nagugutom na ako. Pagluto mo ako."

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya saka dinampian ng halik ang noo ko. "Get up. I'll make us some food."

Tumayo na siya sa pagkakaupo sa sahig kaya ako naman ay umayos na din. Tumayo ako sa kama sabay hila sa damit niya.

"Bakit?"

"Hm. Carry me downstairs." Nakangiting turan ko.

"Hop in!" lumapit siya sa akin habang nakatalikod kaya sumakay ako sa likod niya. Kumapit lang ako habang pababa siya at magtungo ng kusina. "Ano ba lulutuin ko?"

Umiling ako pero siya tuloy lang sa pagtingin sa loob ng ref. Pinagmasdan ko lang siya habang nagluluto at paikot ikot sa kusina habang ako tong nakakapit sa likod niya.

Paminsan minsa'y susubuan niya ako para ipatikim ang niluluto niya tapos uulit na naman siya. Minsan din ay ginugulo ko siya sa ginagawa at hinihila ang mga tenga niya.

Baliktad kami ni Kapre hahaha. Ako babae kaya dapat ako marunong sa mga gawaing bahay lalo na sa pagluluto, pero sadyang ayuko talaga sa gawaing iyon. Buti nalang talaga magaling tong boyfriend ko hahaha.

"Iprito mo muna to. Maghihiwa ako ng sibuyas." utos niya ng maibaba niya ako at ibinigay sa akin ang isda.

"Ayuko. Ako maghihiwa ikaw magprito." Reklamo ko sabay simangot.

Pagpiprito pa talaga eh yun pinakaayaw ko sa lahat. Ang sakit kaya matalsikan ng mainit na mantika sa balat. Tas babakat pa yun at mangigitim.

"Sige na nga." Wika niya ng nakangiti sabay gulo sa buhok ko. Bahagya lang akong napabungisngis dahil doon.

Kinuha ko na ang kutsilyo at lumapit sa counter kung nasaan ang sibuyas, luya at bawang na hihiwain. Pinulot ko ang sibuyas at tinanggalan ng balat. Dahan-dahan kong iginalaw ang kamay ko para hiwain ito.

"Ingatan mo lang na hindi ka masugatan. Mahapdi ang sugat lalo pa't sibuyas yang hinihiw--oh?" Napatigil siya sa pagsasalita.

Inilapag ko ang kutsilyo at maluha luhang humarap sa kanya na ikinagulat niya. Napasimangot pa ako na naging dahilan para similay sa mukha niya ang gulat.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon